2

1K 28 56
                                    

"Ingay!"

Sigaw ko.

Kinapa ko ang alarm clock ko at binagsak ng malakas sa sahig.

[a moment of silence]

"Bahala ka sa buhay mo 'di ko na aayusin yan ulit."

Narinig kong sabi ng kuya ko nang dumaan siya sa kwarto ko.

"Wala kang choice kuya."

Sigaw ko pabalik.

Napilitan akong bumangon para kapain ang phone ko sa mesa. Sino ba kasi ang tumatawag ng ganitong oras... what?

Kinaya kong magbihis ng five minutes. Ang tinde. The flash.

Well, P.E day naman ngayon kaya mabilis din akong nakapagbihis.

Dali dali akong bumaba at pumunta sa kusina.

Nag-aagahan si Mama at Papa, andun din si kuya.

Kinuha ko ang gatas na tinimpla ni Mama at ininom ito sa isang lunok.

Iba talaga ang nagagawa ng pag late ka na. Ang tinde mo education!

"Geez. Damak ka."

Sabi ng kuya ko. Inirapan ko siya. Sumubo ako ng fried rice at pancake. Malelate na talaga ako.

"Language please."

"Hindi naman yun mura Mama ah."

Pag aalsa ni kuya.

["Pa-bi-bo"]

Sabi ko sa kanya ng walang tunog.

Nagngiwi lang siya.

Nagsabay kami ni kuya pumasok sa school.

"Hep! Ingatan mo yang sapatos mo, baka madumihan ang sasakyan ko."

Wow!

"Sorry ha. Nakalimutan kong tao ako."

"Sorry ha. Mas mahal 'to kesa sayo."

Tumawa siya ng mala demonyo.

Indeed demonyo nga tong kuya ko. Nasanay na ako sa pangiinis niya sa akin.

Ewan ko ba. Ang role ko siguro sa buhay ay ang inisin.

"Wait lang. May dadaanan tayong friend ko diyan."

"Ano? Malelate na ako kuya." Palag ko.

"Kasalanan mo dito ka sumakay. May iba ka namang choice. Bugok ka kasi."

"Mas bugok ka, bwisit."

Hindi na ako umimik nung dumating ang kaibigan niya.

Eh pinalipat ba naman ako sa backseat para makipagpalitan ng pwesto sa kaibigan niya. Nakakahiya naman, parang nanghihimasok ako sa buhay nila.

"Oh so eto ba yung kapatid mo?"

Sabi netong kaibigan niyang naka bandana at naka polka dots na polo, open chest pa, may orange tinted ding salamin. Saan kaya ang rampahang bohemian neto?

"Yan na nga siguro yun."

Sabi ng kuya ko habang nagmamaneho. Nakakainis.

Late na talaga ako.. Panay na rin text ni besing Kat. Wala na naman siguro yon maka morning chismisan.

"Tama nga ang sinasabi mo. Cute nga siya."

Ano po ulet 'yon?

Tamo ang kuya ko parati ako inaaway pero mabuti rin pala ang description niya para sa akin sa iba.

Ayaw ko pa ma flattered. Di pa sapat.

"May pinagmanaan din kase. Syempre sa akin pre."

Road to flattered na ako e. Wag na lang.

"Hello Zandra. Ako si Badjao de Castro."

Sabi niyang humarap pa sa akin ng may malawak na ngiti.

Unang una kong napansin ang pisngi niya. Mataba rin ang pisnge katulad ko.

Tumango lang ako at ngumiti.

Kanina ko pa napapansin na napapasulyap-sulyap si Badjao sa akin sa rear-view mirror.

Napalunok ako. 'Di ako komportable.

May dumi ba ako sa mukha? Manang na manang look ba ako today? Hindi nga ako nakapagayos kasi late na, pero mukhang tao naman siguro ako 'no.

Seryoso late na ako, parati na lang.

Binagsak ko ng malakas ang pagsara ko sa pintuan ng sasakyan ni kuya nung bumaba na ako. Sana masira.

Pagdating ko ng school aba, mag aalas nueve na!

Ang aga ko para sa recess time.

Ako na lang mag isa ang pumasok sa gate.

Grabe makatigin si kuyang guard. Kala mo kung 'ni minsan 'di na late.

Magiisip na ako ng irarason. Syempre hindi ko pwedeng sabihin na natagalan ako gumising. Washed out na yan sa mga dahilan ko. Di' na effective.

Kahit anong explain ko ako parin naman ang mali.

Hahayaan ko na lang.

Pagpasok ko sa classroom.. takte! Napaatras ako.

Si Sir Cascadin!

"Early bird gets the worms"

Sabi nung teacher naming nagsalubong ang kilay na halos wala ng leeg.

Teka, parang mali yung sinabi niyang qoute. Hindi ganun yung kasabihan e.

"And what you get Miss. Baldostomon?"

Tumayo lang ako sa gilid ng pinto.

Konting worms?

"A detention."

[shookt] Jusko.

Tumingin ako sa kinaroroonan ni Kat. Nag thumbs up siya sa akin.

Thank you sa support at motivation bestfriend.

Nahagilap ng mata ko si Silonga na pigil na pigil sa tawa.

Sasakalin ko siya mamaya.

Sumunod na lang ako kay Sir Cascadin. Ano kaya ang ipapagawa sa akin?

"Um sir?"

Pagmamalakas loob ko. Mataray kasi talaga tong titser na 'to.

"What?"

'Tamo.

"What would be my punishment? And when it will end?"

Napapaenglish tuloy ako. Pero keri lang, ako kaya ang highest sa English. Hindi naman sa nagmamayabang pero parang ganun na rin.

"Depends upon the work, and depends upon when you will finish it."

Kasalan to ni kuya e.

UNSPOKEN FEELINGS (IV Of Spades Fanfiction)Where stories live. Discover now