OMC 4: New Life

165 12 2
                                    

[a/n: Hello guysss! Salamat sa pagbabasa iloveyou all!!!:* Fast forward na po tayo ha? ;)]

After 9 years…

Shar’s POV

“Ma’am Shar pahinga na po kayo kayo . Ako nang bahala jan.” sabi ni Dianne.

“Dianne, diba sabi ko naman sayo wag mo na akong tawaging ma’am. Best friends naman tayo eh.”

Oo nga pala, 9 years na ang nakakaraan mula noong lokohin ako ng mga akala kong best friends ko. Many things changed. Nakapagmove on nako. Nakahanap na ako ng new life. May new best friend na rin ako. Si Dianne, Dianne Joise Mamucod. May boyfriend na rin ako si Francis, Francis Magundayao. Mag fa-five years na kami. Kaibigan ko na siya mula pa noong college. Siya yung kasama ko nung mga panahong iyak pa ako ng iyak dahil kay Jai. Hindi pa talaga sana ako handa noon para magkaroon ng mga bagong kaibigan kasi natatakot ako na maloko ulit nla pero hindi sila tumigil nanatili parin sila sa tabi ko kaya tinanggap ko narin na hindi lahat ng tao katulad nila Mika. Oo nga pala, may business din ako ang “LoyalTEA”. Noong una, nagdalawang isip ako kung itutuloy ko pa pero naisip ko na hindi naman sisirain ang pangarap ko ng dahil lang sa kanya. Kaya pinagpatuloy ko parin.

“Shar, magbeauty rest ka na! Tinext kasi ako ni Francis magdo-double date daw tayo with my boyfie.”

“Aysus! Patay na patay ka talaga kay Paul no?” pangaasar ko.

“Ikaw din naman kay Francis ah!” oww… Medyo sapul haha!

“Oo na!”

Nagpolbo, lipgloss at nagayos lang ako ng buhok. Ayoko kasi ng may make up eh. Gusto ko magma-make up lang ako pag special occasions.

“Hi Mahal!” nagulat ako kasi biglang may nagback-hug sa akin tapos pinatong nya yung ulo nya sa balikat ko.

Tiningnan ko naman siya at mukhang nagpapaawa “Anong drama yan ha?”

“Namiss kita eh.” Kinilig naman ako <3

“Ha? Eh kahapon lang magkasama tayo tapos magkausap tayo kaninang umaga.”

“Kaya nga. Eh di kana kasi nagreply sa mga text at tawag ko nung tanghali eh.”

“Ay sorry mahal. Andami kasing customers eh.”

“Okay lang mahal. I love you.” Shocks! Kinikilig na ko ng sobra! Ang sweet kasi talaga ng taong to.

“I love you too!”

“Ehem! Ehem! Nilalanggam na ko dito ha!” singit ni Dianne. PAnira talaga ng moment Haha!

“Itext mo na si Paul Dianne aalis na kamo tayo.” Sabi ni Francis

“Di pa oras ng uwi ko eh.”

“It’s ok Dianne. Cge na magpalit ka na. Di ko ibabawas sa sweldo mo.”

“Kaya bet na bet ko ang pagiging best friend mo eh! May special treatmest! Haahaha! Joke!”

“Shhh! Baka marinig ka ng iba eh!”

“Cge naaa! Magpapalit na ako.”

Umalis na siya at naupo kami ni Kiko sa isa sa mga tables.

“So how’s your day?” tanong ko. Alam ko pagod siya.

One More Chance (JaiLene) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon