Naglalakad… Nanaman kami ngayon, at pilit hinahanap si Natalie, Gabi na at nag hahanap parin kami sa kanya, Ang hirap ng ganito. Yung may hinahanap kang tao pero hindi mo pa Naman nakita.
" Saan mo ba nilagay si Natalie ko?" Pag tatanong ko sa kanya
" Ang huling na sulat ko at nasa malapit lang sayo. Para hindi ka mahirapan sa pag hahanap sa kanya" sabi niya sa akin habang patuloy na lumilingon Lingon, halos ma bali na ang leeg niya sa kaka ikot ng kanyang ulo
" Naman kasi! Bakit ko pa ba na unang buhayin ang kontra Bida na yun? Kung alam ko lang sana na ito ang mangyayari ay dapat inuna ko na si Natalie na mabuhay. Pagka dating ng pagka dating ko doon sa real world ay e dedelete ko talaga ang impakta na yun. Sabagal sa trabaho" pag dadabog pa niya. Bigla naman akong Napa ngiti. Hindi ko ina asahan na makikilala at makakasama ang taong bumuhay sa amin
Pero hindi ko ina asahan na ganito ang ugali niya
" Pahinga muna tayo please tapos bili mo ako cotton candy" sabi niya sabay turo doon sa nag titinda ng cotton candy. Napansimangot naman ako
" Ang tanda tanda mo na, Cotton candy parin?" Inis na tanong ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay
Sabi ko nga eh, bibilhan siya ng cotton candy
Pagbalik ko ay agad kong binigay ang isang cotton candy na hawak ko at umupo sa tabi niya
" Mag kwento ka naman author. Yung tungkol sa sarili mo, kilalang kilala mo Naman ako Kasi ikaw ang may kontrol ng Buhay ko" sabi ko sa kanya sabay kagat sa cotton candy na hawak ko habang naka tingin sa mga bata Dito sa park
" Hhhmm… alam mo. Gusto ko Dito sa wattpad world. Meron kasing happily ever after Dito sa wattpad world pero sa real world, wala. E Ku kwento ko ang pagkaibahan ng Wattpad world at real world" sabi niya sabay kagat ng cotton candy
" Sa wattpad world. May para sa iyo, pero sa real world. Hindi mo alam kung Meron ba" panimula niya
" Pero hindi naman namin alam na sila na pala, at nasasaktan pa namin" sabi ko sa kanya, bumungisngis Naman siya habang hindi parin tumitingin sa akin dahil naka tingin siya sa mga bituin
" Para malaman niyo kung gaano ka halaga ang taong na wala sa inyo. Sinadya yan ng mga authors na kagaya ko. At isa pa. Sa wattpad world, kadalasan ay makikilala mo na ang para sa iyo kahit highschool pa. Sa real world, wala as in wala. Kilala mo si Deib?" Tanong niya
" Oo. Sikat na sikat sila, sa buong wattpad world" sabi ko habang naka tingala at tinitignan ang mga bituin
" Si Deib at si Maxpein… isa sila sa pinaka sikat na characters para sa aming mga wattpad readers at writers. Pinatid kasi ni Deib si Maxpein dahil kakaibang tumingin si Maxpein. Pero sa real world. Kahit mag su summer nalang ay Wala parin kaming Deib na namamatid…well Meron nga, bully naman" mahabang sabi niya. Napa tawa naman ako ng mahina sa sinabi niya
" At isa pa. Walang loyal na lalake sa real world. Kung meron man, endangered species na sila kasi bihira nalang ang mga lalaking loyal sa real world. Mabuti pa Dito sa wattpad world" sabi pa niya
" Ano ka ba. Huwag mong ipag kumpara ang mundo ko sa mundo mo. Ang mundo ko ay kathang isip lamang, habang ag sayo ay makatotohanan. Mas maswerte ka dahil naranasan mo ang mga makatotohanang bagay. Hindi tulad ko… tulad namin" bulong ko
" Pero pasalamat na din ako Kasi kahit ngayon lang ay naka pasok ako sa wattpad world kahit galing ako sa real world" sabi pa niya
" Teka alam mo ba ang meaning ng initials ng WATTPAD?" tanong niya sa akin. May meaning pala yun? Sa limang Buwan ko Dito ay hindi ko na isip na may meaning pala ang wattpad
" Hindi mo alam no? Hahahahaha" pag tawa pa niya
" Oo na hindi ko alam!" Pag sigaw ko habang pilit na nilalabanan ang pag tawa ko
" Ooyy natatawa na siya. Tatawa na yan, Tatawa na yan, tatawa na yan!" Sabi niya sabay takbo habang tumatawa. Hinabol ko naman siya
" Halika Dito! Grabe ka talagang babae ka! " Habol ko sa kanya. Ngunit medyo ma bilis siyang tumakbo kaya medyo nahihirapan din akong humabol.
Oo nga pala, ma payat lang siya kaya magaan lang ang katawan niya kaya madali siyang maka takbo kahit paano
Para ma huli siya without much effort. Nag tago ako sa mga tao. At ngayon. Nasa likoran na niya ako
" Asan na kaya ang mahal ko? Siguro napagod na yun sa kaka takbo? Hahaha ang weak pala niyang tumakbo. Sabagay hindi naman siya sporty. Lampa pala si Kian? Eh paano siya naging lampa eh medyo malaki Naman ang pangangatawan niya? Ah basta ang lampa ng Kian na yun" sabi niya sabay tingin tingin sa paligid
" Siguro na pagod na ang lampa na yun. Hahaha lampa! Hahanapin nalang kita Mahal kong lampa" sabi niya at umikot. Bago pa siya maka harap sa akin ay niyakap ko na siya patalikod. A back hug
" Anong lampa ha? Ha? Lampa pala?" Sabi ko sabay kiliti sa kanya
" Hahaha oy oy huwag dyan hahaha malakas ang hahaha kiliti ko diyan. Hahahahaha whoy tama na nakaka kiliti hahaha" tawang tawa na siya habang pinipigilan ang mga kamay ko na lumapit sa tagiliran niya
" Paki ulit nga kung sino ang tinatawag mong lampa?" Tanong ko sa kanya habang walang tigil sa pagkiliti sa kanya
" Wala naman kong tinatawag na lampa ah hahaha Oo na tama na please" tumigil na ako sa pagkiliti sa kanya pero binack hug ko Siya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Ewan ko kung bakit ko ginagawa ito
" Zan …" bulong ko sa tenga niya
" Hhhmm?" Tanong niya pero alam kong naka taas ang kanang kilay niya ngayon
" Ano ang meaning ng initials ng wattpad?" Tanong ko sa kanya habang naka back hug parin sa kanya
" Bago ko sabihin yun. Pwedeng bumitaw ka na sa kaka yakap sa akin?" Awkward na awkward na sabi niya. Alam kong hiyang hiya na siya
" Hindi pwede… sabihin mo Muna kung ano ang ibig sabihin ng initials ng wattpad
" Way to escape And forget This painful reality to have a perfect world where an ideal guy does exist" bulong niya but it is enough to hear it as she show her sad smile
____________________________________
Yan na yung meaning ng Wattpad, hahaha lol
BINABASA MO ANG
In The Wattpad World
FantasyI'm Kian, Kian Robles Nandito ako sa Wattpad World, lahat ng mga fictional characters ay nandito. sikat man o hindi. Kilala namin ang author namin, pero hindi namin sila nakikita. ang swerte nga ng mga authors out their eh. nakikita nila kami pero...