"KYYLLLEEE!. . . . KYYYLEE!!!!!!!"
"Opo... heto na po" sabi nang magpapahinga lang sandali, eto naman si Nana kung makatawag parang nasa kabilang baryo ako galing. Hirap pa naman tumakbo sa buhangin at basa pa yung paa ko.
"San ka ba galing bata ka?" sabay lagay nang mga kamay sa bewang "Kanina ka pa hinahanap nang mama mo, maraming guest ngayon sa resort. Bilisan mo nang pumasok at akoy pupunta pa nang palengke."
"Opo Nana, tsaka wag niyo pong kalimutan yung bilin ko po ahh? hehehe" sabay takbo papasok nang bahay.
Ako nga pala si Skyler Fegarro, KYLE for short, 21 yrs old, nag-aaral sa isang kilalang unibersidad sa Maynila. Pero andito ako ngayon sa Probinsya dahil sa tatlong (3) rason.
1. Kailangan kung umuwi dahil pag hindi pagagalitan aq nang nanay ko.
(Mama's boy ba? hindi naman, mahal ko lang talaga nanay ko hehehe)
2. Kailangan kung tumulong sa negosyo namin.
(May resort kasi kami. hindi naman sya engrande pero pwede na rin syang pang tapat sa dagat nang Boracay at Palawan)
3. Wala na rin akong gagawin sa Maynila, pag natapos ko na itong papers ko ga-graduate na ako ngayong October at pag-aaralan ko na rin kung paano patakbohin tong negosyo namin.
Kung nagtataka kayo kung sino si Nana siya yung nag-iisa at pinakapaborito kung yaya, at siya na rin nag-alaga kay mama nung bata pa, kaya naging matandang dalaga nalang siya at kami na ang tinuring niyang pamilya.
"Eto gwapo na! hmmmm... parang may kulang? san ko ba nalagay yun" hanap...hanap. ayooon! nakita ko na yung gel pandagdag pogi points din to hehehe pagtingin ko sa relo "Anak ng! late na ako. . patay tayo neto!" sabay karipas nang takbo. Hindi kasi iisa yung bahay at resort namin kailangan ko pang sumakay nang barko papunta doon.
ehehehe joke lang pero malapit lang naman hanggang sa nakarating na ako at......
BOGSH!!!!!!!!
at nakabangga po ako, yung mga dala niyang gamit tumilapon pa, buti nalang puro damo yung nabagsakan namin.
"Naku Miss! sorry.. hindi kasi ako nakakakita este hindi kasi kita nakita. Sorry talaga" Naku naman parang customer pa yata namin to. Tinulungan ko na baka masabihan pa akong di gentleman.
"HOY! KYLE! Kanina ka pa hinahanap nang mama mo, sobrang dami na nang guest ohh baka naman may plano kang tulungan kami?" sigaw nang kaibigan kong si Jun, medyo marami rin kaming nagtatrabaho dito ngayon kasi summer na at ang daming guest, fully booked na nga ehh.
"oo na, teka lang naman" inayos ko pa yung damit ko pero pagtingin ko, hala yung babae, san na? hindi naman siguro yun galit diba?
Pumasok na ako at WOW daming tao, yung mga empleyado halatang sobrang busy yung iba pa nga natataranta na.
Nakitako si Mama "Buti andito kana, kanina pa kita hinahanap. Pakilinis yung mga kwarto at yung mga gamit paki-akyat mo na rin" sabay bigay nang mga gamit panglinis, akala ko tapos na pero "Nak, yung pool wag mong kalimutan pakilinis na rin hehehe love you." Nako naman, masimulan na nga baka dumami pa yung utos.