Chapter 10: Unattended Revelation

546 22 6
                                    

Cleo’s POV

Hindi ko alam kung may pagka-fortune teller itong bestfriend kong si Rina, pero nahulaan niya na sa mga susunod na araw eh hindi daw ako makakatulog sa gabi.

At eto na nga, tinamaan na ako ng matinding insomia na hindi ko maintindihan kung anu ang dahilan.

10:00pm na at hindi pa ako dinadalaw ni An. As in ANTOK. Kaya naman pupunta ako ngayon sa aking Safest Haven. Dito kasi ako pumupunta kapag hindi ako niaaantok.

Dito sa playground na malapit lang sa bahay namin.

Pero pagkarating ko doon, hindi pala ako nag-iisa. Nakita ko si Marco, vocalist na pinakasikat na banda sa school namin.

Tinabihan ko siya sa swing.

“Hi.. Bothered?” nilingon niya ako at tumango siya.

Huminga ako ng malalim. Pareho pala kame. Nagulat ako kay Marco nang bigla siyang nagsalita.

“alam mo ba kung gaano kaikli ang buhay?”

>.> napalingon ako sa kanya ngunit nagpatuloy siya nang hindi pa ako sumasagot sa kanya.

“Hindi mo yun malalaman unless malaman mo na ang lahat ng nasa saiyo ay hindi permanente.”

Ugh. I really cannot understand what Marco is trying to say. Uwaahh! Sa madaling salita, WALA AKONG MAINTINDIHAN!! Waa. Teka kanta ba yun?

“isa lang ang narealize ko ate cleo. Kung mahal mo ang isang tao, wag mo siyang hahayaang mawala saiyo, you’ll never know kung kelan siya babawiin ng Diyos sa iyo...”

Aba, parang may pinag huhugutan ata itong batang ito ah.

“Ahem. About saan ba yan bro?” may feeling ako na about yan kay—“

“Kay Genie... 5 months na lang daw siya as per the doctor” ang biglang sabat ni Marco. Aw. Sabi na nga ba tungkol yan sa sakit ni Genie. Naikwento na sa akin yan ni Genie dati nung nasa Mt. Pulag kami eh.

Tinitingnan ko siya at nakita ko sa mata niya kung gaano siya kalungkot.

“Alam mo bro, tama yung sinabi mo. Hindi naten alam ang takbo ng buhay. Kaya naman, do everything you can to make the rest of her days happy.”

Nakita kong lumingon siya sa akin at nakiya kong nag enlighten ang kanyang mukha.

“Tumingin ka sa langit Marco. The stars that you are seeing right now are the stars that Genie is seeing right now. Feels so near right?”

Nakita kong lumapad ang ngiti ni Marco.

“Ganun din kapag oras na ni Genie. Maaring hindi naten siya makasama ngayon pero alam naten na malapit lang siya. Always remember the starts.” Ngumiti ako sa kanya.

Napalingon si Marco sa sinabi ko. “Thanks ate cleo ah. Napagaan mo ang loob ko. Hindi ka pa ba aalis? Pupuntahan ko kasi si Genie sa bahay nila ngayon baka gising pa siya.”

“No its ok. Papaantok lang ako dito sa swing.” Ang sagot ko kay Marco nang may kasamang ngiti.

Nagsimulang tumayo si Marco sa swing at umalis na sa playground.

Nang ako nalang mag isa, tiningala ko yung kalangitan. Ang peaceful naman ng sky ngayon at ang liwanag ng buwan.

Pero akala ko’y nag iisa nalang ako dito sa playground, feeling ko kasi may kasama ako dito. Parang may nakatingin sa akin. Lumingon lingon ako sa paligid pero wala akong makitang tao.

Narinig ko yung hush sa may dahon. Mukhang nandun nagtatago kung sinu mang creature na yun.

“LUMABAS KA!! KUNG HINDI, TATADTARIN KITA NG BUHAY KAPAG AKO ANG NAKALAPIT JAN SA LIKOD NG MGA SANGA NG PUNO NG MGA SANTOL!!!”  ang sigaw ko. Napatayo pa nga ako sa swing na kinauupuan ko eh.

Crushed (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon