Wrong Move : T W O

61 4 1
                                    

Chapter ~ T W O 

Maebelle's Point of view

Dahan-dahan akong naglalakad sa hallway papunta sa classroom ko na may halong kaba. Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari sa facebook, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag baka hindi naman nila ako paniwalaan. Hay bahala na!

Hindi ko alam kung bakit marami na kaagad tao dito sa school namin kahit ang aga-aga pa.

"Ang malas naman ni girl."

"Diba siya yung wanted?"

"Hinahanap siya ng serenity."

"Ang swerte naman niya, papables pa naghahabol sa kanya."

"Malas kamo."

"Wanted yan sa West Academy lagot."

Rinig kong bulung-bulungan ng mga babae, bulong nga ba?! Pero sino yung tinutukoy na wanted? Marami atang naghahanap sa kanya o baka may ginawang gulo.

Bigla naman akong napalunok, at bigla na naman akong kinabahan. Posible bang ako yung hinahanap? Pero bakit ang bilis naman ata akong mahanap?

Hindi yan Maebelle fightinggg ~

Pilit kong sinasabi sa utak ko kahit may nararamdaman pa rin akong kaba.

Dire-diretso akong naglalakad papunta sa classroom ngunit nang madaanan ko ang bulletin board biglang lumuwa ang mata ko.

Isang picture, picture ko na may nakasulat na wanted. At yung picture ko na yun profile picture ko sa facebook.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan na naman ako. Bakit parang sobrang laking gulo ang nagawa ko? Ay bahala na nga.

Imbis na dumiretso ako sa classroom ko sa likod ako ng building pumunta.

Mamaya mahanap ako ng naghahanap saakin at kung anong gawin nila. Manigas silang maghanap saakin.

"Sino ba ang naglagay ng wanted sa bulletin board? Argh!" Inis na sigaw ko kahit alam kong wala namang nakakarinig sa akin. Madalang lang kasi na may pumunta dito sa likod ng building.

"Ay,ang ingay mo miss!" Huh? Sino yun? Wala namang atang tao dito? Baka may multo? Ay leche takot ako sa multo!

Iniikot ko ang paningin ko, may isang lalaki. Hindi niya katulad ng uniform ang mga kaklase kong lalaki. Sino kaya ito?!

"Hoy sino ka ba ha? Trespassing ka 'no? At saang school ka ba galing? Hindi naman yan yung uniform dito ah!" Sunod sunod ko na tanong sa kanya.

"Chill miss okay? I'm Knight. Member ako ng Serenity. I'm sure kilala mo naman ang serenity diba?"

"Eh? Anong Serenity ang pingsasabi mo? Sorry wala akong kilalang serenity." Sabi ko at nginitian ko siya, yung ngiting maiinis siya.

"Tao ka ba talaga? Hindi ka ata tao eh. Pati ba naman Serenity hindi mo kilala?" Pinanlisikan niya ako ng mata habang magsasalita.

"Excuse me lang ha––"

"Sige na, dumaan ka na!" Pang bara niya sa akin.

"Aba't ang tino mo rin eh noh? Sino ka ba talaga ha?" Pag-ulit ko ng tanong sa kanya.

"I'm Knight Valencia, taga West Academy ako. Ngayon alam mo na?" Sarkastikong sabi niya.

"Oo, pero bakit nga ba nandito ka?"

"May hinahanap kaming babae, ay teka." Sabi niya at inilabas ang cellphone niya at pabalik-balik ang tingin saakin at sa cellphone niya "Ikaw!" Sigaw niya.

Ano daw? Anong ako? Ano meron sa akin?

"Anong meron sa akin? At bakit kailangan mong sumigaw?!" Sigaw ko sa kanya.

"Ikaw si Mae Gonzaga diba?" Teka? Pangalan ko sa facebook iyon ha? Huwag mong sabihin na siya yung naghahanap sa akin?

"Wahhhhhhhhhhh."

Hindi ko alam na sila pala ang humahanap sa akin, pero bakit ba nila ako hinahanap? Huhu TT^TT kinakabahan na ako ng sobra.

Huminga ako ng malalim "B...B-Bakit mo ako kilala?"

Pero hindi niya manlang ako sinagot at tinalikuran pa ako.

Pagkatapos niyang mangalikot sa cellphone niya, humarap na ulit siya. "Upo muna tayo dito sa bench." Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sa akin na umupo kaya sumunod ako.

"Haist anong oras na ba? Makaka-abot pa kaya ako sa 1st subject? Im sure hindi na..." Bulong ko sa sarili ko.

"Aabot ka pa, tiwala lang." Sabi naman ng katabi ko. Paano ako magtitiwala? Eh hindi ko nga siya kilala.

Hindi nalang ako sumagot.

"Bakit Mae Gonzaga ang pangalan mo sa facebook? Kung Maebelle Gonzaga ang tunay mong pangalan?" Pag-iintriga niya.

"Kasi mas gusto ko ang tawag sa akin na Mae." Sagot ko sa kanya at napalingon sa bandang kaliwa ko. May anim na lalaking naglalakad patungo sa direksyon namin, hindi ko naman maaninag kasi masyado pa silang malayo sa amin.

Hinayaan ko na lang silang maglakad at yumuko ako. Kinakabahan na naman kasi ako pero hindi ko alam kung bakit.

Nagulat ako nung may biglang humablot ng braso ko patayo.

"Aray aray, sino ka ba? Aray masakit!" Pagreklamo ko at tinignan ko yung lalaking humablot ng braso ko.

"Hindi mo ako kilala ? O hindi mo pa ba ako kilala?" Inis na sabi nito.

"Aba malay ko, hindi ko nga alam kung bakit pa ako naririto eh. Nakinig lang ako jan sa Knight na yan!" Inis na sagot ko.

"I'm Russel Jaiden Martinez, sa picture ko lang naman ikaw nag-comment kaya ngayon mag-uusap tayo!" Sabi niya at hinila na naman ako, ngayon palayo na sa mga kasama niya.

- - -

Author's Note:

Short update muna.Ano naman kayang pag-uusapan nilang dalawa? Hmm. ABANGAN . . .

Saranghaeyo ❤

-NoonaPark

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wrong Move ♥ (SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon