Bangtan Boys' High •• [41] ••

1.7K 42 24
                                    


** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** ** **

C H A P T E R  [41]

-

** **

.

[ THIRD PERSON's POV ]

Instincts na siguro ang nangyari kay Sarah.

Mabilis niyang kinalampag ng katok ang cubicle sa harap pero sa paulit ulit niyang ginagawa iyon ay palakas din ng palakas ang sigaw sa loob. At ramdam niyang natatakot ang kung sino mang naroon.

Naghalungkat siya sa bag... Nagbabakasakaling dala dala ang cutter na ginamit niya nang nakaraan sa pagbalat ng prutas dun sa ospital.

Nagmamadali siya at kinakabahan.. pero hindi niya magawang magsalita para humingi ng tulong.

Sigurado siya sa naiisip. Babae ang nasa loob nun at malamang ay may pinagdadaanan ito.

Kahapon pa sarado ang CR kaya ibig sabihin ay nagmagdamag ito dito sa nandun sa loob at talagang nakakatakot kung iisipin.

Hinalukay niya ang isip kung sino ba ang absent na babae kahapon. Pero sadyang wala siyang mapiga dahil halos lahat ng atensyon niya ay sinolo ni V.

"Here!" Mabilis siyang tumayo at umamba sa pintuan ng cubicle. Nakarinig siya doon ng daing at halinghing ng pagdurusa at takot.

Something's popped on her mind. Sht! It's either Janine Gannaban or Park Soo Rin.... But damn! Obviously, si Janine ang nawawala!

Nagmadali siyang magmistulang lagari ng lock sa loob ang cutter niya.

"W-WAAAAG!"

Muli itong nagsusumigaw sa loob na parang may kinatatakutan. Nangangamba na si Sarah nangangapa din siya para mas mapadali ang pagsira sa lock. Habang si Janine sa loob ay patuloy sa pagngawa. Dama niya pa ang panginginig nito dahil sa boses.

Naalala niya tuloy nung nasa gubat sila na biglang natakot si Janine.. sumigaw ito bigla at may kakaibang hysteria sa mga mata nito. Ngunit naalala rin ni Sarah na si V ang nagpakalma sa dalaga.

"S-Sandali Janine! Tatawagin ko si V!"

Iniwan ni Sarah na nasalpak ang cutter sa pagitan ng pinto at lock nun at saka kumaripas sa pagtakbo. Hindi niya maiwasang matakot at mag-isip na nababaliw na si Janine.

Huwag naman sana..

Bakit nga naman nito ikukulong ang sarili sa loob ng CR for more than a day? Bakit nagsisisigaw ito roon? Bakit----Bakit---

Marami pa siyang katanungan pero nawala iyon sa isip niya nang makita sa dagat ng mga estudyante sa may soccer field si V.

"V !" Sumigaw siya kahit malayo pa siya sa pupuntahan niya. Naghalo ang kaba at pagod sa pagtakbo sa bilis ng kabog sa dibdib niya. "V !" Tawag niya ulit nang ilang metro nalang ay malapit na siya dito.

Nakipagsiksikan siya sa kumpulan ng mga estudyante at nagawa niyang mahablot ang daliri ni V. Ang kaso ay nabangga siya ng isa sa mga lalaki roon.

"TAEHYUNG----"

"Ooops.."

Naramdaman ni Sarah ang brasong lumingkis sa bewang niya pati narin ang pamilyar na bango ni V.

"Yes, Rara? How may I help you?" Sumilay ang naglalarong ngiti sa labi ni V nang magtagpo ang paningin nila. Nasilaw pa siya sa sinag ng araw na nakapagpadagdag sa tingkad ng orange na buhok nito. Lalo tuloy gumwapo ang binata. Nakihalo narin ang atraksyon niya dito sa pagkabog ng kanyang dibdib. Mabilis at parang may nagririgodon.

Bangtan Boys' High [ C o m p l e t e d ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon