Chapter 2

17 2 0
                                    

Larry's POV

"Larry, Camerone! Tara na kumain!" Ani Ceb habang naglalakad papalapit sa'kin.

"Teka lang.." Sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko at inilalagay ang mga ito sa bag ko. "Tara?" Tingin ko kay Camerone, at tinanguan lang ako nito at lumabas na kami ng silid.

Naglalakad na kaming tatlo papunta sa canteen. Dire-diretso sa pag-daldal si Ceb, habang kami naman ni Camerone ay halatang hindi nakikinig sa mga sinasabi niya. Masyado siyang madaming kwento, maririndi lang kami kapag pinakinggan naming lahat.

"Narinig niyo ba yung usap-usapan ngayon? May Fitzgerald na daw dito sa school natin!" Tanong ni Ceb.

Fitzgerald? Kung mayroon nga, talagang sumikat at sisikat nga itong university na 'to! Kilala ang mga Fitzgerald dahil pamilya sila ng mga manunulat. Ngunit hindi lang yun ang dahilan kung bakit kilala sila.. Kilala din sila dahil talagang kahanga-hanga ang pamilya nila. Mababait, mga magaganda't gwapo, matulungin sa kapwa.. basta! Nasa kanila na ang lahat ng hahanapin mo sa isang pamilya. Talagang tuwing mapapanood mo sila sa mga interviews at sa mga TV shows, mararamdaman mo talaga ang pagmamahal nila para sa isa't isa. Talagang pinoprotektahan nila ang isa't isa.

'The perfect family..'

"Talaga? Alin? Yung babae?" Pagtatanong ko.

"Oo, bro! Si Princesskkah Lauri Fitzgerald! Tingin niyo, gaano kaya siya kaganda sa personal?" Pagsagot ni Ceb. Lumingon naman ako sa kanya at nginitian siya bago sumagot.

"Kahit gaano pa 'man siya kaganda sa personal, wala na akong pakialam bro.. May Carlyle na ako." Sinserong ani ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Ano 'man ang ganda ng babaeng yan, kailanman ay hindi siya magiging 'sing ganda ng babaeng pinakamamahal ko.. Si Carlyle Grejinja McGee. Alam nilang matagal na akong may gusto kay Carlyle, ngunit sikreto lang naming tatlo yun.

"Bakit nga ba kasi hindi mo pa ligawan si Carlyle, bro?" Natatawang ani Ceb, at umiling nalang ako. "Ikaw, Camerone? Baka naman magkaroon na ng babaeng bibihag diyan sa puso mo pag nakilala mo si Princesskkah!" Pang-aasar ni Ceb kay Camerone habang nakatingin sa kanya at nakangisi.

"Sige lang Ceb, baka sakaling magkatotoo pag pinagpatuloy mo yan." Sarkastikong ani Camerone habang nananatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. "Alam niyong hindi ako interesado sa mga ganyan." Pag-seryoso niya.

"Tch.. Ang sungit mo, Camerone!" Pagkukunwaring inis na ani Ceb. Patagong natawa naman ako sa mga inaasta nilang dalawa. Kahit nung magkakilala kami sa elementarya ay ganyan na silang dalawa.

Si Ceb, si Gyhariien Cebh Golviogo, ang pinakamasayahin at pinakamadaldal sa aming tatlo, sa aming lahat ay siya ang pinaka-positibo. Si Camerone naman, buong pangalan ay Camerone Lorkka Hansen, siya naman ang pinaka-negatibo, masungit, at laging seryoso, hinding hindi mo siya mabibiro, pero siya rin ang pinakamatalino sa'ming tatlo.. Sa totoo niyan, siya ang pinakamatalino sa buong batch namin, yun ay kung wala parin sa mga bagong estudyante ang mas gagaling pa kumpara sa kanya.. Pero ngayong may Fitzgerald na dito, lumaki na ang posibilidad na may lumamang na sa kanya.

Bahagya naman ako napangisi sa isiping yun, sa posibilidad na mabawasan na ang maipagyayabang niya dahil bababa na ang ranggo niya.

"Hahaha.. Wag mo nalang ganyanin, Ceb.. Wala ka parin namang syota." Sinsero at nakangiting tugon ko.

"Atleast ako, may nililigawan na! E kayo? Nga-nga! Atleast may Reinah na akong pinaghihirapan!" 'Pambabara' ni Ceb.

"Ha! Ni-hindi ka nga masagot-sagot ng Reinah mo'ng yan! Grade nine na tayo.. Reinah is only in 8th grade! Jeezus, Ceb—" Pagsagot ni Camerone ngunit hindi siya pinatapos ni Ceb.

The Fight of LifeWhere stories live. Discover now