AKALA

42 4 4
                                    


Hello there! I'm not good in writing stories po lalo na sa pag eenglish kaya sorry po sa mga pagkakamali ko hehe. Correct me if I'm wrong po. Gusto ko lang talaga mag sulat pag walang magawa. Thankyow!! :)

-------------------------------------------

Goodmorning baby thene"

Nagulat ako ng biglang magsalita si Nathan sa gilid ko. Akala ko tulog pa sya. Napangiti ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Goodmorning din baby" sabi ko

"Baby kailan kaya tayo magpapakasal?" Biglaang tanong nya

Medyo nagulat ako at natuwa sa sinabi nya.

"Hmm! Magpropose ka muna kaya?" Sabay tawa ko ng mahina.

"Osige basta ba mag yeyes ka."

"We'll see baby. Hahaha"

Napasimangot sya sakin, nginitian ko lang sya sabay sabing "I'm kidding baby" then I kissed him on his lips. Kalahating oras din kaming nakahiga habang magkayakap bago bumangon at kumain ng almusal.

Pagtapos kumain, naligo ako at nag ayos ng susuotin para sa pagpasok sa opisina. Inihanda ko na din ang mga susuotin ni Nathan para sa business meeting nya, bigla akong nakaramdam ng hilo at parang hinahalukay ang tyan ko. Kaya naman tumakbo agad ako sa kusina para doon sumuka dahil nasa banyo si Nathan. Bahagya akong nagulat ng may humawak sa likod ko at inabutan ako ng tubig.

"Baby anong nangyari ayos ka lang ba?" Sabi ni Nathan sa nag aalalang boses.

"Nahilo ako eh, tas bigla nalang akong nakaramdam ng pagsuka" sabi ko sabay mumog ng tubig na binigay nya.

"Wag ka na muna kayang pumasok? Magpacheck up tayo tas magpahinga ka nalang dito." Sabi nya habang hinahagod ang likod ko.

"No baby i'm fine. Nahilo lang talaga ko."

"You sure?" Tanong nya kahit nag aalala pa din sya sakin.

"Yes baby. Are you done? Come on. Baka malate ka pa sa meeting mo."

"Ok!" Sagot nya kahit labag sa loob nya.

Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa opisina.

"Bye baby. Ingat sa pagdadrive ha." Then I kissed him.

"Yes baby. Call me pag nahilo ka nanaman ha or pag nasuka ka."

Tumango ako at kinawayan sya. "I love you" I said.

"I love you too" sabay kaming umalis. Pumasok na ako sa opisina, naging maayos naman ang lagay ko. Ngunit pag dating ng hapon ay nahilo nanaman ako at nasuka. Hindi ko na kaya so I called Nathan. Nanghihina na ako.

"Baby are you done with your meeting? I'm not feeling well. Pasundo naman."

"What happened? Nasuka ka nanaman ba? Wait for me, patapos na to. Magpapacheck up muna tayo bago kita iuwi."

"Sige baby. Dalian mo ah." Pagtapos, pinatay ko na ang tawag at yumuko ako sa aking table.

Minutes later. "Ma'am Thene, nandyan na po si Sir Nathan sa labas."

"Ok. Ikaw na muna bahala dito ha, masama kasi pakiramdam ko. Thanks!"

Pagkaalis, dumiretso agad kami sa clinic buti nalang wala pang masyadong tao.

"Ma'am you're 3 weeks pregnant." Sabi nung doctor. Nawala yung panghihina ko ng dahil sa aking narinig. Sobrang saya ng nararamdaman ko.

"Yes! Thank you doc." Wika ni Nathan sa doctor habang bakas sa kanyang mukha ang sobrang kaligayahan.

AKALAWhere stories live. Discover now