Chapter 3

1 1 0
                                    

HANGGANG hapon ay inaabangan pa din ng binata ang pag dating ni Aeyyah ngunit ni-aninu nito ay wala.

Nag usap-usap lang ang mga kaklase nila kung sino ang gagawing officers ng section nila.

Hindi mapigilan ni Shana na magnakaw ng tingin sa binatang katabi niya. Nakatulala lang ito sa may pintuan at alam ni Shana kung sinong inaantay nito.

Ganun mo ba siya kagusto para hindi mo ako mapansin? Malungkot na tugon niya sa sarili.

Napabuntong hininga na lamang siya habang nakikinig sa maiingay niyang kaklase. Nangunguna sa kaingayan ang best friend ni Kenly na si Yunnie.

"Oh walang OP OP diyan ha! Huwag na kayong magkahiyaan, baka nga bukas may mag dyowa na dito e" Napapahagalpak ang ibang kaklase niya sa kalokohan ni Yunnie.

Liningon niya ulit ang binatang nakayuko na ngayon. Nangunot ang noo niya na makitang malungkot ito.

Ano namang ini- emote ng poging to? Tsk.

Bahagya siyang napatalon sa kinauupuan ng magtama ang mga mata nila, lalo na ng ngitian siya nito.

Shit! Don't be like that Kenly, please.

"What's with that look Shana? Are you okay?" Natatawang tanong niyo sa kanya.

"H-ha? Of course I a-am" ramdam niya ang pamumula ng mukha niya. Peste naman oh! Bakit ba ganito palagi epekto mo sa aking lalaki ka.

Hindi maiwasang mapangiti ng binata sa inaasal ng dalaga. Palagi nalang itong nauutal at namumula tuwing kinakausap niya.

"Then why are you staring at me for almost five minutes?" Nakangising tanong niya kay Shana na ikinagulat niya.

"Na-nakita mo?"

"No. I just.. Feel it"

Hindi makasagot si Shana Kay Kenly na nakangiti sa kanya. Tinitigan niya lang ito. Matangos na ilong, makapal na mga kilay, may kasingkitang mga mata, medyo mahabang mga pilikmata, tska... Mapulang mga labi.

"Shana! Shana! Still there?" Nakabalik lang siya sa sarili niya ng yugyugin ni Kenly ang mga balikat niya.

"What? Ayos kana?" Tanong ulit ng binata.

"H-ha? I'm fine. Medyo may iniisip lang" Napapakamot sa batok na sagot niya.

"What are you thinking then?"

Ikaw.

"Ikaw" Sabay na napalingon ang dalawa kay Ewwa na nakangisi. Agad naman siyang pinandilatan ng mata ni Shana.

"What do you mean?" Hindi maiwasang tanong ng binata.

"I mean, ikaw. What are you thinking? Ganun" sabay irap ni Ewwa at talikod sa kanila.

"Pagpasensyahan mo na yan ha, may sapak talaga yan madalas" bulong niya kay Kenly para hindi siya marining ni Ewwa na katabi lang niya.

"I think so. Can I borrow your notes? Hindi ko kasi nasulat yung schedules natin" nakangiting sabi ng binata sa kanya.

"Of course. Here" iniabot niya kay Kenly ang pink notebook niya na may schedules nila.

Napatitig siya kay Kenly ng bahagya itong natawa.

"Nakakahiya naman yung sulat ko sa sulat mo. You have a good hand written Shana, nice to you" Hindi makapaniwalang sabi ni Kenly Kay Shana. 

Totoo namang maganda ang sulat kamay ni Shana, hindi ngalang siya maka paniwala na pupurihin ito ng binata.

"Ganiyan na sulat ko since grade five. Tinitingnan kasi ni mama lahat ng notebook ko noon e" Nahihiyang sagot niya sa binata.

Agad na napatingin si Kenly kay Shana. Medyo nawala na ang pagkautal nito na ikinangiti niya.

