Ikalawa

6 0 0
                                    

Ilang araw na rin pala simula nung nag usap kami ni Shaina. Kahit mag bestfriend kami, mahirap pa rin ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Wala naman kase siya sa lugar ko. Pero sabagay, everyone has their own decision on what they will do in their lives.

Ilang taon na rin ang nakakaraan, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Umagang umaga ang drama drama ng buhay mo Keisha!

”Ma’am? Okay lang po ba kayo?” tanong sa akin ng isa sa mga kasamahan ko rito sa faculty.

“Yes ma’am, I’m okay. May klase ka na ba?” Balik tanong ko sa kanya.

“Oo ma’am, sige mauna na ako. At baka nagkukulit na yung mga estudyante ko”.  Tuluyan na siyang umalis sa harap ko.

Isang taon na rin akong nagtatrabaho bilang isang guro sa Math, pagkatapos kong magkapagtapos sa pag aaral, agad akong naghanap ng trabaho, and luckily nakapasok naman ako sa isang private school. Kailangan ko din kaseng makatulong agad. Kahit na malayo layo ang loob ko sa pamilya ko, alam ko naman kung paano tumanaw ng utang na loob. Bukod kay Shaina, iisang tao nalang nakakaintindi sakin. Pero.

Disyembre 2013

Madalas na kaming nagkakausap ni Bryann simula ng araw na yun! Kinuha niya kase ang number ko. Nung una di na ako umaasa kase diba, wala naman talagang nagtetext kahit kinuha ang number mo, unless kung sobrang ganda mo.

Akala ko din si Shaina ang trip niya, syempre mas maganda sakin yun tapos nagulat ako, sakin kinuha niyang phone number! Ohmyghad. Ngayon lang ako kinilig ng sobra! Ang gwapo gwapo naman kase ni Bryann. Mula sa mata niyang kay gandang tignan, sa matangos na ilong, sa medyo matatabang pisngi, sa mapupulang labi, perfect jawlines. Malakas ang dating niya kahit sa malayuan. Kahit sinong babae magkakagusto sa kaniya.

From: Yan-yan
Goodmorning :) Kumain kana bago ka pumasok ah! Ingat mamaya. I just wanna ask if tuloy tayo sa lakad natin mamaya. Sana matuloy. Gusto lang sana kitang silayan :)

Hays, di ko mapigilang kiligin kapag nakakareceive ako ng mga gantong text niya. Diko alam kung kami ba, pero di naman siya nanliligaw.

To: Yan-yan
Goodmorning din :) Ikaw din ingat mamaya sa pagpasok. And yes, tuloy tayo. See u later :)

Komprontahin ko kaya siya ano? Pwede! Magdadalawang buwan na rin nung nagsimula kaming mapunta sa gantong set up. I mean, the sweet talks, late night calls.

“Ngiting ngiti ka na naman diyan sa phone mo! Sarap mong batukan diyan! Bwisit na to. Ano na naman ang sinabi ni Yan-yan MO, kahit di naman kayo!”

Panira talaga ng moment tong Shaina na ito kahit kalian. Bakit ko ba nagging bestfriend to? BAKIT! Sinimagutan ko nalang siya.

“Panira ka ng moment alam mo yun? Atsaka merong KAMI! Wala lang label. Ano kaba!”

“Wala pa ring kayo gurl, Wala nga kayong label eh. Atsaka, concern ako sayo Keisha. Wag ka munang magmahal ng todo sa kanya kung wala siyang mabigay sayong commitment. Mahirap ang ganyang sitwasyon. Hay. Putakte ka! Mag aral ka na muna sa Geometry. Proving muna bago landi ah! HAHHAHAHAHHAHAHAHA”.

Inirapan ko nalang siya. Tama nga naman siya. Pero, mahirap hindi mahulog sa isang tulad ni Bryann. Makapagreview na nga lang. Dragon pa naman yung professor namin sa Geometry, ang tindi mang terror eh.

From: Yan-yan
Dto na aq sa gate. Kakatapos lang ng sa OJT ko. Hintay kita Keisha.

Saktong-sakto ang text niya sakin, kakatapos lang din namin magklase sa Geometry. 1st yr. college na ako, samantalang si Bryann naman ay graduating. Nasa iisang school lang kami, pero madalang din kami magkasalubong dahil OJT na niya.

To: Yan-yan
Sige, palabas na aq. Wait moko. Salamat.

“Gurl, andyan na si Bryann. Labas na ako. Support mo naman ako diba? Diba? Iloveyou gurl.”

“Hays, bakit ba ako may tangang bestfriend. Mag ingat ah! Ako na bahala kay tita. Iloveyoutoo gurl. Byie”.

Pagkasabi ni Shaina yun, umalis na ako. Ano kayang gagawin naming for this day? Sana masaya.
Tinakpan ko ang mga mata niya, kahit mas matangkad siya sa akin.

“Maganda?” Panghuhula niya sa akin. “Maliit?” “Maitim?”

“Ay taragis ka naman bry! Ang sama ng ugali mo.” Busangot kong sambit sa kanya. Nakakainis. Lakas manlait ng skin color.

“Joke lang po. May maganda diba? Hahahahaha. May maganda akong binanggit. Halika na nga! San mo gusto kumain? Libre kita.”

Napagpasyahan nalang naming na Jollibee. First time may manlilibre sakin na lalaki pa. Nagkukwentuhan na kami ng napansin kong aligaga siya sa phone niya. Hati yung atensyon niya sakin kumbaga. Diba pag may Mutual Understanding na kayong dalawa. Ang atensyon mo andun lang sa ka MU mo.

“Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.

“Huh? Oo okay lang ako. May tinignan lang ako saglit sa phone. Sorry.”

“Sigurado ka? Pwede ka magshare sakin ng problema.” Ngiting alok ko sa kanya.

“No, Im fine. Kain ka pa. Wag kang mahiya.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Begging You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon