"Kailangan talaga!! Sa ayaw at sa gusto mo dapat kang ipakasal sa kanya!!"sabi ni King.
"Pasensya na King, hindi ko talaga yan magagawa. Hindi ko kayang pilitin ang sarili kong mahalin ang taong hindi ko mahal"-ako
"Enzo!!" Tawag ni Queen
Umalis ako sa silid ni king. Tinawag pa nila ako ngunit binaliwala ko na iyon. King ang tawag ko sa aking ama at Queen naman sa aking ina.Dahil sila ang mga makapangyarihan dito sa Enchanted World.
Lahat kami dito may kapangyarihan. May mga ranggo din ang chant ♤,chant ♡, at chant ◇.
Una ay ang chant ♤ sila yung pinakamakapangyarihan, may pakpak sila, kaya nilang gawin lahat, sila ay may dugong maharlika talagang walang halo, tulad namin kaya ako ipinapakasal dahil chant ♤ din yung babae kaya pag kami ipinakasal, kami ang masusunod na King and Queen.
Sumunod naman ang chant ♡ napakamapagmahal sila, sila naman yung halo-halo ang dugo.
At ang pinakahuli ay ang chant ◇ isa lang ang kanilang kapangyarihan, sila yung talagang ang dugo ng kanilang mga magulang ay chant ◇ din o kung baga pure talaga sila, at ang karamihan sa kanila ay ang mga tagapagsilbi sa mga chant♤.
Pumunta ako sa New Free dun ang daan papunta sa mga tao. Isa itong maliit na butas. Ipinagbabawal ang pagpunta sa mga tao dahil baka makita nila ang aming mga kapangyarihan. Kung kaya't ang mga chant ♤ lang ang makakalusot dito dahil kailangan mo pang magpakaliit para makapasok doon.
Nagpaliit ako at pumasok doon. Pagpasok ko may nakita akong pintuan. Nagpalaki muna ako at lumabas sa pinto. Pagkalabas ko may nakita akong mga tao.
"Huh!! Galing ka ba diyan sa loob ng banyo kanina? Hindi kasi kita napansin. At kakalabas lang din ng isang lalaki. Dalawa ba kayong pumasok diyan?""Uhhh...eh.....ah.....opo ho"um-oo nalang ako para wala nang malisya. May nakita pa akong pinto kaya lumabas ako doon. Paglabas ko mag nakita akong mga malaking gusali, maraming tao, at may kunganong gamit? O ano man yan basta gumagalaw ito, ito ay nasa daan. Parang tumatakbo? May kapangharihan na kaya sila?? Bakit kaya gumagalaw yung bagay na yun??
○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○
Sorry if may wrong grammar or basta something error. First story ko po ito. Please vote, comment, follow me din po at paki share nalang po ito sa iyong mga kaibigan.
😁🤘Thank You🤘😁Heart, Heart po✌
❤ ❤ po✌
YOU ARE READING
Bļąçķ & Whįţę €öüpļëđöm
Fantasia°\\.TADHANA.//° Paano nalang kung may nahulog na anghel galing sa isang kahariang puno ng mahika?? Paano kung siya ang naka tadhana sayo?? Paano nalang din kung pareho pala kayo?? As a simple description. This story is full of magic."MAGIC"