Jaeya Gail's POV
Hello! I'am Jaeya Gail Alcantara, 4th year student from Oxford Academy and im 15 years old and sa kasamaang palad nandito ako ngayon sa likod ng school kasama ang pinakajerk at pinakamakapal na mukha sa balat ni bentong na si Johan Morales ang School Heartthrob slash model slash bad boy slash BULLY! at laging ako nalang ang pinagtitripan-_-
Nakakainis siya! Lagi niya akong binubully at kasalukuyan po akong nakabitin patiwarik sa puno ngayon. Pero joke yon kayo naman. Pinagwawalis lang naman po niya ako ng kalat na IKINALAT niya, At sobrang dami talaga!
BWuisit na lalaking to. Ako nagwawalis tapos siya nakaupo lang at nagtetext! pero infairness ang hot niyang tignan.
"Arrrrgh! Nakakainis bakit hindi siya nagrereply! Bwuisit!" Napasabunot siya sa buhok niya at inihagis nalang basta yung cellphone niya. Sayang iPhone 5s pa naman pulutin ko kaya :D
Akma kong pupulutin yung phone niya pero naunahan niya ako. Aww sayang.
"Akin to! Bumili ka ng sayo!" Wow ah makasigaw naman sa akin to akala mo nakalunok ng megaphone at ang layo ko sakanya.
"Fine! bibili talaga ako, anong akala mo sa akin? walang pera!? kapal mo sipain kita diyan eh." Sigaw ko sa pagmumukha niya with matching laway ko pa na tumatalsik sa mukha niya hahahaha!
"FUCK! Yang laway mo baka may virus! Bat kaba nakasigaw eh kaharap mo lang ako! bunganga mo ah! Tatanggalin ko yan!" Takot naman ako -_- as if naman kaya niya hahaha.
"WOW ha at talagang ako pa!? eh ikaw nga tong makasigaw sa harap ko parang ang layo ko sayo! para kang babae ang arte mo!" sabi ko sakanya with matching belat pa. Nainis ata kaya tumakbo na ako papalayo. "Hoy bumalik ka dito! di pa ako tapos sayo! HOY!" Bwahaha nakakatawa yung itsura niya para siyang babae na nagpapadyak padyak hahahaha! para siyang kabayo XD
nang makaalis na ako doon sa hinayupak na yon ay nagtungo muna ako sa canteen para bumili ng tubig. Grabe pinagod niya lang ako. Matapos bumili ay umupo muna ako sa bakanteng lamesa at saka umupo.
kinuha ko ang cellphone ko sa bag at chineck kung nagtext na siya. At Ganun nalang ang gulat ko ng makita kung ilang message ang nareceive ko!
'145 Messages Received' at sa iisang sender lang siya! OMG! si JM!
Biglang nagring ang phone ko. tumatawag siya. sinagot ko naman, mamaya ko nalang babasahin yung mga messages niya. Haha
"Hello Babe sorry kung hindi kita nareplyan sa mga text mo, may ginawa kasi ako kanina." By the way He's JM boyfriend ko siya sa phone dahil sinagot ko lang siya sa phone, hindi ko pa siya nakikita pero nagtagal kami, 1 year nakami at hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikita, Di pa kasi ako handang makita siya. Pero aaminin ko minahal ko na siya. O wag ng aangal mind your own business :P
[Okay lang babe i understand. Uhm babe pwede ba akong magtanong sayo?] siya na parang ewan kung nagsasalita parang natatae lang.
"Nagtatanong ka na babe." sarkastiko kong sagot sakanya.
[Babe naman seryoso ako dito tapos ganyan lang isasagot mo.]
"Haha o siya ano ba yon? at para kang natatae diyan." Tanong ko.
[G-gusto na kitang m-makita. Pagbibigyan mo ba ako? 1 year na tayo pero di pa rin tayo nagkikita. So kung pwede na ba? Handa ka na ba this time?] Tanong niya.
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Matagal ko ng pinaghandaan to. That's why.....
"Okay sige babe. Gusto na rin kitang makita eh."