Kiel's POV
-Flashback-
"Ano?! May sasabihin ka pa!!?" Sigaw ni Kuya habang itinataas si Mama na kasalukuya'y hawak ni Kuya sa kwelyo. Kitang kita ko kung paanong nangingilid na ang mga luha sa mga mata ni Mama. Nasa salas sila, habang ako nama'y nakaupo lamang dito sa hagdanan, nakatago ako't sumisilip lamang sa pagitan ng semento at ng hagdanang ito. Hindi na napigilang mag-unahan ng mga luhang kanina pang namumuo sa nga mata ko.
'Tama na Kuya.. Please..'
Ang bigat.. Ang bigat sa pakiramdam ng wala akong magawa para mapigilan ang ganitong klaseng pangyayari. Hindi na bago sa mga mata kong makita silang ganyan, minsan na rin akong pumagitna sa kanila, pero nadamay lamang ako.. Sabi ni Mama, kahit daw nakikita ko silang ganito ay wag nalang akong magpaka-bayani, wag ko nalang daw sila subukang patigilin, dahil hinding hindi makikinig sa'kin si Kuya. Sino nga naman ba ako para pakinggan ng isang Hance Vel Poblete? Ang isang lalaking kinatatakutan ng karamihan..
"I-Ibaba mo na ako, Anak.. N-Nasasaktan na a-ako.. H-Hindi n-na ako mak-makahinga.. P-Parang awa m-mo na, Anak—" Pagmamakaawa ni Mama nang biglang sumagot si Kuya, dahilan para matigilan siya.
"E ano ngayon kung nahihirapan ka na, kung nasasaktan ka na?! Sa tingin mo may pakialam ako!?" Ani Kuya, ngunit hindi nakasagot si Mama. Ibinato ni Kuya si Mama sa sahig, dahilan para matumba si Mama at dahan-dahang lumingon kay Kuya. Hindi niya na nagawang tumayo dahil nanghihina na ang katawan niya sa lahat ng ginagawa ni Kuya sa kanya. "Ako na nga lang naaasahan niyo diba?! Ako ang nagtatrabaho para may makain tayo, ako ang nagtatrabaho para sa pag-aaral ko at sa pag-aaral ng isa pang anak mo! Ako diba!? Ako! Ni-hindi ka makapag-hanap ng trabaho para naman may maitulong ka! Tagapag-luto ka lang eh! Wala kang silbi! Hindi kita kailangan, Haimee—"
"N-Nanay mo parin ako, Hance, Anak—" Pagpipigil ni Mama ngunit nangibabaw muli ang boses ni Kuya.
"T*ngina, wag mo akong tawaging 'anak'!!!! Manahimik kang babae ka!! Yes, you're my Mother by birth, but you will never truly be a Mother to me! Go to Hell, Haimee!!!" Nakakagulat na sigaw ni Kuya. Sa pagkakagulat ko ay biglang tumigil ang mga luhang kanina pang walang tigil sa pag-tulo.. Pati ang pag-hinga ko ay parang tumigil din, dahil sadyang nakakatakot at ma-awtoridad ang pagkakasabi ni Kuya sa huling mga salitang binitawan niya.
"K-Kuya.. T-Tama na, K-Kuya.. M-Matulog na p-po t-tayo.. M-Mauuna n-na po a-ako, K-Kuya.. M-Matulog n-na rin p-po k-kayo, K-Kuya.." Hindi ko namalayang nasa gitna na pala ako ng hagdan at naagaw ko na ang atensyon ni Kuya at ni Mama, namalayan ko nalang ang eksena namin nang di ko mapigilan ang panginginig sa boses ko.
Bahagya namang natigilan si Kuya nang bigla akong magsalita. Kahit na hindi rin masyadong maganda ang trato sa'kin ni Kuya, alam ko parin na mahal niya parin ako bilang nakababatang-kapatid niya. Kahit papaano ay inaalagaan niya parin ako. Tuwing magkakasakit ako, hindi niya ako pinababayaan.. Sinisigurado niyang nakakainom ako ng mga kinakailangang gamot, na nakakakain ako ng ayos at tama sa oras.. Sinisugurado niyang nakukuha ko ang mga bagay na kailangan ko. Kahit na pwede namang iwan niya nalang kami ni Mama, kahit na pwede namang ang pakainin niya ay ang sarili niya, kahit na pwede namang sarili niya nalang ang pag-aralin niya, kahit pwede namang sarili niya nalang ang asikasuhin niya, hindi niya parin kami iniwan—nanatili siya sa tabi namin dahil alam niyang di 'ako' mabubuhay ng wala siya.. Naghahanap at gumagawa siya ng paraan para lang mapakain niya ako.. Pinag-aaral niya parin ako, at hindi niya lang ako basta pinag-aral, sa isang sikat na pribadong paaralan kung saan karamihan ng mga estudyante ay matatalino, magaganda't gwapo, and most of all, mayayaman—may ilan ring mga estudyante dito na sikat dahil sa mga magulang nila.. Inaasikaso niya parin ako at ibinibigay ang lahat ng kailangan ko hangga't abot ng makakayanan niya.. Hindi 'man nakikita ng iba yun, nakikita ko, nararamdaman ko.. Mahal ako ni Kuya, at dahil sa mga inilahad ko ngayon, mahal ko rin siya.
YOU ARE READING
The Fight of Life
Random"Who am I?" "Do we really have to let them make decisions for OUR lives for us?" "If we can't take control over our lives, then are we really able to express who we are?"