RANDOM SPG >.<

73 10 17
                                    

Yes , walang klase !  yun nga lang may pasok pa rin . Orientation kasi ng college namin. 3 yrs na akong walang sawang uma-attend sa orientation na yan and it's so nakakasawa na kaya. Attendance lang ang habol ko don kaya ako pumasok. After namin mag-attendance, nagpunta kami sa JOllibee . Wooo . Poor kasi kami ng barkada kaya tipid muna. While we are in the bus, someone shouted, " PDA!" Di namin pinansin. Lumipat kami sa pinakadulong part ng bus, SYET ! Ang dilim. Nagulat ako nung may nakita akong nagkakapaan. Juice Colored ! Anyare sa mga kabataan ngayon. Yung lalaki hawak ang kabundukan ni babae. Ininform ko naman agad ang aking mahal na barkada. "Uso hotel!" sigaw ng asar kong barkada, itago na lang natin sya sa pangalang Totoy. Anim kasi kami, si Totoy, Deling , Nene, Kurdapyo , Pepe at ako. Wala masingit lang sila.

Teka, naalala ko si Alien @Kyungjun na pinipilit akong mag-update. Hahaha.

Itutuloy ko na, ayun nga, sumigaw si Totoy ng "Uso hotel". Automatic nag-sit erect si ate, kaso napansin ni Pepe na iba ang naka-erect kay kuya. At dahil kaming magba-barkada ay iisa ang kaisipan, nagtinginan kaming lahat at humalakhak ng napakalakas. Napansin ata nila ateng PDA na sila ang tinatawanan namin kaya nag-volunteer na silang bumaba. Pagdating sa Jollibee, syempre umeksena si Kuya Guard, " Ma'am, Sir , Welcome to Jollibee at bilang isang polite na mag-aaral, sumagot ako ng "Thank you" *insert elevator girl's voice here. Muli, nagtawanan kami at naka-ani ng sari-saring tingin mula sa mga costumer. Nahiya naman daw kami kay tumahimik muna ng mga 1 minuto. Oo, isang minuto lang, baka kasi mapanis ang precious saliva namin.

Bilang pare-pareho kaming kuripot, kanya-kanyang pila kami ng bibilhin. Matakaw kaming lahat, kuripot nga lang. Sa kalagitnaan ng aming paglamon, dumating ang mga maliliit na lalaki na kung susumahin ay nasa Grade 7 na. Um-order sila ng 1 bucket meal, $ na cokefloat at nag-take-out pa. Madatung ang mga bagets na ito. Hahaha. After naming kumain, nag-stay muna kami dun ng mga 3o mins at 5 segundo. Naasar pa nga samin ang isang costumer kasi ang tagal daw namin, wala kaming kasalanan don, may dahilan naman kami at yun ay dahil hindi makatayo sa sobrang kabusugan si Nene. Pakiramdam nya daw kapag tumayo sya ay may mahuhulog mula sa alam nyo na . ^__^V. Lumabas kami sa Jollibee at as usual , umeksena ulit si Kuya Guard, "Thank you for coming. Come again!" nakipag-kamay kaming lahat sa kanya at sabay-sabay na nag-"THANK YOU" gamit ang boses ni elevator girl.

Kaming magbabarkada ay may lahi ring PG katulad ng ilang rangers kaya naman pagkalabas sa Jollibbe ay dumeretso kami sa bakery ni Aling Suping at bumili ng tinatawag nilang Buko roll. Katabi rin nga bakery ang stall ng Mister Donut at kagaya nga ng sinabi ko, kami rin ay PG kaya bumili ulit kami doo. Matapos naming mag-pakasasa sa pagkain, napagpasyahan namin bumalik sa University at mag-attendance ulit.

Nadatnan namin dun ang mga kandidata para sa isang patimpalak. Habang tinititigan ko sila, na-realize ko na wala pa ring binatbat ang mga to kumpara sa nagGagandahan at nagGugwapuhang rangers*Naks ! nasingit pa ! Eksena !

Naalala ko tuloy ang pagiging ranger ko at ang pag-alis ko sana bilang ranger. Oo, aalis sana ako kaya lang naisip ko , kawawa naman yung mga taong nangangailangan ng tulong ko. Kawawa naman si Babu Pikachu pag nagkataon . Salamat kay Green "Lumot" Ranger @devilishlystupid na pumokpok ng ulo ko gamit ang tubo nya, dahil sa kanya nakapag-isip-isip ako ng matitinong bagay kahit limang minuto lang :D

Sa ngayon, ihihinto ko na to kasi tinatawag na ako ng mahal kong ina . Hanggang sa muli Rangers ! *kaway-kaway*!

FACTS ABOUT YELLOW:

-Di sya marunong pumara sa Bus. . (Wag nyo ko tatawanan,please !)

-Takot syang sumakay sa single motor, na-trauma dahil sa aksidente nung birthday nya. (Again, wag nyo akong tatawanan, please >.< 

:D .....

YELLOW ! 

YELLOW RANGER -_-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon