June 19
Maaga akong nagising. Alarm clock ko kasi si bertud . Ginawa ko na ang everyday routine ko , narealize ko na hindi pa pala naplantsa ang aking oh-so-puting uniform. Napag-pasyahan kong plantsahin habang kumakain tutal si yellow ranger naman ako . Pero sa kasmaang palad , SUNOG ang likod nito ! Woooo ! Late na ko . Luma tuloy yung ginamit ko ... Kung siniswerte nga naman kasi oo ! Wala namang kakaibang nangyari sa klase maliban sa isang prof ko na nilalagyan ng H lahat ng may S na sasabihin ! Hindi sya bulol , trip nya lang daw yun . Nakasalubong ko pa yung isang cosplayer, ewan kung anung pinoportray nya , basta yun . TApos. tapos . tapos umuwi na ! Hahaha /
Pag-uwi ko sa hapon , wattpad agad . ABA ! May bagong rangers . @beinteotso na dyosa raw ng mga baliw na ngayon ay si white ranger na pinalitan si @hunterEXHunter at si @derl028 na may nakakatawa at nakaka-agaw pansin na picture na mukhang nahihirapang mag-balance , mabigat daw kasi ang costume kasi pinagsama-samang orange robot ranger cat woman ! Yung totoo , anu ba talaga? Hahaha .
Naalala ko rin si @YowenSeries na inaaway ako sa mga comments , well hindi naman totally away , mean lang sya sa akin . *sad face* . Nawawala yung tagapagtanggol ko na si @IAmUwa na napag-alaman kong nilalandi si @emosyon . Tengene ! mga poste ee !
Nag-stalk rin ako sa mga facebook at twitter accounts ng rangers . Tignan mo nga naman oh . Nung nagsaboy si Lord ng kagandahan at kagwapuhan , present talaga kayong lahat ! Hoy , i-accept at follow nyo na rin ako. Uso yon , mga loko !
Hindi ko alam kung paano tatapusin ang walang kwentang update na to . Nagloloko na naman ang turtle net ko . Paaaaaaalaaaaaam !
PS: .................................................................. CONNECTION FAILED !
BINABASA MO ANG
YELLOW RANGER -_-
Teen FictionDahil nahuhuli na ako sa lahat . Gagawa na rin ako ng talaarawan ! Hahaha . Katol , you want?