Chapter ~ O N E
Maebelle's Point of view
Haist, bakit ba ang boring? Makaligo nga muna.
After 30 minutes
"Ii-status ko nga muna ito sandali." Sabi ko sa sarili ko kahit alam kong walang makakarinig.
'Done to take a bath' Post.
Cin-lick ko na ang post, pagkatapos nagi-scroll muna ako sa news feed ko. Ano ba yan. Puro chismisan ng mga classmates ko. Friend ko sila sa facebook kahit hindi ko sila kilala sa personal. Anong magagawa ko, mabait ako? ^_^v Joke hahaha. Gusto ko lang naman ng social life kahit through internet lang.
*scroll
*scroll
*scroll
*stop
Aba? Gwapo, nice. Mapagtripan nga, hahaha. Sadyang habit ko lang itong pangti-trip. Naalala ko tuloy dati yung napagtripan ko sa facebook hahaha.
'Wag na nga natin iyon pagtuunan ng pansin. Dati na yun eh. ^_^
"Hi Baby, Didn't you know how much I miss you? I love you. :*"
At nag-comment na ako. Maka-kain nga muna. Nagugutom ako eh.
"Maebelle mabuti at bumaba ka na, tatawagin sana kita para makapag meryenda tayo." Saad sa akin ni mama pagbaba ko papuntang lamesa.
"Sadyang nagutom lang ako ma, hehe."
"Ate babad ka na naman sa internet na yan." Diretsong sabi sa akin ng kapatid ko at kumain na ng pancit canton. Iyon kasi ang meryenda namin at buns pati juice.
Ngumiti lang ako sa kanila. "Tara kain na po tayo ma." Sabi ko sa kanila at nagsimula ng kumain.
"Maebelle baka napapabayaan mo na pag-aaral mo ah?" Ani ni Mama.
"Hala? Hindi po ah. Sa facebook na nga lang po ako nakakapag-social life eh" Sagot ko.
"Bakit ka ba kasi naging anti-social ka? Hay nako, wala tuloy akong makita na mga kaibigan mong dumadalaw sayo."
"Eh Ma, hindi lang po talaga ako sanay makipag-usap sa ibang tao." Sagot ko at iniligpit na ang pinagkainan ko at hinugasan na ang mga ito.