Chapter 1
Motor-rider guy
YUJU's POV
"Sige na eonnie, isali mo natung mga chocolates sa pinamili natin," pagsusumamo ni Yerin.
Napailing nalang ako, kahit kailan mahilig talaga sa chocolate itong si Yerin, daig pa ang bata kung magcrave ng sweets.
Kasalukuyan kaming naggrogrocery ngayon, nasa counter na kami habang scinascan na ang pinamili namin.
"Huwag nang matigas ang ulo yerinnie, bawal yan sayo, alam mo naman minemaintain natin yang figure mo, baka tumaba ka, mahirap nang magbawas ng timbang," sambit ni Sowon habang nakapamewang.
Napabusangot nalang si Yerin at tinignan si SinB na kanina pa siya tinatawanan. "BLEE!!" Pamemelat pa ni SinB "Hahhaha, sabi sayo eh 'di ka papayagan ni eonnie haha, pangit mong magmaktol," pangungutya ni SinB.
"Che!" umirap si Yerin. "Eonnie Sowon, pagsabihan mo nga itong si SinB nangiinis na naman, huwag nating pakainin ng dinner para magtanda,"sabi ni Yerin. Si Yerin naman ngayon ang tumatawa.
"As if naman hindi ako pakakainin ni eonnie, eh malakas kaya ako sa kanya, baka ikaw hindi pakainin kasi palagi ka nalang kumakain ng matatamis haha," anya ni SinB.
"Pwede ba tigilan niyo na yan, nagaasaran na naman kayo," pagiinsert ko. Nakita ko naman na binayaran na ni Eonnie Sowon yung pinamili namin.
Madami-dami din kaming nabili, yung sapat na sa isang linggo. Dahil matatakaw tung mga kasama ko kaya yan malaki ang budget namin sa pagkain. Lalo na si Yerin at SinB mga patay-gutom.. heheh joke lang.
Nakita ko naman na papalapit na ang dalawa pa naming kasama, si Eunha at Umji. Dumaan pa kasi sila sa National Bookstore may bibilhin daw na libro.
"O, nahanap niyo ba ang hinahanap niyo?" tanong ko sa kanila. "Ah oo, natagalan lang kami kasi itong si Umji nawili pang tumingin sa mga fiction books," sabi ni Eunha habang pinapakita samin yung binili nilang libro.
"Kompleto ba yung harry potter series nila dun??" biglang kumislap ang mga mata ni SinB. Dakila kasi siyang potterhead eh, asawa ba naman daw niya si Harry, ang kapal. eh binara naman namin siya na baka ang asawa niya si Voldemort haha at hindi si Harry.
"Yep, pero tumatagingting din ang presyo eonnie," sagot ni Umji kay SinB. Napatango nalang si SinB, alam niya na yan, mahal ang harry potter collection kaya yan nagiipon ang bakla, pero hindi din nagtatagal ang ipon niya, eh kesho matakaw yan eh kaya wala talagang nagtatagal na pera. Haha.
"Tapos na ko dito, tayo na," singit ni Sowon na nakahawak na sa isa naming mga paperbag.
"Pakitulongan ako, kunin niyo yung ibang paperbag," sabi niya. Agad naman kami kumuha ng mga paperbag isa-isa kami.
Nilisan na namin ang Grocery at agad na unalis sa mall. Habang naghihintay kami ng jeep may nabasa akong karatula sa poste na nanakuha agad ng aking atensyon.
"Pumara nalang tayo ng taxi eonnie, puno yung mga jeep oh," sabi ni Eunha.
"Nagtitipid tayo EunHa, kaya jeep mo na tayo okay? At tsaka asan ba si SinB at Yerin?" napalingon-lingon siya para hanapin yung dalawa.
"Ayon o! Naghahabolan," sabay turo ni Umji. "HOY! masasagasaan kayong dalawa, bumalik nga kayo dito," sigaw ni Eonnie Sowon at Eunha.
"Akala mo ha, hindi kita maabutan," sigaw ni Yerin habang hinahabol si SinB. Napatsk nalang kami, at napalingon ako sa poste sa may likuran ko.
Amateur Singing Contest
Reach for the StarLooking for male/female potential singers who can share their golden voice in our stage.
Date: 6.29.18
Venue: Mega Mall, 3rd floor, Convenient Center
Age: 16 to 22 years old
Price: 50,000 pesos
BINABASA MO ANG
I NEED U MY YEOJACHINGU
FanfictionLove is Tricky especially if It deals with Career