Chapter 3: Ang Leader

1.3K 40 4
                                    

What’s with the sweetheart thing? That guy is really a weird one. Kainis. Nandito parin kame sa bus, Bale umalis kame sa amin mga 10am ng umaga at 6pm na ay hindi pa kame nakakarating sa paroroonan kung saan man daw kame magstay for the night. Nang may biglang tumayo at nagsalita sa may harap.

“Hello Everyone! Welcome to our Mt. Pulag Major Hike sponsored by SLU Mountaineering Club especially to those who are not yet a member of thi club. I am Ian and I will be in-charge on everyone of you at tutulungan ako ng mga facilitators ko. Mag oovernight muna tayo dito sa baguio kasi delikadong bumiyahe ng gabi papuntang Mt. Province. I’ll announce the Groupings later bago tayo bumaba in five minutes ok,”

“OK BOSS!” may mga ilang ilang nagreply sa announcement nun ni Kuya Ian.

Kuya eh noh? Wahaha mukha naman kasing mas matanda siya sa amin. Parang 4th year college na siya, mukhang kasing edad niya si Tacs. So since 2nd year College Business Admin Course palang kame ni sisterette eh mag kukuya nalang ako sa kanya. Haha

Maya-maya’y may kumakalabit na sa akin.

“Oh sisterette gising ka na pala, anu na?”

“Uhmm... malayo pa daw ba?”

“Kakasabi lang, in 5mins daw.”

“Sungit.” Habang sabi niya yun, ay bumalik ulit siya sa pagkakatulog. Labo talaga ni sisterette, 5mins nalang eh matutulog pa. Wahaha.

Maya-maya’y bumalik si Kuya Ian sa harap.. Inanounce na niya yung mga facilitator at yung mga group members nila. Bigla akong nagulat nung sinabi ni kuya ian,

“Group B Members: Marj Rosano, Kim Optina, Marco Del Rio, Genie Concepcion, Cleo Jeung and Rina Shin. Group Leader: Andrei Tacata”

Ow. Leader si Tacs?? Namin??

Unbelieveable, sa sobrang tahimik ng taong yun, isa pala siya sa facilitator ng club na ito.

Woah. Uulitin ko ulit ah. Unbelieveable! Haha

Nakikita kong nagsisibabaan na yung mga tao sa bus ngunit ang katabi ko eh sobra kung makatulog dito.

“Sisterette, nandito na tayo, gumising ka na jan.”

Pagkabangon ni Sisterette ay binuhat ko na yung bag ko ngunit may parang humarang sa bag ko.

“Hindi dapat ganyan kalaki ang bag ng mga babae.” Si tacs at inaalalayan yung bag ko.

“Mas lalong hindi dapat ganito ang bag pag nag hihike” itinuro ko yung bag na dala ni sisterette na may gulong pa akala mo ibang bansa ang pupuntahan.

Tumawa siya ng malakas.

“Hala tacs, kailangang wagas tayo tumawa?” ang kulit niyang tumawa, first time ko siyang nakitang ganun ka saya. Ang kulit lang.

“Eh kasi naman, mag hihike tayo, hindi tayo magjajapan. Haha Ako na nga magdadala nito, sumunod na kayo sa akin ah, may Socials daw tayo mamaya.”

Binuhat niya yung bag ni sisterette pababa ng bus. Ang lakas pala niya oh.

“Hui Cleo Jeung! Mananalo kana talaga sa Tulala Award!” aw ganun ba ako katagal natulala?

“Ambagal mo kasi eh! Tara na nga’t bumaba!” Siyempre ganyan ang pinaka sikat na defense Mechanism sa buong mundo. Ang galit galitan effect.

Nang makababa kame sa bus eh ang dami nang tao. 45 pla kameng taga SLU na kasali. Hehe.

Nakita ko Si tacs na may hawak hawak na Card Board na letter B. So that’s it. Dun nga dapat kame pumunta ni Rina.

Crushed (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon