Kabanata Labing-Isa

118 4 0
                                    

KABANATA 11

Isang linggo na rin ang lumipas, mabilis namang nakalimot ang mga kalaban, sinubukan kase nilang hanapin ang lugar ng Sahara. Sabi kasi nila na nasa St. Galley La daw iyon, kaya naman araw-araw ay may mga Mahara na pumapasok sa unahan ng St. Galley La. Mabuti na lang at nandoon ang mga mababangis na hayop para pangalagaan ang tirahan nila.

Paminsan-minsan din ay pinapapunta ako ni tiya Barra doon para mag-bantay na baka may mga kalaban.

Sa tuwing pupunta ako doon ay hindi ko maiwasang mapatingin sa madilim na parte ng St. Galley La. Kung saan ang pugad ng mga mababangis na hayop, gusto ko na din makapunta sa kaharian dito, pero baka nga hindi iyon totoo, kuwento-kwento lang naman iyon at wala pang napapatunayan na tao na may naka punta nga doon. Kahit mga Sahara ay hindi nila alam ang kuwento ng kaharian sa St. Galley La. Bakit mga maharlika at O'Hara lang ang nakaka-alam noon? Hindi naman ako nag kukwento sa kanila na may kaharian sa lugar namin.

Kaya ko lang nalaman na wala silang nalalaman ay dahil nababanggit ko na kung mayroon bang kaharian sa Sahara. Sabi nila wala daw.

Ang balak ko ngayon ay makapunta ng O'Hara, para naman makapag-pasalamat sa pagtulong ni Mau. Oo si Mau ang tumulong sa amin ni Shamaya noong nasa gitna kami ng kapahamakan. Sinabihan ko naman si Shamaya na huwag sasabihin kay tiya Laila o kay tiya Barra na may tumulong sa amin. Dahil siguradong papagalitan lang kami dahil sa hindi kami dumaan sa tama.

Ngayong umaga nga ay binalak kong pumunta doon. Hindi na ako dumaan sa kuweba kung saan malapit, bagkus ay dumaan ako sa unahan ng St Galley La.

Alam ko rin naman kase ang madaling daan doon, hindi na ako aakyat pa dahil may maliit na parang pintuan na nakalagay doon na dinadaanan naman ng hari. Nag simula na akong maglakad at mga ilang minuto lang ay narating ko na iyon. Dumidilim na ang mga dinadaanan ko kahit na umagang-umaga. Yumuko muna ako dahil mayroon akong nakitang malaking Leon. Nakakatakot lang dahil ang laki-laki niya kumpara sa mga ordinaryong leon dito. Umalis na ang leon at binalak ko naman na tumayo pero may biglang nag bukas ng dapat na dadaanan ko.

Napayuko nanaman ako at sinilip kung sino ang lalabas, nakita ko na isang napakalaking tao at may hawak na palakol at espada naman sa likod, may suot siyang mga mabibigat na bagay sa katawan, alam ko ay ginagamit iyon kapag makikipag-digma. Paglingon ng malaking lalaki ay namukaan ko siya. Hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit siya at dito pa ulit mismo kung saan una ko siyang nakita. Ang Haring Dyaggu, gano'n pa rin parang umiilaw na pula ang kanyang mata at parang laging galit. Nang mapansin niya na walang hayop na dumadaan ay madahan siyang lumakad papunta sa madilim na daanan kung saan ang pugad ng mababangis na hayop. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko pero natauhan na lang ako na sinusundan ko pala siya, pero malayo ako sa kanya mga ilang metro din ang layo.

Parang nakakaramdam din siya na may sumusunod kaya nag tago muna ako, alam ko kung saan siya pupunta. Pupuntahan niya ang kaharian at ang maraming ginto dito sa St Galley La. Na hindi naman alam na kung totoo ba iyon. Nang sumilip ako ay naglakad na siya, alam kong kapag ipi-nagpatuloy ko pa ito ay siguradong mahuhuli niya na 'ko kaya hindi na lang ako sumunod, alam ko namang wala ring patutunguhan kung susunod pa ako sa kanya. At may mahalaga rin akong pupuntahan kaya ako nagawi dito.

Umalis na ako sa madilim na lugar na 'to, pero ang malas lang dahil nandoon ang leon at nakatingin sa akin, balak pa yata akong kainin pero nagpakatatag ako, hindi dapat ako matakot. Inilabas ko na ang aking pana at itinutok ito sa leon, hindi naman gumagalaw ang leon at patuloy lang sa pagtitig sa akin, kaya dahan-dahan akong lumapit sa maliit na pintuan na nakabukas naman dahil nakalimutan itong isara ng hari. Nakalabas na nga ako at kinakabahan ng konti dahil sa gagawin kong pagpunta ng O'Hara mag-isa. Ang iniisip ko ngayon ay sana makapunta ako kay Mau ng hindi siya nagagalit dahil sa pag-iwan ko sa kanila ni Ludio noon.

Princess in St. Galley La (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon