"Hoy Abi! hinay hinay abaaa! Para kang hindi pinapakain ah." Pano ba naman kasi, sinalin nya yung apat na Extra rice, staka yung subo nya tuloy tuloy. Akala mo hindi pinakain ng Isang linggo.
"Arghh! T-tubig!" Nagulat ako ng hilahin ni Abi yung kamay ko. Nabubulunan ang gaga.
"Yan kasi katakawan!" Sabi ko saba'y kaltok sa ulo nya.
"Wooh! Akala ko mamamatay nako hahahaha!" Buang nga.. -.-
"Abi bilisan mo dyan, bibili pa ako ng gagamitin ko para sa school. Nakabili kana ba ng sayo?" Uminom muna sya ng tubig bago sumagot.
"Oo nga pala. Tara!" Sabi nya saba'y hila sa kamay ko.
"Tara na? hindi pa yata ubos yung pag--" Nevermind. -.- Simot na simot eh.
"Tara na nga"
Nag hugas muna si Abi ng kamay sa rest room bago kami lumabas ng Mcdo.
Habang naglalakad kami ni Abi ay nag uusap kami. Pinaguusapan namin yung katangahan nya kanina.
"Promise zy! takot na takot ako, sa paningin ko yung pusa kasing laki mo!" Hahahaha!
"Tapos.. tapos yung mata nya zy, grabe nakakatakot parang sinasabi nya'ng. "Bigay mo sakin yung ulam mo kung ayaw mong ikaw ulamin ko" ganun. grr."
"Anong ginawa mo? pfft."
"Ginawa ko? Hinabol ko sya ng tsinelas, kung saan saan sya lumulusot, pati yung rice cooker ko tinumba nya! pinagbabato ko din sya ng mga damit!" Gigil na gigil syang nag ke-kwento. Pfft. with Action pa yan.
"Eh bat umiyak ka?"
"Kasi lumapit sya sakin, muntik nya na akong makalmot staka kinuha nya yung ulam ko huhuhuhu! kaya ginawa ko nag tago ako para hindi nya ako makita." Wtf! Muntik lang makalmot naii-iyak na?! Pfft.
"Hahahahahaha--Aray naman!" Natigil yung tawa ko nang may humablot sa braso ko.
"Ikaw nanaman!?!" Sigaw ko sa lalaking kaharap ko. Sya yung lalaking nakabangga ko kanina, may kasama syang tatlong lalaki.
"Oo ako nanaman! Akala mo matatakasan moko?! Hahahaha! pwes hindi!! Bro!" Tumingin sya sa tatlong lalaki, nagtiti-tigan silang tatlo. Yung parang nag uusap sila gamit lang yung mata. Mga Alien!
"Sige na," Sabi ng lalaking nakabangga ko. Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magka bilang braso, tapos yung isang lalaki naman may dalang.. Teka sako ba yun?! Wag nilang sabihin ilalagay nila ako dun?! Tinignan ko si Abi para manghingi ng tulong pero yung gaga kinikilig pa.
Walang nakakakilig dito Abi. -.-
Lumapit sakin yung lalaking nakabangga ko staka yung lalaking may hawak na malaking sako...
"AHMP!!"
Sobrang bilis ng nangyari.. Nararamdaman ko nainilalagay nila ako sa isang masikip na lalagyanan, minulat ko yung mata ko para tignan kung anong nangyayari.. Dalawang lalaki.. yung lalaking nakabangga ko may hawak sya na panyo, siguro ayun yung dahilan kaya ako unti-unting hinahatak ng dilim. yung isang lalaki naman pilit akong isuno-suot sa isang masikip na lalagyanan na unti-unti ring lumuluwag.. wala na akong maaninag...
puro tawanan ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay...
Anong nangyayari?! Damn!
YOU ARE READING
I'm His Maid.
FanfictionAng babae hindi inaasahang mapamahal sa AMO kuno nya.. Ang babaeng hindi inaasahang mapapamahal sa taong kinamumuhian nya ng sobra.. Doon nya rin ba nararanasan ang hindi inaasahang sakit? Ang hindi inaasahang pag iyak? Ang hindi inaasahang lungkot...