CHAPTER5:HOPE

12 0 0
                                    

"Hindi pwede"
Sabay walk out ni Gab

"Teka ngaaaaaa!!! Bakit hindi pwede? Eh kakasabi mo lang na guardian angel kanya dati? So patay na sya dati? Tapos nabuhay? Pero bakit?"

"Pls Carla stop this nonsense! Wala akong panahong mag-explain!"

Naluha naman ako sa harap nya,napatingin naman sya saakin

"Listen to me hindi pwede,kasi hindi nya katawan 'yon"

Nanlaki naman mata ko,lumapit naman saakin yung babae

"Tama sya Carla,hindi ko pagmamay-ari ang katawan na to."

"Masaya kana? Nagsasabi ako ng totoo,hindi kana mabubu....."

"Sabihin mo kung paano ako magiging katulad nya"
Sambit ko habang nakatingin sa sahig

"Seryoso ka?"

"Kung ito lang yung way para makasama ulit si Carl at pamilya ko gagawin ko! Kahit mabuhay pa ako sa katawan ng iba!"

Sa pagkakasabi ko nyan kay Gab,sunod sunod ng pumatak mga luha ko.

"Pls Gabby nagmamakaawa ako.Hindi pa ako handang tumawid,hindi ko pa kayang iwanan sila"

Napatingin naman sya doon sa babae

"Grant her wish Gab"

"But Bea,ayuko ng sumuway ulit.At alam mo naman consequences nito diba?"

Napatingin naman ako sakanila

"Anong consequences?"

Huminga ng malalim si Bea
"Bawal mong sabihin sa mga taong mahal mo nabubuhay ka sa katawan ng iba,kapag sinabi mo,kaluluwa mo na mismo ang lilisan sa katawan na hihiramin mo"

Sumabay naman si Gab

"Kailangan mong magtimpi,tumahimik,magpanggap at wag sasabihin sakanila na buhay kapa.Ang tanong kaya mo ba?"

"KAYA KO!"

Hinawakan naman kami ni Gab sa kamay,kasama si Bea.

Nandito kami ngayon sa isang kalye,walang tao at walang ilaw

"Ano namang ginagawa natin dito?"

"Maghintay ka"
Sambit ni Bea

Ilang saglit pa may dumaang babae at may sumusunod sakanyang lalaki

"Miss holdap to! Bigay mo bag mo!kundi sasaksakin kita!"

"Wag kuya maawa ka pls!"

"Ah so ayaw mo?!"

Bigla naman nyang sinaksak yung babae,WTF!

"GAB,BEA!TULUNGAN MO SYA! TUMAWAG KA NG PULIS!"

"Sa tingin mo may Cp ako? Tsaka si Bea lang may katawang lupa dito eh pano kapag sinaksak din sya di wala na"

Napabuntong hininga nalang ako.Pagkaalis nung holdapper pinuntahan namin yung babae

"Saan na yung may ari ng katawan nato?"
Tanong ko kay Gab

"Wala na tumawid na"
Napatango nalang ako

"Sya si Samantha Quezon,ulila na sya hindi nya alam kung sino mga magulang nya,stressed at depressed na sya kasi wala syang kakampi sa mundo.Galing sya ng probinsya at napadpad dito para itaguyod ang sarili pero alam mo naman dito uso holdapan kaya yan"

Hinawakan naman ni Gab yung kamay ko at ipinatong sa may bandang puso nya

"Ingatan mo ang katawan nya"

UNFORGOTTEN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon