****(WOULD YOU BELIEVE?)
RAFAEL'S POV
Hi! ako nga pala si Rafael Timothy Sanchez
4th year student din
tahimik ako pag nasa school
well!kahit saan naman tahimik lang ako
ayaw ko kasi ng maingay
hindi kasi ako makapag concentrate
sa buhay
pero simula ng makilala ko si Mich
parang biglang nag-iba
ang pananaw ko sa buhay
maingay sya paminsan-minsan
kasi nga kalog sya
yun ang sabi ng mga kaibigan
ko na nakakakilala sa kanya
never pa kasi kaming nagka-usap
ang totoo kasi nahihiya ako kapag
nakikita ko na sya
yung tipong umuurong ang dibdib ko
at naii-stuck up ang mga paa ko sa kinatatayuan ko
kaya ayun kahit na gustong-gusto ko na
syang lapitan at kausapin
umuurong ang buntot ko
dahil narin sa pagiging torpe ko
tuwing nagkakabanggaan ang mga mata namin
sa daan hindi ko maiwasang iwasan ang mga tingin nya
pakiramdam ko kasi natutunaw ako sa mga titig nya
Isang araw habang nasa labas
ako ng school library natanaw ko sya
sa di kalayuan
siguro akala nya hindi ko sya nakita
naka side-view kasi ako nun
pero parating palang sya nakita ko na sya
at dahil umiral na naman ang pagiging torpe ko
ayun nag-iba ng direksyon ang mukha at katawan ko
nang tumingin ulit ako sa direksyon kung saan unang nakita ko
syang nakatayo wala na akong Mich na nakita
kaya nag decide na lang ako na
pumasok nalang sa library para
magbasa ng libro
habang naghahanap ako ng
mauupuan napatingin ako sa
babaeng naka-upo sa di kalayuan
nilapitan ko sya at kinalabit sa likod
para itanong kung bakante ba
ang katabi nyang upuan
nagulat ako ng bigla syang humarap
at ng makita ko ang magaganda nyang
mga mata
si Michelle Regala
sa tancha ko halos 2 minuto rin tumagal
ang titigan naming dalawa
magsasalita na sana ako ng bigla
syang hinimatay
dali-dali ko syang binuhat
at dinala sa campus clinic
ramdam ko ang init ng katawan nya na
para bang kinukuryente ang katawan ko
gusto ko pa sana syang bantayan
hanggang sa magising sya kaya lang
biglang nag bell kaya kahit ayaw
ko pang umalis hindi maaari
chemistry kasi yung subject namin nung mga oras na iyon
at may laboratory exam kaya bawal akong umabsent
pinaalis narin kasi ako ng nurse
bawal daw kasi ang maraming tao sa
loob ng clinic kaya umalis na lang ako
at naiwan na nagbabantay kay Mich
ang bestfriend nya na si Nicole
kahit nasa Chemistry lab ako
hindi parin mawala sa isip ko si Mich
kung ok lang ba sya?
kung gising na ba sya?
hindi rin mawala sa isip ko yung
oras kung saan buhat-buhat ko sya
at ang pagkakataon na naramdaman ko
na nagdikit ang katawan naming dalawa
unang beses ko lang kasing naramdaman
ang ganong klaseng pakiramdam
totoong maraming babae ang nagkakagusto sakin
at marami na rin akong nakarelasyon pero
masasabi kong kay Mich ko lang unang naramdaman
ang ganong klaseng pakiramdam
"Mr. Sanchez!!"
rinig kong sabi ng sakin ng isang babae
biglang bumalik ang urirat ko sa narinig
at napansin ko na ang chemistry teacher namin
na si Mrs.Bautista ang tumawag sakin
MRS.BAUTISTA------->>>What's the problem Mr.Sanchez?[mariin nyang tanong sakin]
------->>>Wala po ma'am![sabi ko habang gulat na gulat]
BINABASA MO ANG
STUPID CUPID HEART
Teen FictionPAANO NGA BA ANG TAMANG PARAAN PARA SABIHIN ANG SALITANG MAHAL KITA? PAANO KUNG SA PAGHIHINTAY MO NG TAMANG PANAHON PARA MAGTAPAT SA TAONG PINAKAMAMAHAL MO AY MAY TAONG NAUNA NA SAYO. SUSUGAL KA PARIN BA O HAHAYAAN MO NA LANG?