One.

19 1 0
                                    

"What the fuck! Pwede bang tumingin ka naman sa dinadaanan mo?! Sht. fuck. Ang init!! Arghh!!" Paghihimutok ng lalaking nasa harapan ko. Diko naman kasi kasalanan eh. Nakatingin ako sa phone ko. Staka kung nakatingin lang sya sa dinadaanan nya edi sana alam nya nababangga ako sa kanya. Aish.

"Sorry." Sabi ko't umalis na ako. Nakakarindi yung sigaw nya. Psh.

"Hoy babae! Bumalik ka dito hindi pa tayo tapos! Aishhh!" Tinaas ko nalang yung kamay ko't kumaway sa kanya. Sayang oras.

Btw, I'm Zyra Lopez. At nandito ako ngayon sa Mall, mamimili sana ako ng gagamitin ko para sa school. Kaso tumawag tong bestfriend ko at sinabing puntahan ko daw muna sya sa bahay nya "Emergency" lang daw. Kaya habang naglalakad ako dala ang kape, ay nag ce-cellphone ako, kinukulit ko si Abigail (Bestfriend) kung anong nangyari. Kaso ang gaga, puro hikbi lang ang sagot sakin. Psh.

Nang makalabas ako ng mall ay agad akong pumara ng taxi. Sinabi ko yung Addres ni Abi. Medyo malapit lang naman yung bahay ni Abi sa mall na pinuntahan ko, kaya agad akong nakarating.

Walang katok katok akong pumasok sa bahay ni Abi. Nakita ko sya sa sulok iyak ng iyak at may hawak syang tsinelas. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay, sobrang gulo. Nagkakalat yung mga damit, meron ding mga basag na plato at nagkakalat na kanin at kung ano ano pang pagkain. Anong nangyari?

Dali dali kong pinuntahan si Abi sa sulok, muka sya kawawang bata na inagawan ng ulam.

"Zy! huhuhuhu." Umiiyak na napayakap sakin si Abi.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Kasi.. Pinasok ako zy, huhuhuhu. may magnanakaw na nakapasok huhuhu" Magnanakaw? imposible dahil mahigpit ang mga guard dito. Paanong?..

"Pinasok? Magnanakaw? Naireport mo naba to Abi?!"

"Hindi huhuhuhu."

"Nakita mo ba yung muka? Anong itsura?! Pogi ba?!" Natampal ko yung sarili kong bibig dahil sa huli kong sinabi. Srsly Zy? Nasa panganib yung buhay ng Bestfriend mo, tapos ang iniintindi mo parin kung gwapo?!

"Hindi huhuhuhu. Sobrang pangit."

"Sayang. Ano bang nanakaw sayo?"

"huhuhuhuhu!! Zy! waaaaaaa!!"

"Hoy Abi! Ano? Pera? Atm? Cellphone? Alahas? Ano?!" Pag-aalalang tanong ko.

"Yung.. huhuhuhu"

"Yung?!" Pisti. Pabitin pa eh.

"Yung.. Yung ulam ko zy! waaaaaaa. Kinuha ng pusa huhuhuhu! takot na takot ako zy! huhuhuhuhu!" What the.. Napahalagpak ako ng tawa dahil sa sinabi nya. Hahaha! Oo nga pala, Sya si Abigail Sarmiento. Takot na takot sa pusa. Pfft! At wag mong aagawan ng ulam yan dahil yayanig ang mundo dahil sa lakas ng iyak ng babaeng yan.

"Naman eh! Inatake na nga ako ng monster tapos inagawan ng pa ng ulam. Tapos ikaw tatawa tawa ka lang dyan!! Ang bad mo huhuhuhu!" Pfft.

"Kain nalang tayo sa labas letche ka. Tignan mo yung bahay mo oh! Ang dumi dumi. Yuck!" Natatawang sabi ko.

"Ihh, hayaan mo nayan tatawag nalang ako sa bahay para mga padala ng katulong dito. Libre moko zy ah."

"Alam mo, ang kuripot mo!" Sigaw ko sa muka nya. Nginusuan nya naman ako.

"Wag mokong ngusuan baka tapyasin ko yang nguso mo. Mag bihis kana dun, hihintayin kita dito." Dali dali naman siyang tumakbo paakyat sa kwarto nya.

Napaka takaw!

Habang hinihintay ko si Abi na matapos, nag pulot muna ako ng mga nakakalat na damit. Psh. Kailan kaya matututong mag linis ng bahay yung babaeng yun.

"Tara na!" Muntik nakong masubsob dahil sa gulat ng sigawan ako ni Abi sa tenga. Tinignan ko sya mg masama, masamang masama. Tumawa lang sya at nag peace sign sakin.

Kinuha ko yung bag ko sofa, mahirap na baka maiwan wala pa kaming ipambayad, nandito pa naman yung wallet ko. Nang makuha kona yung bag ko, sabay kaming lumabas ni Abi ng bahay.

I'm His Maid.Where stories live. Discover now