Prologue

15 0 0
                                    


Isang iglap nagbago ang lahat.

Hindi mo napapansin pati ikaw nag bago narin.
Akala mo sila ang nagbago pero ang totoo ikaw ang unti-unting nagbago
Dahil sa takot mo, takot mo sa mga bagay bagay na sumasagi sa isip mo.

Takot ka na maging masaya kasi lahat ito may kapalit na luha.

Takot ka na makasama sila ng matagal kasi hindi kanaman mag tatatagal.

Takot kang pasayahin sila kasi baka hindi kanila makakalimutan.

Takot ka na bigyan ka ng masyadong atensiyon pero gustong gusto mo ng atensiyon.

Takot ka na kalimutan kanila pero ikaw yung unti-unting nakakalimot sa kanila.

Takot ka na iwan sila pero ikaw yung unti-unting nagpapaalam sa kanila.

Pero ang kasunod ng mga takot na ito ay ang mga katanungan na gusto mong mabigyan ng kasagutan dahil Nasa punto kana ng buhay mo na hindi mo na kaya.
Gusto mo nalamang na sumuko bigla
Pero iniisip mo ang iba, kasi mahal mo sila at ayaw mong sumuko kasi takot ka na masaktan sila tulad ng sakit na iyong nadarama.

Araw-araw tinatago mo ang sakit sa pamamagitan ng iyong mga ngiti hindi mo pinapakita ang bahid ng sakit,
At naiisip mo nalamang na ang galing mong magpanggap kasi napapaniwala mo sila na masaya ka kahit sa totoo malukot at nasasaktan kana talaga.

Dahil ang totoo tinatago mo lamang ang mga luha mo sa maskara ng pagtawa at pag ngiti mo kaya naging saludo ka rin sa iyong sarili kasi kaya mong magpakatatag kahit pagod na pagod kana sa lahat.

Pag sapit ng gabi tulog na ang lahat iyong pagpipigal na iyak nalamang ang naririnig sa matahimik na silid,
Ito ang oras na gustong-gusto mo dahil walang makakakita sa mga luhang pumapatak na nang galing diyan sa mata mo, palagi kanalang umiiyak ang mga unan at ang dilim ang iyong karamay sa iyong kalungkutan at ang kumot naman ang yumayakap sayo upang gumaan ang iyong nararamdaman hindi kaba napapagod? Gusto mo nabang sumuko? Hindi kanaman kawalan kung mawawala kanalang bigla sa kanila ito ang palagi mong iniisip tuwing umiiyak ka pero kaylangan mo paring gumising tuwing umaga para sa kanila upang mapakita na may roon pang pag-asa na natitira.

Pero minsan sumagi sa isip mo kung bakit ka ginaganito ng panginuon naisip mo rin kasi wala siyang pakealam sayo kaya hindi niya pinakikingan  ang mga panalangin mo.

Na iniisip mo na naging mabait kanamang tao sinunod mo ang kanyang mga utos pero bakit ka parin niya ginaganito?

Pero ni minsan hindi ka niya iniwan binigay niya ang mga problemang ito upang maging malakas at maging matatag kang tao dahil ni minsan ginabayan ka niya sa pamamagitan ng pamilya,kaibigan at ng mga taong nagmamahal na nakapalibot sa iyo.

Kaya sa huli gumigising ka parin  upang hindi masayang ang kanilang mga sacripisyo na binigay nila sayo.

Lumalaban ka parin kahit ang hirap na at palagi mo nalang iniisip tuwing gigising ka na tuloy parin ang buhay.

Once I'll be GoneWhere stories live. Discover now