Chapter 2

364 8 1
                                    

Cold 

"Cold, aatend tayo ng isang business party."

Napatingin naman ako nun kay dad, si dad na lang ang kasama ko. Pano kasi nung bata ako napaka babaero ni dad. Kaya si mom ayun lumayas na lang ng bahay, sa totoo lang niyan ako ang kasama nun ni mom.

Pero dahil ako ang pinaka bunsong anak nila at wala pang asawa gusto ni dad na ituro sakin ang mga gamay sa negosyo. Kaya naman si mom pumayag, kakalerkie nga sila eh. Mahal naman pa rin naman ang isa't isa pero ayaw mag balikan.

"Yes dad."

Pagkasabi ko nun umakyat agad ako sa kwarto ko, pano kasi pagkarating na pagkarating ko palang si dad agad ang nakita ko ayun nilecturan nanaman tuloy ako.

Strictong tatay ang paderlalu ko, kaya nga ayaw kong umamin na jukla aketch eh. Kasi pag nalaman niya panigurado makikita na lang ang aking dedu na beauty sa ilog pasig.

Pagkarating ko sa kwarto naligo agad ako at nagbihis pagkabihis ko, binuksan ko agad ang computer ko.

Pagbukas ko nakita ko ang friend request nung bwiset na babaeng yun, pero pagtingin ko sa fb niya napaka unti ng picture niya karamihan ay tag lang.

At ang nag iisang uploaded niyang picture ay ang profile picture niya, pero yung picture niya ay parang kasama niya ang nanay niya ata.

Pero isa lang ang napansin ko na ang lungkot ng ngiti niya, teka teka lang. Bat parang nagiging lalake aketch.

Nalelerkie talaga ako sa babaeng yun, tuwing nakikita ko siya parang nagiging tuwid ang utak ko. Letche talaga ang babaeng yun, sarap itapon sa ilog pasig.

KINABUKASAN 

"Cold, let's go."

Tsk, let's go let's go pero let's go bat kaya di niya try ang let it go. Di biro lang, ang corny ko talaga ang hilig ko kasi sa corn eh. 

Pagkarating sa party, ang daming mga taong usap ng usap na tungkol sa negosyon. Para nga silang mga tanga eh, pano nag plaplastican lang naman silang lahat.

Naupo naman kami sa isang upuan, pagkatapos umalis agad sa upuan namin ang paderlalu ko. Pano may kakausapin daw siya na mga friendlalu japeyk niya.

Mga ilang segundo lang ay may dumating na lalake na may kasamang babae, siguro mga nasa late 40's sila. May kasunod din silang babae na di ko makita ang mukha.

Papunta ata sila sa pwesto namin, at di nga ako nag kamali. Dahil dito nga sila umupo samin, bigla naman ako nagulat ng makita ko yung mukha nung babae.

Siya yung baliw na tomboy na butiki na sunod ng sunod sakin, nakita ko naman na nagulat rin siya pero agad naman din siyang nag poker face.

"Oh cold your here."

Sabi sakin ni tita eunice, actually kilala ko talaga yung magulang niya pero siya hindi.

"Good eve tita and tito."

Pagkasabi ko nun ay kiniss ko sa pisngi si tita at nag shake hands naman kami ng kamay ni tito charles.

"Lalo kang gumagwapo iho."

CHE, gumaganda ako at hindi gumagwapo intendes?

"Thank you."

Dumating naman bigla si dad kaya nag usap na ang tatlo samantalang kaming dalawa ay tikom ang mga bungangey.

Mga ilang segundo lang ay kumain na kami at bigla kong napansin na parang di masyadong makakain si tomboy na butiki. 

Kaya naman tinulungan ko siya hiwain yung karne.

"Thank you iho sa pag tulong sa anak ko."

Sabi ni tita Eunice.

"Tsk, di ba ilang ulit ko na din tinuran humiwa ng steak. Di ka pa rin ba marunong?"

Inis na sabi ni tito Charles.

"Marunong na po ako, matigas lang po talaga yung karne."

Mahinhin na sabi niya.

"Tsk, more study."

Pagkatapos nun, kumain na siya ulit pero sa buong party na pansin ko na lagi siyang pinapagalitan ng daddy niya. 

Nung umalis na yung mga magulang namin bigla akong nag salita.

"Ngayon ko lang nalaman na napaka strikto ni tito Charles." 

Ngumiti naman siya sakin.

"Naiistorbo ba kita? Sorry ah, saka sanay na rin talaga ako kay dad."

Sabi niya naman.

"Kaya pala ang lungkot ng mga ngiti mo."

Bigla naman siyang ngumiti ng malungkot.

"So napapansin mo talaga ang ngiti ko ah, ano friend na tayo?"

Tanong niya sakin, ngumiti na lang ako.

"Oo na po."

Bigla naman nag ningning ang mga mata niya.

"Talaga?"

"OO nga eh."

"Yehey."

The Gay PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon