Prologue

0 0 0
                                    


Love can make you happy. But the more you gave much love, the more you'll be hurt in the end.

Naglakad lakad ako para kahit papaano ay malibang ko ang aking sarili. Nasilayan ko ang maingay at mga taong pabalik balik at namamasyal rin katulad ko. Ganito pala ang mundo sa labas? Malayo sa mundong kinasanayan ko. Maingay, maraming tao, nakakaakit na kulay ng mga bulaklak,sariwang hangin, at ang nakakaakit na kalangitan at sinag ng araw na tumatama sa buong paligid.Malayo sa mundo ko kung saan tanging gadgets at pagtulog lang yung ginagawa ko.Halos liwanag lang na nagmumula sa ilaw sa kisame at hangin lang galing sa electric fan yung nalalanghap ko. Habang pinagmamasdan ang kabuuan ng paligid ay napagpasyahan kong umupo sa isang bleacher dito sa park. Muli kong iginaya ang aking mga mata sa buong paligid.

'Ang sarap pagmasdan ng mga bagay dito, nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. Ang sarap huminga' sambit ko sa aking isip.Matapos pagmasdan ang nakakaakit na paligid ay kinuha ko ang aking cellphone sa maliit na bag na dala ko at pinindot ang  screen password. Hinanap ko ang camera app at kinuhanan ko ng litrato ang aking sariling nakangiti. Habang pinagmamasdan ko ang aking sariling mukha ay napansin ko ang ngiti sa aking mga labi. Ngiti na ngayon ko na lang muling nasilayan matapos ang sakit na dulot nya.
Sakit na naiwan at naranasan ko ng dahil sa kanya. 'Nakakamiss yung ngiting to nawala to ng matagal na panahon at ngayon ko na lang ulit ito nasilayan'pagpupuri ko sa aking sarili habang nakangiting pinagmamasdan ang aking litrato.Nang makuntento ay pinindot ko ang homescreen at muling ibinalik ang phone sa aking bag. Tumayo ako at nilibot ko ang kabuuan ng parke.

Destined to be BesfriendsWhere stories live. Discover now