Dedicated po ito sa lahat ng taong nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang.. Sorry po. Ipinangako ko ito sa kasunod na araw matapos kung iupdate yung una, Sorry po kung ngayun lang! busy po talaga eh!~ ang hirap mag-update! hindi ko na nga din magawang mag facebook! WAAAAAAAAAAA! sagana na ako sa EYEBAGS! 0___________0
So ito na po ang kasunod! :)
enjoy!
________________________
Papatulog na sana si Aica ng maalala niya ang dilaw na papel. Agad siyang bumangon at kinuha ang bag niya sa side table. agad niyang nakapa sa bulsa ang papel. binuksan niya ang ilaw upang mabasa ito.
"You have it all, even my heart you captured it. Sorry if I'm talking to you like this. Sorry if I don't have the guts to tell you who I am. Sorry my princess. I'm too coward to tell that I was falling harder and deeper for you every single day. Just remember I'm always here! Supporting you. Loving you but still not noticing me.
I love the way you sing.
I love the way you smile.
I love the way you look at me,
(even if it's a cold one.)
Just smile Aica, it makes you more beautiful.
-MVP <3"
napaka lawak ng ngiti ni Aica, pakiramdam niya ay mapupunit ang kaniyang bibig sa pagkakangiti. Agad siyang nagpabalibalikwas sa higaan at niyakap ang unan kasabay ng pagkagat labi. hindi niya alam ang nararamdaman niya, kilig? saya? tuwa? o lungkot? pinaghalo-halo na siguro. nalulungkot siya sa pakiramdam na hindi niya ito nakikilala, pero ang pakiramdam niya ay napaka lapit lang nito sa kaniya.lumipas ang mga araw, nalalapit na ang paglaban niya sa isang singing contest. patuloy ang nagpapadala sa kaniya ng sulat. isa ito sa dahilan kung bat siya sumali sa competition. ito ang pumilit sa kaniya, sa pamamagitan ng bawat sulat nito, at nangako itong magpapakilala siya pagkatapos ng competition.
ginawa niyang inspirasyon ang taong nasa likod ng bawat sulat na natatanggap niya.
Aica: malapit ko ng kaharapin ang fears ko! malapit ko na ring harapin ang taong dahilan kung bakit ako may lakas ng loob sa competition na ito. paghahandaan ko!
____________________
"Aica, ready ka na ba?"-kuya
"Yeah"-pero halata namang kinakabahan ako! kanina pa ako hindi mapakali.
"Wag kang kabahan.. okay? andito lang kami. smile ka lang palagi!"-tinapik niya ang likod ko, at tumuloy na sa labas ng back stage upang manuod sa harap ng stage.
inayos ko ang white/blue dress ko, ibinagay kasi ni ninang yung sout ko sa kakantahin ko daw!
"And know let me call on the contestant number 3.. Ms. Aica Florez!"
lahat ng tao ay tila nagulat sa paglabas ko, hindi nila alam na sumali ako sa competition na ito, walang may alam. kadalasan bago magsimula ang taong kakanta, ay palakpakan muna ang iyong maririnig. ngunit bulungan ang umalingawngaw matapos ng matagal nilang pananahimik.
lalong nanginig ang boung katawan ko, pakiramdam ko ay hindi sila sang-ayon sa pagsali ko, sino nga ba naman ako diba? lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko ng magsimula ang intro ng kanta. umupo narin ako at sinimulan ang pagtugtug ng piyano. pinilit kung ilagay sa konsentrasyon ang sarili ko, at pinilit na huwag magkamali. ngunit hindi ako nagtagumpay. nagkamali ako sa pagtipa ng mga chords sa unang bahagi at hindi ko nasabayan ang background na instrumental ng kanta dahil sa pangingilig ng kamay ko! itinigil ko ang pagtugtug at tumigil din ang background music.