Umpisa

15 0 0
                                        

"Kiesha, I told you. Itigil mo na iyang kahibangan mo sa kanya! Friend, it’s been what? It’s been 3 years. Itigil mo na iyang kaka stalk mo at move on kana.” Lintanya ng aking bestfriend magmula pa noon.

Mahirap, mahirap makausad. Gusto ko kami pa, gusto ko hanggang dulo kami. Kaya kahit magmukhang tanga, okay lang basta sa dulo kami.

“Shaina, alam mo naman na siya at siya lang ang mamahalin ko. Ayaw kong makausad. Gusto ko siya pa rin, siya ang magiging katuwang ko sa buhay”. Sagot ko naman sa kaniya.

“Hindi ko na alam ang gagawin sayo. Hindi ko rin alam paano kita nagging kaibigan. Ang tanga tanga mo naman kase girl. Naiinis ako sa iyo, at naiinis ako sa sarili ko.”

Alam ko, alam kong marami ng naiinis sa akin. Ang tanga ko ba naman e, Nakakapit pa din ako sa mga pangakong iyon. BOBA KA TALAGA KEISHA!

“Bakit ka naman naiinis sa sarili mo?” tanong ko sa kaniya.

“Dahil sa lintek na dare natin noon na sinuggest ko,  nagkaganyan ka. Kung alam ko lang na magiging tanga ka, edi sana doon tayo sa isang gwapo na willing magpakilala sa atin. Ghad! Ang dami nating choices na kung sino pwede sa kanila ang maging frenny nqtin, pero bakit doon tayo kila bryann napunta. Sorry girl.” Madamdamin niyang saad sa akin.

Tama nga naman siya, pero okay lang sakin iyon. Kasi dahil doon,

Nakilala ko ang isang tulad ni Bryann..

Oktubre 2013

Malamig ang simoy ng hangin, marahil malapit na ang kapaskuhan. Sembreak narin naming mga estudyante. Masarap sarap magliwaliw ngayon. Tamang-tama nagsisi-sulputan narin ang mga tyangge sa bawat barangay.

“Gurl, samahan mo naman ako bumili ng damit. Alam mo na, may mga tyangge na! Pleaseeeeee.” Pagyayaya sa akin ni Shaina.

“Oo naman! Basta ilibre mo ako ah!” Natatawa kong pagsang-ayon sa kanya.

“Waley ako money gurl, sakto lang ito para sa makikita kong damit. At saka para makapag BOY HUNTING tayo! Oh my ghaaaaad! Sa sobrang stress natin sa school, deserve natin makakita ng mga FAFANG ULALA!”

Wala parin talaga itong pinagbago, sabik pa rin sa lalaki kahit kalian!

“Hay nako, halika ka na nga!” Yaya ko sa kanya..

Pagkarating naming sa tyanggian, kay daming magagandang damit. At itong kasama ko, hirap na hirap mamili kung ano ang bibilhin niya!

“Kanina pa tayo paikot-ikot! At wala ka pa ring nabibili. Magpahinga na muna tayo. Napapagod na ako! Please lang!” napapagod kong sabi sa kanya.

“Ay ang bilis mo naman mapagod! HAHAHAHA. Ang bata mo pa pero para kang uugod ugod na gurl!”

Agad-agad ko siyang binatukan! Samantalang siya naman ay tawang tawa. Nakakabadtrip din minsang kasama to. Ang lakas mang Alaska e!
“Ay gurl! Hingi tayo piso piso sa mga FAFA!” biglang suhestyon niya sa akin.

“Tangina mo naman Shaina! Ano nanaman pumasok sa utak mo! Nababaliw ka na naman! Tinake mo na ba ang gamot mo? Hahahahahahahhahahhha!” Natatatawa kong sagot sa kaniya! Napapadalas na rin ang kasaltikan netong babae na ito!

“Dali na! Tsaka malay mo dito natin matagpuan ang ating THE ONE!”

“Saan? Sa paghingi ng piso? MALALA KANA!” Balik kong sagot sa kanya.

Sige pa rin siya sa pamimilit hanggang sa napapayag na ako. Lord! Bakit po ba ako may ganitong kaibigan!

“oh ano ah! Doon ako sa banda don, Ikaw dito! Paramihan ah! Ang pinakakonting makahingi manlilibre sa Jollibee! Doon na ako. Goodluck!” Kumaway kaway pa sa akin si baliw.
Paano ako makakahingi neto. Ang hirap naman. 😭

Nakailang hingi na ako sa bawat lalaking daraan, maski babae hiningian ko na! Pero wala pa din! Bakit naman ganoon. Nakita ko ng palapit sa akin si Shaina at kay lawak ng ngiti niya! Pota, mukhang talo pa ako ah! Ayaw ko manlibre!!!!

“Oh ano gurl, nakamagkano ka?” Tanong niya sa akin ng makalapit siya.

“Ah, eh BAYAN NAMAN GURL! Ang hirap manghingi. Ni piso walang nagbigay.” Naiinis kong sagot sa kanya! “Eh ikaw? Magkano nahingi mo?” dagdag kong tanong sa kanya.

“Trenta pesos! Panis ka sakin! HAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHA!” tuwang tuwa na pang aasar niya sa akin! KAINIS NAMAN!

“ Ay o! Ayan may dadaan! Manghingi ka dali, para naman kahit piso may nahingi ka. HAHAHHHAA” dagdag asar niya sa akin.

No choice, “Kuya gwapo, pahingi pong piso”. Sabi ko sa dalawang nadaan na gwapo.

“Miss, wala akong piso eh, pero salamat sa gwapo” Sagot sa akin ni kuyang naka pink. Pota, mahangin hangin din etong lalaking to ah! Sasagot na sana ako ng umalis na sila.

“Sabi sayo eh, walang nagbibigay sakin. Ganda mo kase e kaya ang daming nagbigay sayo.” Atungal ko kay Shaina. 

“Hala! Hahahhaha wag kang panghinaan ng loob. Teka, ayan na naman yung dalawang lalaki oh! Hingan mo ulit baka magbigay.” Sabi niya sa akin.

Okay, isa pa ulit. “Kuyang gwapo na dumaan kanina, penge ng lima!” Natatawa kong hingi sa kanya.

“Uy salamat sa gwapo ulit, pero wala akong lima! Hahaha, ako nga pala si Bryann. Ikaw na nanghihingi ng piso? Anong pangalan mo?” Tanong niya sa akin.

“Ako si Keisha”.

Begging You To Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon