Prologue

29 0 0
                                    

Camera Roll..

I Had Fallen ... the word "had" is a past tense meaning nangyari na, napagdaanan na and worst, tapos na same as with "fallen". 

Yeah it was months ago ng malaman ko na gusto ako ng taong gusto ko, na ang taong gusto ko at ang kinamumuhian ko ay iisa at lahat ng meron kami ay patikim lang... patikim dahil kinuha din naman siya agad sa akin. He was forcefully taken away from me that I don't have any choice but to let go of him.

Masakit? That time oo, hindi ko pa naman siya naramdaman nun mga 1 or 2 weeks dahil ayaw pa tanggapin ng utak ko na wala na siya. Then it striked me ng marinig kong sabihin ng kaibigan ko sakin "... friend hindi na siya babalik, wala ka ng hinihintay habambuhay". Same feeling ng namatay si ate Mika at Mama, eksakto.

Masakit pa din ba ngayon? Hindi na--- at sinong niloko ko? Magtatatlong taon na pero ramdam ko pa din ang sakit, walang nagbago, mahal ko padin siya. 

Hindi ka ba nagkakagusto sa iba? Ha! Siyempre hindi! Kahit naman noon wala na talaga sa bokabularyo kong nagkakagusto sa iba. Alam mo yun feeling na gusto mong tumingin sa iba pero wala pa din? Ganun! Eksakto!

Paano kung mainlove ka? Di ako prepared sa tanong mo actually, pero kung mangyare man yan [which is impossible dahil nga sa sagot ko kanina sa tanong nya] I don't think i can love him the way i love my first love, at ayokong maging unfair sa kanya if ever mangyare yun. If magmamahal ako gusto ko dahil mahal ko talaga siya at hindi dahil gusto ko ng makalaya sa nakaraan.

Kahit kasing gwapo ni G-Dragon o Nickhun ang mainlove sayo? Hayy anuba ibang usapan na yan---TEKA!! 

Sinapak ko naman agad si Innocencio matapos kong marealize 'tong pinapagawa niyang favor sakin, lokong bading 'to! Nadala ako sa interview chuchu niya =_=

"Naku besh! Panigurado one of this days may magpapatibok na diyan sa tigang mong heart! Ayy!" Kinikilig niya pang sinabi.

"Para saan ba 'tong interview ek-ek mo? Pinatitripan mo ba ako?" 

"No no no beshayy! Actually you did good para 'to sa thesis report namin you know malapit na tayung magfourthyear kaya need ko magsipag! huhuhu!." Kaya pala, gusto ng grumaduate ni vakla. 

Pero napaisip ako sa mga naitanong at sa mga naisagot ko sa kanya kanina, lahat yun sobrang totoo at galing talaga sa puso ko. 

"Paano kung mainlove ka?" 

Love once found me, isang beses pa nga lang nawala naman din agad sa paningin ko. It's so surreal. 

It has it's own way...

 at wala akong balak magpahanap dito sa ngayon. 

- Ysabella Melissa Suarez

____________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Found Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon