PROLOGUE

36 2 0
                                    

Playing: For You by BTS :3

Isang engrandeng lugar, puno-puno ng mga makukulay na ilaw, may sandamak-mak na mahalimuyak na bulaklak. Yan ang tumambad sa anim na babae  na nakasuot ng puti at kumikinang na hanggang tuhod na bistida.

Ngayon ang pinakaespesyal nilang araw. Ang matagal na nilang hinihintay at inaasam-asam. Ito ang hinahangad ng mga magkasintahan.

Sabay sa pagtugtog ng violin at malamig na simoy ng hangin, kabado na may halong pagkasabik ang nararamdaman ng anim na dalagang naghihintay sa kanilang mga kabiyak.

Nasa gitna sila ng malaking hardin at puno ng kumikinang na mga bituin ang kalangitan.

"Ano na naman kaya tung binabalak ng mga boys?" tanong mg dalagang may maikling buhok at may bangs.

"Hindi ko rin alam, kinakabahan ako na kinikilig sa set-up na nadatnan natin dito," sabi nung may cute na boses na dalaga at may kaakit-akit na pisngi.

"Hay nasaan na kasi sila? Paano kung sila ang hindi sumulpot sa date nato," sabi nung dalagang may blonde na buhok.

"Chill kalang, masyado kang paranoid baka nagpapapogi pa yong mga yun kaya natagalan," pagpapakalma nung babaeng may bangs na hanggang balikat ang itim niyang buhok.

"Shh! Tumahimik nalang kayo, enjoy the moment nalang o!" sabi nung pinakamatangkad sa kanila.

Naghintay pa ng ilang minuto ang mga dalaga, kinakabahan sila dahil para sa kanila ito na ang pinakaperpektong gabing hinihintay nila. Mabuti nalang sa haba ng paghihintay nila nasulyapan nila sa malayuan ang pigura ng anim na lalaking papalapit sa kanila.

"Ayan na pala sila," masayang sambit nong babaeng may bangs at mahaba ang buhok.

Sa paghakbang ng mga kalalakihang kanilang hinintay. Para bang tumigil ang oras sa  mga mundo ng mga dalaga.

Hindi nila mawari ang kasiyahan na kanilang nadarama noong nakita na nila sa malapitan ang kanilang mga kasintahang ayos na ayos at may dala-dalang mga boquet na bulaklak para sa kanila.

Nakasuot ang anim na lalaki ng mga formal suit napangJS Prom.
Ang mga buhok din nila ay hindi magulo at para bang hinandaan nila talaga ang gabing ito.

Nang nasa tapat na ng mga dalaga ang mga binata unti-unti nang lumabas ang mga matatamis nilang ngiti. Tutok sila sa kanilang mga kairog na parang wala ng bukas.

"Sorry nalate kami, traffic kasi," pagpapaliwanag noong lalaking pinakapandak sa kanila.

"Oo totoo yun, natagalan din kaming mag-ayos kasi tong mga to! Daig pang babae kung makabihis," sabi din nung lalaking pinakamatanda sa kanila.

"Huwag kang magmalinis, ang tagal mo din kayang lumabas ng banyo," sabi nung pinakabata nila.

"Ano ba kayo, okay lang. Hindi niyo na kailangan magpaliwanag," malambing na sambit nong dalagang may maikling buhok.

"Ah ito pala para sa inyo," sabi nung malaalien kung ngumiting binata.

Sabay-sabay namang ibinigay ng mga lalaki ang mga dala-dala nilang bulaklak sa kanilang mga syota.

Pagkatapos ng kaganapan nayon. Kumain na silang anim sa iisang table. Ito ang tinatawag nilang Group Date.

Hindi naman maiiwasan na may mga kilig na eksena habang kumakain. May nagsusubuan at may nagkikilitian pa. May nagtatawanan at may mga nagbabatuhan ng mga matatamis na pick up lines. Kay sarap pagmasdan ng mga kabataang may totoong pagmamahalan sa isa't-isa.

Pagkatapos nilang kumain, nagyayaan na ng sayaw. Sweet dance kamo.

Ilang minuto silang nagsasayaw sa ilalim ng bilog na buwan. Parang mga love birds na nag-iisa ang mga puso.

Ngunit kasabay ng pagtatapos ng musika galing sa biyolin. Sabay ding lumuhod ang anim na lalaki sa harap ng kanilang mga kasintahan at may nilabas na maliit na kahon galing sa kanilang mga bulsa.

Sabay ding magulat ang anim na dalaga dahil alam na nila kung anong pinapahiwatig ng mga binata.

Sa pagtugtog ulit ng Biyolin sabay na sinambit ng mga lalaki ang mga katagang nagpaiyak sa anim na babae.

"Will you marry me?" Pinakamatamis na katanungan na lahat ng babae ay gustong masabihan nito.

Magkasabay na naghintay ang mga lalaki ng sagot sa kanilang mga girlfriend.

Umiiyak man pero sabay ding sumagot ang mga babae.

"Yes, I do."

Pagkatapos nun nagyakapan ang magkasintahan at pati mga lalaki naiiyak nadin.

Kasabay ng magandang ritmo ng musika, ang pag-iibigan ng mga magkasintahang ito ang umapaw at mas lalong nagpaganda sa kwentong isinulat ng tadhana.

I NEED U MY YEOJACHINGUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon