unknown feelings

68 0 0
                                    

 

HAHAHA!!! Napakalakas ng tawa ng kanyang pinsan na si Marie. Hindi nito akalain na ganun ganun na lang ang reaksyon nito. Kwinento niya kasi ang nangyari nong nagdaang gabi. Di nga siya halos makatulog kakaisip na halik na yon. Sa Lintik na halik na yon.

“So tinamaan ka?” makahulugang sabi ng pinsan niya.

Ako tinamaan? NO WAY!

“Hindi. Wala nga akong naramdamang kakaiba!” patay malisyang sabi niya.

“Sus, kung makakwento ka kanina. akala mo kung  ano na…. Alam mob a ang itsura mo? Hah? Sana nakita mo. Ang saya-saya mo kaya. Para kang teen ager na hinalikan ng crush niya.” at humagalpak na naman ito ng tawa.

“Shut Up, Marie!”

“Sus, ano papable ano? OH. Ano nahawakan mo? Malaki ba? Pang-aasar nito sa kanya.

“Shut up! Kapag hindi ka tumigil itatapon kita palapas ng shop.”

“Sus taray! Pero ano aminin mo girl nasarapan ka sa halik niya no? Eh. Sino ba naman ang hindi masasarapan eh. Miguel C. Alcantara ang humalik sayo! Isang mala Adonis na nilalang.”

“Isa, isa na lang marie matatamaan ka na sa kin. Namumuro kana ha.”

Tumawa na lang ito ng pagkalakas lakas. Hay! Ano ba tong nangyayari sa kanya. Nagsimula na nong nagpakasal siya sa lalaking yon parang ang dami na niyang pinagbago. Nawalan na siya ng gana sa ibang lalaki. In short hindi siya tumitingin sa iba o sumasama kung sino sino lang. Parang di na siya ang dating Chiwa Salcedo. Kundi siya na si Mrs. Chiwa S. Alcantara.

Alcantara ang angkan ng mayayaman at kilalang tao sa larangan ng negosyo. Mayaman ang angkan nito pero bakit pumayag itong magpakasal sa kanya. Hindi naman sila ganon kayaman kung maikukumpera sa mga ito. Kaya nagtataka siya kung bakit. Pero kung ano man yon, wala na siyang pakialam basta ang importante hindi siya pwedeng mahulog at magmahal. She loves her FREEDOM and nothing can change that on her.

“Oh? Tulala ka? Ilan na panaginip mo nabuo?”

Inirapan niya naman ito. Hanggat saan pa talaga at may pinsan siyang baliw. Kung siya sakit ng ulo ng pamilya niya ang mga pinsan naman niya naman may pag-uugaling baliw.

“Hello Philippines! Hello world! Bungad naman ng pinsan nilang si Samantha. Sam for short.

Nakakunot noong tinignan nila ito.

“Oh? Ano? Tingin tingin lang ba tayo rito? Mga pinsan huwag niyong sabihin na hindi niyo namiss? Group Hug dali…..

Agad naman itong naglakad at niyakap sila. Kahit kalian talaga mga engot at kengkoy ang dating ng mga pinsan  niya. Kaya naman sinuklian na rin niya ng yakap.

“I MISS you to cous! Ani ni marie.

“tsk! Ang babadoy niyo. Tama na nga drama. Labas na tayo”. yaya niya sa kanila.

Natawa naman silang dalawa.

“What?”

“Baka nakakalimutan niyo Buntis ako.” Ani ni sam.

“WHAT?” sabay sabi nila ni marie.

“OO buntis ako. Kaya girls bawal ang inom ha.” Nakangiti niyang sabi.

“oh, congrats cous! May maidadagdag na naman sa lahi natin. Sana lang hindi magmana sayo!” ani ni marie

“Oh, Shut up! Marie. Kahit kalian talaga. Ang bunganga mo at dila mo napaka hmp! At binato niya ito ng pillow.

“Aw. Masakit yon ha!”

Gaganti rin sana si marie pero agad kong kinuha ang pillow sa kanya.

“uh-huh. buntis yan remember” pag-papaalala ko.

Sumimangot naman ito. “pasalamat siya buntis siya” mahinang bulong nito pero rinig ko pa rin.

Kahit kalian talaga may pagka-isip bata tong si marie. Tumawa na lang ako ng wala sa oras. Grabe nakakaloka talaga pag-nagsama-sama kaming pagpipinsan pano pa kaya kong nandito silang lahat. Panigurado riot ang magaganap.

……

Miguel POV

Hindi ko alam kong ano at bakit ako naririto ngayon sa labas ng Photo Shop ni Chiwa. Damn!

Matapos ang inkwentrong nangyari sa pool iniwasan ko muna siya. Everytime I saw her, I want to touch her. I want to kiss her lips. Buti na lang at nakontrol ko ang sarili ko sa gabing yon. She looks so damn sexy and ready to eat. I want to eat her but suddenly, my mind told me not yet! It’s not the right time.

Hinayaan ko siyang makawala sa bisig ko.  When I said those words to her, she pushed me away. At agad siyang pumasok sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang yon sa kanya. Ang hirap niyang makuha. Pa hard to get.

I hate it when people talked about her. Na para bang napakarumi niyang babae. In fact, I got her investigated. YES! Positive… Marami siyang naging boyfriends tulad ng alam ng ibang tao. Pero hindi nila alam na kahit ganun siya ni wala pang isag lalaki ang nakahalik o naikama man lang sa kanya. And its amaze me or maybe i'm amuse. Hindi mo aakalain na sa isang katulad niya na na play girl ay wala pang mapangahas na lalaki ang nakakatikim sa kanya. Na nasa sa akin naman na pinagpapasalamat ko.

Unang kita ko palang sa kanya. I know I’m attracted. I like her. Kaya nga sa kasal namin ay di ko na napigilan ang sarili ko na halikan siya. Napakagago man aminin, pero siya lang ang babaeng nagpabaliw sa akin ng ganito. I know why she do this kind of arrangement. She wanted to get her freedom. Napag-alaman ko rin ito.

But suddenly, i change my mind. I married her because i wanted the company in my hands within six months.  And the remaining 6 months, i’ll make sure she’ll be mine. 

Sabaw ang update kailangan kasi ito kaya bear with me hehehe

 

His Bitchy WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon