Natapos ang maghapon ng first day of school namin na walang ginawa. Busy pa daw yung mga teachers kaya ganun di nila kami nagawang puntahan sa room namin. Hindi naman ako nabored kasi andun si Kim, well sino nga bang mabobored sa babaeng yun? Ang daldal, daming kwento, masaya kasama, kalog but sometimes yung mga kwento nya hindi ko na lang pinapakinggan. Madalas kasi about lang sa mga like boys nya or minsan mga kabaliwan na ginagawa nya. But besides that, i think im lucky because i have a bestfriend like her. She's always there for me. Kahit na madalas puro biro sya alam ko namang may pino-point out din yung mga sinasabi nya.
Dahil wala naman kaming ginawa maaga kaming pinalabas sa school. I texted Mom para sya na lang yung sumundo samin ni Kim. And after a minutes of waiting, nakita ko si Mama na bumaba at lumapit ss school gate kung nasaan kami.
"Oh how's your day? Pabungad a tanong ni Mama.
'Okey lang po, tita medyo bored lang po, wala pa po kase kaming ginawa kanina nagkwentuhan lang kami ni Ria'nauna nang sagot ni Kim. Tanging ngiti na lang ang naisagot ko kay mama pagsang-ayon ko na rin sa sagot ni Kim. Sumakay na kami sa kotse at nagsimula na si mama na i drive iyon. Habang nasa byahe ay nagkukwentuhan lang si mama at kim ng mga nangyari sa school kanina."Tita alam nyo po ba, ang gwapo nung lalaki kanina dun sa school ohmayghaadd!!patiling sambit ni Kim. Napatingin na lang ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay iniisip nya din pala yun kagaya ng ginagawa ko. Bakit ko nga ba sya iniisip? Tsk, that handsome face. Damn. Painis na sabi ko sa aking isipan. Naku kayo ha! Wag munang ganyan firstday palang ha, pabirong sabi ni mama. Naubos ang oras nila mama at kim sa pagkukwentuhan, nauna na naming inihihatid si kim sa bahay nila at tsaka kami dumiretso pauwi ni mama.
"Oh, ba't tahimik ka yata Ria? May problema ka ba? Pambabasag ni mama sa katahimikan." Ah wala po mama medyo napagod lang po ako dahil kanina agad na sagot ko.
Nakarating kami sa bahay at nag diretso agad ako sa kwarto ko. Tamad na ibinagsak ko ang aking katawan sa kama dahil pagod na pagod talaga ako. Pagkatapos ng ilang minutong pag kakahilata ay tumayo ako at binuksan ang electric fan tsaka nagpalit ng damit. Matapos ang pagpapalit ay muli akong humiga at tumitig sa puting kisame, bigla na namang sumagi sa isip ko yung lalaki. Shit! Pasigaw na sambit ko. Bakit ka ba pabalik balik sa isip ko ha! Sino ka ba? Kinuha ko ang unan sa gilid ko at itinaklob yun sa mukha ko nang mapagtanto na kinakausap ko na ang sarili ko. Dumapa ako at isinubsob ang aking mukha sa unan para kahit papaano ay mabawasan ang inis na nararamdam ko. Bumaba ako sa kama at lumapit sa lugar kung nasaan ang bag ko at kinuha doon ang phone ko. Binuksan ko ito at nilagay ang password sa homescreen. Napagdesisyunan kong mag open ng facebook account ko. Habang nag-iscroll ng newsfeed ay biglang tumunog ito at may friend request akong natanggap. Pinindot ko ang pangalan ng nag friend request at nabigla ako sa nakita ko.
1 friend request
Bryle Josh DeguzmanShit! Syaaa tooo!! Patiling sigaw ko. Tinakpan ko ang bibig ko dahil baka marinig ako ni mama.
Pilit kong pinaklama ang sarili ko. Okey! Breath in, breath out! parang baliw na sambit ko sa aking sarili.
Nang napakalma ko ang sarili ko ay muli akong humiga sa kama paano kaya nya nalaman yung pangalan ko? Walang gana kong tanong sa aking sarili.
YOU ARE READING
Destined to be Besfriends
Non-FictionLove can make you happy. But the more you give much love, the more you get hurt in the end.