Its nice to see that  you're comfortable to talk to me now. Sa isip niya lang iyon nasabi dahil baka mailang na naman sa kanya si Shana.

"Istrikto ba parents mo? Masyado ka naman yatang masunurin at mabait" Tanong niya kay Shana habang pinagpatuloy ang pagsusulat.

"Uhm. Hindi naman sila istrikto, mabait lang yata talaga ako" natatawang sagot ni Shana Kay Kenly.

Hindi naman talaga istrikto ang mga magulang niya, sadyang mahal niya lang ang mga ito kaya nagpapaka responsable siya.

"Nice. Good girl na good girl a" Natatawang sagot ni Kenly kay Shana.

"Ehem. Kasalukuyan pong nag susulat si Mr. Shawn habang hawak ang notebook ni Ms. Llantero. Kapwa din sila nag-uusap na parang walang ibang tao sa mga paligid nila" Pahayag ni Yunnie gamit ang kamay na ginawang mikropono.

Napalingon si Shana at napatigil naman sa pagsusulat si Kenly.

"Ugok ka talaga. Nakita mong nagmo-moment yung dalawa e" Sabay batok ni Grexs kay Yunnie. Agad namang namula ang mukha ni Shana kaya napayuko siya.

Peste ka Grexs. Masyadong kang straight forward. Lol

"Manahimik nga kayo diyan. Nagsusulat ako o, can't you see I'm busy?" Singhal ni Kenly sa dalawang kaibigan.

"Wow! Busy. Big word yun Mr. Shawn ha. Ngayon ka lang yata naging busy" pang-uuyam sa kanya ni Yunnie.

Binigyan niya ito ng batok na ikina daing nito.

"Kayong dalawa! Palagi niyo nalang yinayanig ang utak ko. Bwesit kayo!" Sabay himas sa ulo ni Yunnie. Tinawanan lang siya ng kaibigan niya.

"Manahimik ka kasi minsan pre. Ayos lang yan, wala din naman yatang laman yang utak mo" pang-aasar pa lalo ni Grexs kay Yunnie. Binigyan lang siya nito ng masamang tingin.

Agad silang napatayo ng tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang klase nila.

"Bilisan mo diyan Shana ha. Ihing-ihi na ako ha!" Agad niyang pinagsasalpak sa loob ng bag niya lahat ng gamit niya.

"Toyo ka talaga e nu? E kung umihi kana kaya kanina edi sana walang iniinda yang pantog mo ngayon?" Pangsesermun niya sa kaibigan niya sabay sukbit ng bag.

Nagtatalo ang mag kaibigan sa harapan ng tatlong lalaki. Hindi makapaniwala ang tatlo na nagtatalo ito dahil lang dun at mismong sa harapan pa nila.

"Bilisan mo nalang kasi" pagmamadali ni Ewwa kay Shana.

"Letse! Oo na!"

Maglalakad na sana ang dalawa nang makita silang tatlong nakatingin sa kanila.

"Oh ano? Gusto niyo pa yatang makitang naiihi ako sa harapan niyo. Tatabi kayo diyan o tatadyakan ko kayo?" Napangiwi nalang si Grexs sa kasupaldahan ni Ewwa. Agad namang tumabi si Yunnie at Kenly.

"Una na kami guys ha. Ingat" paalam ni Shana sa kanila habang nakangiti.

"Tabi" sabay danggi ni Ewwa kay Grexs para tumabi ito.

"Ingat Shana" pahabol pa ni Yunnie na nginitian nalang ni Shana sabay sulyap kay Kenly na nakangiti. Shak! Nakaka in love.

Agad silang pumasok sa kotse pagka dating sa parking lot. Si Ewwa ang nagmaneho dahil sa kanya ito. Sinundo siya nito sa kanila kaya dapat siya din ang mag hahatid sa kanila. Yun ang kaisa-isang tugon ng mga magulang niya sa lahat ng sumusundo sa kanya.

A/N: ShaKen na ba? Keep reading guys. Thank you <3

My Ex Ex ||ON GOING||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon