Chapter 2

3 1 0
                                    

LUNCH break na nila kaya papunta na sila sa canteen. Habang nag aayos si Shana ng gamit niya ay nadanggi siya ni Kenly kaya nahulog ang ibang gamit ng dalaga.

"Oh. I'm sorry miss, let me help you" pinulot ng binata ang mga librong nahulog tsaka iniabot sa kanya. Medyo nahawakan niya pa ang kamay ng dalaga kaya agad itong namula.

"T-thank you" Hindi mapigilan ng binata mapangiti sa pagkautal nito habang namumula ang mga pisngi. How cute this girl.

"By the way, I'm McKenly Shawn. Please to meet you" Sabay abot niya ng kamay sa dalaga.

"A-ahh. I'm Shana Llantero. Nice to meet you" Hindi siya makatingin ng diretso sa binata dahil alam niyang sobra na ang pagkapula ng mukha niya.

Tska lang nabitawan ng binata ang kamay ng dalaga ng may tumikhim sa gilid niya. Babaeng mahaba ang buhok na may bangs.

"Oh hi. I'm McKenly. Seatmate ko pala kayo" Nakangiting sabi niya sa babae.

"Obviously yes. I'm Ewwa, bestfriend ni Shana. Nice to meet you" Nginitian niya lang ang babae dahil may pagka suplada ito.

"Pre. Pakilala mo naman kami" Nilingon ng binata ang mga kaibigan niyang nakangiting aso. Inilingan niya nalang ang mga ito.

"This is Grexs and Yunnie. My bestfriends." Agad na nakipag kamayan ang dalawa niyang kaibigan.

"Nice to meet you beautiful" Sabay halik ni Yunnie sa likod ng palad ni Shana. Agad itong binatukan ni  Grexs.

"Pagpasensyahan niyo na to ha, madalas talaga may hangin ang utak nito" Tinawanan lang siya ni Ewwa tapos si Shana naman na kagat ang pang ibabang labi nito.

"Excuse us ladies, canteen lang kami" agad hinila ni Kenly sila Yunnie.

"Grabe pre, ang ganda nung Shana. Ang cute pa" Sabi ni Yunnie habang naglalakad papunta ng canteen.

"Yah, I find her cute." Nakangiting sabi ni Kenly na liningon ng dalawang kaibigan niya.

"Sige na nga pre, balato ko na sayo si Shana. Pupormahan ko pa naman sana" sabay akbay ni Yunnie Kay Kenly na inilingan nalang ni Grexs.

"Mga ulol talaga kayo. Bilisan niyo na nga!"

PAGKAALIS nila Kenly ay agad siyang hinila ni Ewwa papuntang CR habang kagat-kagat padin ang namumula niya ng labi.

Pagkadating nila sa CR at agad niyang isinara ang pinto at lumayo sa kaibigan.

"KYAAAAAAH! Omo! Omo! Did he just introduce himself to me? Kyaaaah! Omoooo" Tili ng dalaga habang nagtatatalon. Kanina niya pa pinipigilan ang tumili dahil nasa harap niya ang binata kaya siya hinila ng kaibigan niya papunta sa CR.

"Calm down Shana okay? Hindi ako makalapit sayo e. Mamaya pagjujumbagin mo ako diyan" Sabi ng kaibigan niyang napakalayo sakanya. Pinaypayan niya muna ang sarili niya bago kumalma tska lumapit sa kaibigan.

"Grabe, nagutom ako Wayne" natatawang sabi niya sa kaibigan na pinanlakihan siya ng mata.

"Oh fuck! Cut that Wayne, its so eww" nag akto pa itong nasusuka na kaagad niyang tinawanan.

"Excuse me lang ha. Ire-remind lang kita. Baka kasi nakakalimutan mo na Ewwayne Lhey ang pangalan mo. Kinakarer mo lang talaga yung Ewwa." Pang-iinsulto niya sa kaibigan.

"Sige! Asarin mo pa ako, hindi na kita tutulungan diyan sa martyr mong crush. Bwesit ka!"

"Huy biro lang yun nu! Grabe, ang taray ng eksena mo kanina ha."

"Tss. Ganun dapat nu para hindi naman lumaki yung mga ulo nun! Hindi porket gwapo sila mamumula na ako agad sa harap nila" Pang-uuyam sa kanya ng kaibigan niya.

"Uyy! Kay Kenly lang ako nag blush nu! Grabe ang gwapo niya talaga"

Pagkatapos nilang mag ayos ay dumiretso na agad sila sa canteen at naghanap ng upuan.

NAKAPILA ang magkakaibigan sa counter para bumili ng pagkain nila.

"Bakit kaya hindi pumasok si Aeyyah pre. First day na first day. Tsk" Hindi mapigilan ng binatang mag isip kung bakit hindi pumasok ang dalaga.

"Baka nasa byahe pa o kaya naman next week pa siya papasok. First week palang naman, puros lang yan pagpapakilala tska orientation" liningon niya si Grexs. Sa kanilang magkakaibigan, si Grexs yung malawak ang pang unawa. Mature na ang utak nito at ito din ang tumatayong Kuya sa kanila ni Yunnie.

"I think so pre"

Pagkatapos nila mamili ay naghanap agad sila ng upuan. Medyo madami na ang estudyanteng nasa loob ng canteen at medyo puno na din ito.

"Bakit kasi sumama kapa Kenly, dapat naghanap kana lang ng mauupuan natin. Putsa naman o, nanganalay na ako" reklamo ni Yunnie habang may dalang tray.

"Shut up dude. Hindi lang ikaw ang nangangalay diyan" kung wala lang hawak si Grexs malamang nabatukan niya na si Yunnie.

Habang nagsasagutan ang dalawa niyang kaibigan ay napako ang paningin siya kay Shana habang nakaupong tumatawa. Hindi alam ng binata pero ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya maalis ang paningin siya sa dalaga habang masayang tumatawa.

Damn, what's happeningTanong niya sa sarili.

"O, ayon sila Shana oh! Tara makiupo nalang tayo" agad siyang natauhan sa sinabi ni Yunnie. Tiningnan niya naman si Grexs na ngingiti-ngiti sa kanya. Binigyan niya ito ng nangunguwestyon na tingin pero inilingan lang siya nito at agad naglakad patungo sa dalawang dalaga.

"Hi Ewwa and Shana. Pwede makishare ng table? Wala na kasing available na table e" nakangiting tanong ni Grexs sa dalawang dalaga.

"Yah, its fine. Take a sit" tinuro ni Ewwa yung upuan na nasa harapan nila.

Agad silang naupo at kumain. Habang kumakain ay nagku-kwentuhan sila Yunnie at nakikitawa nalang siya kapag may nakakatawa.

"So, where are you staying?" Tanong ni Grexs sa dalawang dalaga. Hindi man siya nakatingin pero nakikinig siya at naghihintay ng sagot ng dalaga.

"Uhm, diyan lang sa Victoria woods. Magka-subdivision kami ni Ewwa pero medyo malayo yung bahay nila sa amin." Hindi niya maiwasang tingalain ang dalaga.

"Wow! Seriously? Taga Victoria woods din ako e" sabat ni Yunnie.

Pagkatapos nilang kumain ay sabay-sabay na silang umakyat ng building dahil maka-kaklase naman sila.

Komportable na sila kung mag usap-usap. Tila magkakaibigan na ang mga ito.



A/N: What can you say about this? Keep reading guys <3

My Ex Ex ||ON GOING||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon