Chapter 2

5 1 0
                                    

Cassandra Park P.O.V

Buhay nga naman. Hi! Ako nga pala si Cassandra Park. Ang nerd ng buhay niyo. Madalas akong nabubully sa dati kong school. Kaya pinalipat ako nila mommy sa St.Montefalco School o SMS. Kung saan mga matatalino at mayayaman ang nandidito. Dahil sa honor student ako. Napagpasyahan nila mommy na ilipat ako dito. Naging tahimik naman ang aking buhay dahil hindi naman nila ko pinapansin. Dahil sa kapangitan ko. Actually hindi naman nababase sa mukha ang lahat. Nasa talino at diskarte yan. Saka proud naman ako dahil mayron akong mga supportive na magulang. Namatay nga lang si daddy dahil sa aksidente. Pero alam kong proud siya kasi natupad ko yung hiling niya na maging honor student ako.

Okay na sakin yun. Btw, mahilig nga pala akong magbasa. Syempre ang sumayaw at kumanta. Pero hindi talaga ako showy kasi nadadala ako ng hiya at kaba eh. Pero dinadaan ko nlng sa talino. Actually wala akong ni isang kaibigan sa SMS kasi bago lang ako. Pero I will try my best parin kahit ako lang mag isa.
Nagising ako ng 4:00 am ng umaga. At nagsimula nang gawin ang aking morning routine. Dahil first day ngayon. Kailangan maayos ako.
Pero nerd parin akong tignan. Mahabang palda, maluwag na uniform, naka tirintas ang buhok, makakapal na kilay well ayoko lang talagang mag bunot, makakapal na salamin well ako na ata ang perfect nerd sa buong mundo. Pero wala akong pake!
Matapos nito ay bumaba na ako para kumain.
"Goodmorning ma!" sabi ko kay mommy sabay halik sa noo niya.
"Oh! Goodmorning nak! Aga ah! Excited na ang anak ko!" sabi ni mommy.
"Opo ma! Hehe" sagot ko.
"O sige kain na nak!" sabi ni mommy at binigyan ako ng bread, bacon at gatas.
Hmmm sarap!
Matapos kong kumain, agad kong niligpit ang aking pagkain. At sabay nagpaalam kay mommy.
Kinuha ko ang aking bag at nag simulang maglakad. Well hindi pa ko sanay mag maneho eh. Saka malapit lang naman.
Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa SMS. Grabe ang lake nito kumpara sa school ko dati. Mapapamangha ka nlng talaga. Agad akong pumasok at hinanap ang principal office ngunit hindi ko ito makita sa sobrang lawak ng paaralan. Nag tanong tanong ako ngunit walang pumansin. Pwera sa isang lalakeng matangkad. gwapo siya. Impernes. Tinuro niya ang daan at saka nagpaalam. Nagpasalamat nalang ako sa kanya at dali daling pumasok sa principal office.
Kumatok muna ko syempre.
"Come in" sabi ng isang matandang babae.
"Ahhh..." kinakabahang kong sabi.
"May I help you?" tanong niya.
"Ahh tatanongin kolang po kung saan yung room ko" sagot ko.
"Ahh ikaw yung bago, anong name mo hija?" tanong niya.
"Cassandra Park po" sagot ko.
"Room 330, section A nak" sagot niya.
"Salamat po" sagot ko at umalis.
Hmm room 330 section A.. San kaya yun.
Yun lang ang laman ng utak ko simula nung lumabas ako sa principal office.
"Ayun!" sabi ko sa aking sarili.
Kumatok ako at nakita ang isang lalakeng guro.
"Oh? Ikaw ba yung bago?" tanong niya.
"Opo" maikling sagot ko
"Tara pasok ka hija" pag aaya ng guro.
"Pre maganda ba?"
"Uy may chix ata"
"Puta mukhang kinalahid ng manok"
"Ang panget"
Yan ang mga bulong na narinig ko mula sa kanila. Sanay na ko sa ganiyan.
"Class another student sana alagaan niyo siya" sabi ng guro.
"Well magpakilala kana" bulong nito sakin. Labis ang kaba ko tuwing gagawin ko ito. Pinagpapawisan ako kahit malamig.
"Ahh... Ehh... Ako-" putol kong sabi.
"Puta bilisan mo nga!" sabi ng isang lalake. Gwapo pero masama ang ugali.
"Ako si Cassandra Park, sanay alagaan niyo ako" sabi ko. With matching kaba.
"Walang mag aalaga sayo" hirit nung lalake kanina. Aba! Pinupuno akp nito wah! Pero wala akong ibang nagawa kundi ang mahiya.
Nagsitawanan ang iba. At yung iba naman ay walang pakialam.
"Quiet!" sigaw ng guro. Buti nga!
"Well ms.Park, maaari kang umupo sa tabi ni mr.Zakcruz. Mr.Zakcruz, itaas mo ang kamay mo" sabi ng guro.
"What! The fuck sir!" sabi nung lalake kanina. Yung pogi pero masama ang ugali.
"Quite! May problema ba mr.Zakcruz?" tanong nito.
"Wala po sir" sagot niya. Blehhh Zakcruz pala ah
"You may seat now" ani ng guro.
"Salamat po" agad akong tumungo sa upuan.
Umupo ako at inayos ang bag ko.
"Hoy panget! Lumayo ka nga!" bulong ng Zakcruz nayun.
Lumayo nalang ako para walang away.
*discussion*
*discussion*
*discussion*
*break*
Haysss kapagod! Worth it naman yung pagod ko eh.
Agad akong lumabas at pumunta sa locker ko. Oo alam kona kung nasaan ang locker ko. Kinuha ko yung aklat na He's Into Her book ko. Haha nakakaadik yung story eh. Humanap ako ng lugar kung saan walang tao at tahimik.
Nagpagpasyahan ko na pumunta sa rooftop. At dahil 30 mins. lang ang break namin. dali dali na akong umakyat.
Nagsimula akong magbasa. Haysss ang ganda ng storya.
Kelan ko kaya mahahanap ang sensui ko hahah sa panget kong toh.
"Hoy panget!" speaking of the devil.
"Alis ka diyan tambayan namin yan eh" sabi nung demonyong Zakcruz.
Umalis nlng ako at dali daling pumunta sa susunod kpng subject. Bwisit talaga yung demonyo nayun. Nakita kong kasama niya yung lalakeng matangkad na nagturo nung daan papuntang principal office. Dapat hindi na siya sumasama sa demonyong yun eh! Mukha pa naman siyang anghel. Pshhh tama na nga yan!
Back to reality.
Nakarating na ko sa susunod kong subject.
Hindi pa nakakarating ang teacher namin kaya nagbasa basa muna ko.
May tatlong lalakeng pumasok sa room. Isa na dun yung mukhang anghel at yung demonyo.
Umupo sila sa likod at nagsimulang magkwento. Eto naman si anghel nagbasa lang. Aba... Ang kyut niya. Tawa ng tawa yung demonyo at yung alagad niya.
"Hoy panget! Wag ka ngang tingin ng tingin dito! Mahawa pa kame sa kapangitan mo eh!" sabi nung demonyo. Tumawa ang alagad nito.
"Tsk!" sabi ko pero mahina lang.
"Aba! Ginaganiyan moko?!" puta demonyo nga! Narinig niya yun?.
Lumapit siya at saka yumuko para magpantay ang mukha namin.
"Bago kalang dito. Pasalamat ka at bago ka! Kung hinde baka nilibing ka na namin ng buhay!" ani niya.
Mangiyak ngiyak ko siyang tinignan.
"Ang panget mo!" sabi niya at saka umalis sa pagkakayuko niya.
Nagbasa lang ulit ako dahil ayokong umiyak. Dumating na ang iba pati narin ang guro namin.
*discuss*
*discuss*
*lunch*
Agad akong pumunta ng canteen. At saka namili ng makakain. Dumating ulit ang demonyo.
"Ms. Credit card ang kailangan hindi cash" sabi nung babae.
"Sorry po pero wala-" naputol ang sasabihin ko nung dumating yung demonyo.
"Here ako na magbabayad" sabay abot nung card.
"Thank-" magpapasalamat na sana ako nung tinalisod niya ako.
Sanhi ng pagtapon ng pagkain sa buong katawan ko.
"Welcome" sabi niya sabay alis.
Pinagtawanan ako nung mga esudyante, yung iba naaawa, at yung iba walang paki alam.
Nakakahiya...
Mangiyakngiyak akong pumunta ng locker. Kahit nakakahiya, wala akong magagawa. Pumunta agad ako sa cr. At naghilamos. Kitang kita sa mga mata ko ang luha. Dali dali akong nagpalit.
Hindi na muna ako kumain. At nagtago nalang sa cr.
.
.
.
.
.
Author
Hey guys! Mag uupdate ako as soon as possible. Dont forget to vote and follow. Labyah😘

LOVE ME Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon