Heto nanaman ako. Aral, bahay,aral,bahay,aral,bahay. Putek nakaka sawa na. Hindi ba nag sasawa ang author ko nito?
Halos 5 Buwan na ako dito sa wattpad world. Marami na akong nalalaman na patakaran Dito. Pero hindi ko parin natatagpu an ang para sa akin
Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko na kung on hold ba ang story ko. Pero kung on hold ang story ko dapat nakilala ko na ang babae na para sa akin
" Bro Tara na!" Sabi ng kaibigan ko, si Mark. On hold ang story niya kaya walang ginagawa si Mark
" Ini isip nanaman niya yung author niya. Bakit daw Wala pang happenings haha" kantyaw sa akin ni Ethan, ang isa ko pang kaibigan. Slow update ang author niya
" Baka on going ang story mo Kian o baka e de delete ka na… halaaa" pananakot pa ni Mark sa akin
Iba Kasi ang patakaran namin Dito sa wattpad world. Kapag ang author e-un publish niya ang story niya. Ang characters niya na nasa story na ginawa niya sa na un publish niyang story ay ilalagay sa wattpad headquarters.
Ang Wattpad headquarters ay nandoon ang bumubuo ng wattpad. Dun din pinapapunta kapag nagka conflict ang story mo. Sila lang ang may kayang makapag communicate sa real world
Galing na din ako dun. Sabi ng head sa wattpad headquarters ay hindi naman daw naka on hold, sadyang slow lang daw mag update ang author ko
Pero may posibilidad din daw na naka draft lahat ng chapters ko, tapos e pa publish lang kapag complete na kasi may ibang authors daw na ganon
Marami pang patakaran sa wattpad world
" Sakheshie sakheshie sakheshie… bakit Wala ka nang update sa Buhay ni Kian" ma dramang saad ni Ethan, alam na nila ang name ng author ko. Matagal na
" Sa tingin mo, ano kaya si sakheshie?" Tanong ni Mark, nasa canteen na kami ngayon, hinayaan ko muna silang mag bangayan
" Malamang tao, nag iisip ka ba mark?" Natatawang sagot ni Ethan
" Yung itsura ni Sakheshie ang ibig sabihin ko, ang weird ng name niya no? Baka Japanese siya" napa face palm nalang ako sa mga idea nila
" Sabi nila, halos lahat ng wattpad readers o author man, basta babae ay mahilig sa koreana at koreano" sabi ni mark
" Kaya pala halos lahat tayo ay koreana at Koreano, yung iba nga magkaka mukha talaga. Kasi iisa lang ang character nila" sabi ni Ethan. Yan ang isa sa problema ng wattpad headquarters. Karamihan Kasi kapag babae ang character, pinaka common ay si IU. Ewan ko kung Anong real name niya. Ang tanging information namin kay IU is sikat siya, private information na yung iba
" Tama na nga ang usapan na yan---"
" Attention everyone...ehem I am one of the maker of wattpad. We had a big problem. May author na naka pasok sa wattpad world… we don't know who at asan siya ngayon. Kung sino man ang makapag dala ng author na galing sa real world doon sa headquarters Ay may chance na makilala at makausap ang author nila. Yes! Makaka bisita ka sa real world kung mahahanap mo ang author na yun… salamat. Enjoy your meal"
Ang simula na ang mga bulong bulongan
' talaga? Ede may chance na tayo '
' oh my gosh I need to hanap na the author '
' let's find her or him '
' saan naman tayo mag sisimula?'
' wala tayong clue. Paano natin siya mahahanap?'
" Kung mahanap natin ang author na yun. Ano kayang ang gagawin nila sa kanya?" Out of nowhere na tanong ni Ethan
" Pero ang Ganda ng award nila eh. Lahat tayo gustong maka usap ang ating kani kaniyang author, Marami tayong Tanong sa ating mga author at makapag pasalamat na din" sabi ni mark
" Tama ka Mark, eh paano naman kaya naka punta sa wattpad world ang author diba?" Takang Tanong ni Ethan.
" Yan din ang tanong ko sa sarili ko" yun nalang ang na sabi ko.
" Huwag mo nang isipin yun. Ang isipin mo nalang is si sakheshie! Dahil Wala na siyang update sayo" sabi ni mark at tumawa
" Oh baka naman Marami siyang stories na pinag sabay sabay tapos napagod mag sulat kaya Hindi na tinapos ang story mo kaya hindi na tatakan ni sakheshie na on hold ang story mo" sabi pa ni Ethan. Tsk. Nakaka tulong talaga sila sa akin, mabuti nalang at nasanay na ako sa kalokohan nilang dalawa
" Diba nasa teen fiction tayo? Maraming stories na may genre na teen fiction. baka may ma meet tayong si Sakheshie ang kanilang author" sabi ni mark, napa face palm Nalang ako sa kalokohan niya. Hindi ko alam kung kalokohan niya ba 'yan
" We are thousands… hundreds… or maybe millions tayong nandito sa teen fiction. So paano ko makikita ang iba pang mga Bida ni sakheshie?" Inis na saad ko na siya namang ikina tuwa nilang dalawa
" Baka pumayag si Tadhana. Hahaha" tawa ni Ethan. Tsk
Pero kahit ganon, pasalamat ako sa mga mokong na ito.
Pa uwi na ako, pa tapos na sana ako ng kalsada, ng may napansin akong babae na nasa gitna ng kalsada
' hoy miss Anong ginagawa mo diyan?'
' hoy tumabi ka nga '
' hala ka… sorry Po sorry '
' umalis ka na nga sabi '
' peep peep!"
Again. Napa face palm nalang ako
Tumakbo ako sa kinaroroonan ng babae ako pinaki usapan yung mga driver
" Pasensya na Po kayo… pasensya na Po talaga" sabi ko doon sa mga driver
" Sa susunod hijo bantayan mo ang leading lady mo" saad ng isang driver.huh? Leading lady?
" Umalis na kayo Dito Bago pa dumating ang mga wattpad pulis!" Sigaw naman ng isang driver kaya agad kong hinila ang babaeng Kasama ko pa Alis
Ayan tuloy napag bintangan kaming mag wattpad Destined, Mamaya ko nalang ipapaliwanag ang wattpad Destined, tss
" Hoy babae ako bang pumasok sa isip mo at nandon ka sa gitna ng kalsada?" Tanong ko sa babaeng ito. Mukha siyang baliw sa totoo lang. Naka talikod siya sa akin. At dahil hanggang ilong ko lang siya at naka Yuko pa simula kanina kaya di ko nakikita ang mukha niya
Hindi niya rin nakikita ang mukha ko
" Huhuhuhu… help me please" sabi niya at humarap sa akin
____________________________________
Hi guys. How was it?
Ang gulo no? Good luck
~ Malditang Zan
BINABASA MO ANG
In The Wattpad World
FantasyI'm Kian, Kian Robles Nandito ako sa Wattpad World, lahat ng mga fictional characters ay nandito. sikat man o hindi. Kilala namin ang author namin, pero hindi namin sila nakikita. ang swerte nga ng mga authors out their eh. nakikita nila kami pero...