chapter 1:God

15 6 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kaharian ng syang pinaka makapangyarihan akoy kanya ng pinatawag upang kausapin tungkol siguro sa nangyaring gulo kagabi.

Flashback

Nagulat ako ng nila nalang ako ng sinigawan ni Jacob at pinagbintangang ako daw ang kumuha ng mahalagang gamit ng aming diyos

"Ikaw!!!ikaw yon!!nakita ko!!!" Sigaw ni Jacob saakin akmang akoy kanya nang kakalabanin ng bigla syang pinigil ng mga kawal ng palasyo

"Itigil nyo yan!!kayo'y magsibalik na sa inyong mga lugar,asahan nyong ang kaguluhang ito'y makakarating sa ating diyos" makapangyarihang sabi nito.

End of flashback

Hindi na talaga ako nagtaka kung bakit nya ko pinatawag.pagpasok na pagpasok ko ay agad akong lumuhod para magbigay galang sa kanya

"Magandang umaga sayo" nakangiti nitong sabi

"Magandang umaga din po aming diyos" nakangiti ko ring sagot sa kanya,tama kayo,ang diyos,sya ang pinaka makapangyarihan na aking tinutukoy.

"Nagulo o nagising ba kita sa iyong tulog" tanong nito

"Syempre naman Hindi aming diyos" natatawa kong sagot

"Mabuti naman kung ganon" sabi nya,maya-maya ay nagsalita na rin sya

"Naibalita na sakin ni Lucas ang nangyaring gulo kagabi,totoo ba yon??" Tanong ng aming diyos

"Syempre naman Hindi aming diyos,hinding Hindi ko magagawang kumuha ng isang bahay na alam kong mahalaga sa inyo,o nang kahit Anong bagay man na walang pahintulot ng nagmamayari nito" pagtatanggol ko sa sarili ko

"Alam ko alam ko" natatawa ng sabi nito"ngunit Hindi naman pwedeng pabayaan ko nalang ang nangyaring iyon,siguro'y bibigyan nalang kita ng isang misyon ayos lang ba yon sayo??" Nakangiti paring tanong nito

"Matagal ko nang hinihintay yan aming diyos, Kay tagal narin ng akoy binigyan nyo ng misyon,naalala ko pa na ang misyon na iyon ay ang bigyan tulong ang
isang bata na nawawala" nakangiting sagot ko parin sa sinabi nya

"Padami ng padami ang masasamang tao sa mundong aking nilikha,nais ko sanang kahit papaano'y ito'y iyong masulusyonan"

"Ano po kung ganon ang aking gagawin?ako ba ay bababa sa lupa para masulusyonan ang mga suliraning ito??" Tanong ko sa aming diyos

"Oo,ikaw ay bababa doon... Ngunit Hindi biglang isang anghel kundi biglang isang....tao. Hindi ka makakabalik hanggat Hindi mo nasusulusyonan ang mga suliranin sa lupa,ikaw ay ipapadala ko mamayang gabi,tandaan mo,Hindi ka makakabalik hanggat Hindi mo nasusulusyonan ang mga suliraning ginawa ng masasamang anghel sa baba" mahabang sabi nito. Akmang sasagot na ko nang saaking pagdilat ay nasa aking silid na muli ako.

"Bababa ako bilang isang tao, hindi kapanipaniwala" bulong ko sa aking sarili.

"Ngunit lahat ng imposible ay nangyayari sa ngalan ng ating diyos Isaac" sabi ng tinig mula sa aking likuran. Dahilan upang ako'y mapalingon.

"Alam ko naman yun lucas..." sagot ko sa kanya, tamayo ako at humarap sa bintana. "Sadyang hindi lang talaga ko makapaniwala na ako ang naatasan ng ating diyos na bumaba sa lupa at pugsain ang mga masasamang angel na naroroon..." humarap ako sa kanya. "Parang kelan lang ay hinihiling ko na sana'y bigyan na ko ng misyon ng ating diyos pero parang ngayon ay gusto ko na itong bawiin" napaiiling iling na lamang ako. "Nakakasira ng ulo ang pagiisip" natatawa kong sabi.

"Ibig sabihin lamang nito na isa ka sa mga pinaka pinagkakatiwalaang anghel ng diyos kaya sayo niya iniatas ang ganitong misyon Isaac. Mabuti pa't mag bunyi ka nalang" pagpapakiwanag ni lucas. Akmang siya'y aalis na nang muli itong humarap saakin. "At siya nga pala, goodluck sa iyo Isaac" pahabol niya. Kumunot naman ang aking noo. Hindi nako nag karoon pa ng pagkakataon na itanong sa kanya ang ibig sabihin ng salitang yon dahil nakaalis na siya.

———

"Anong ginagawa mo isaac??? Ikaw ba ay naghahanda na para sa misyong ibinigay ng ating diyos??" Tanong sakin ni Manuel nang pumasok siya sa aking tanggapan. Hindi na ko nagabalang lingunin siya para lang makasagot.

"Ano ba ang klase ng misyon na binigay sa iyo ng diyos??" Tanong niya. Nilingon ko siya pagkatapos maayos ang aking pana.

"Pag pasensyahan mo na manuel pero, hindi ko maaring sabihin sa iyo" paghingi ko ng tawad sa kanya. Ngumiti siya bago sumagot.

"Ayos lang, naiintindihan ko. Hindi naman lahat ay kailangan kong malaman. Ako ay magpapaalam na sa iyo Isaac magiingat ka sa iyong misyon"pagpapaalam niya. Hinarap ko siya at nginitian.

"Maraming salamat Manuel. Kayo rin,mag ingat kayo rito. Mauuna na ako" pagpapaalam ko rin sa kanya. Binuksan ko ang akong mga pakpak at ginalaw galaw ito upang hindi masyadong sumakit ang akong mga buto. Akmang ako ay lilipad na paalis nang may humawak sa aking kamay. Gulat ko itong nilingon.

"Isaac" sambit ni Julia ng aking pangalan. Tinignan ko lang siya.

"Magiingat ka sa iyong misyon, alam kong kaya mong mapagtagumpayan yan" sabi ni julia. Nginitian ko siya.

"Maraming salamat julia. Ako ay mauuna na. Marahil Ay naghihintay na ng diyos na makita ako sa kanyang bolang may mga imahe" natatawa ko ng sabi. Ngunit hindi niya parin binitiwan ang aking kamay. Tinignan ko siya ng may nagtatanong na mata.

"M-mag iingat ka Isaac, alam mo naman na pag tuluyan ka ng nakalabas sa lagusan ay unti unti na ring magbabago ang inyong anyo, at alam kong alam mo ito. Pero pinapaalalahanan pa rin kita dahil... ayoko kitang masaktan" mahabang paalala ni julia.

"Maraming salamat sa iyong paalala julia. Wag kang mag alala ako ay magiingat, nang sa ganon ay mabilis akong makabalik" pagpapasalamat ko. Ngintian niya ko ng pagkatamis tamis habang tumatango. Tuluyan ko ng nilisan ang langit at lumipad na papuntang lagusan. Marahil ay matagal tagal akong mananatili sa mundo sa baba. Medyo mahirap kasi ang pinapagawang misyon ng panginoon.... Alam kong kaya ko ito, at muli kong maibabalik ang mga masasamang anghel kung saan sila nagmula... Sa IMPYERNO

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Devils' AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon