Kabanata 26

1.1K 41 0
                                    

TBBHR: Kabanata 26

Wala ako sa sarili. Ang alam ko na lamang ay hinahatak ako ni Cinwell palayo roon sa brewery.

Mahamog na ang gabi. Sa higpit ng kapit sa akin ni Cinwell, parang gusto kong umiyak. The more he pulls me away, the more I wanted to burst my feelings out.

Tumigil kami sa kabilang kalsada malapit sa brewery. Bigla-bigla na lamang akong naging tensiyunado lalo na nang humarap si Cinwell si akin.

Like the usual, his gazes are cold. Halos maubusan ako ng hininga sa titig niya. I feel like I'm a criminal who's guilty of everything. Kung makatitig siya, parang may gusto siyang ipahiwatig. Pinaghalong kunot at kung anong pag-aalala. Ay, ewan. Napailing ako because I don't want to assume again.

Because of the awkwardness that takes place, nawawalan ako ng lakas ng loob na magsalita. Pero dahil gusto ko nang gumaan ang loob ko, I started the topic. “Anong… pag-uusapan natin?”

“Your problem,” diretso niyang sagot at nag-igting ang kaniyang panga.

Napahawak ako sa sarili kong dibdib dahil sa nararamdamang sakit. Sa sobrang lakas ng pagkabog ng puso ko, pakiramdam ko ay sasabog na ako sa lahat ng ito.

Napapikit ako. Nag-aalinlangan ako kung sasabihin ko ba o hindi. Because I'm afraid that I might be rejected. Ayoko naman nang ganoon! I'm the woman here.

“Wala akong problema.”

Umiwas ako ng tingin. Rinig ko ang pagsinghap niya.

“Alam kong meron, Gaeli! Iniiwasan mo ako! Imposibleng wala!” he bursted. Halos mapatalon ako roon. Nanlalaki ang mga mata ko and at the same time, I feel so weak. Parang gusto ko na agad bumigay.

Hindi ako kumibo, nag-aalinlangan pa rin.

Nakita ko kung paanong hinilamos ni Cinwell ang kaniyang mukha. Lumingon siya sa akin ngayon.

“Please, Gaeli.” nagsusumamo ang boses niya.

It feels so painful to hear his voice like that. Napapikit ako. Sasabihin ko ba, o hindi? Siguro ay wala namang patutunguhan kapag sinabi ko pa. Tutal, his Demi is there. Hindi na niya ako kailangan!

“Wala nga.” napasinghap ako nang palihim sabay ngiti. Iyong ngiting hindi niya pagdududahan. “Bumalik na tayo roon.”

“Gaeli,” now, his voice is threatening me.

“Wala nga.” umiwas ako ng tingin at saka siya tinalikuran.

Naramdaman ko kung paanong sinakop ng kaniyang kamay ang braso ko. Marahas niya akong hinatak palapit sa kaniya.

“Isa,” he threatened. Halos mapabaluktot ako sa sakit dahil sa kamay niyang mahigpit na hinahawakan ang braso ko.

“Ano ba, Cinwell? Nasasaktan ako!”

“Then tell me, Gaeli! Because I'm confused myself now!” he's growling insane.

Napapikit ako. Pinilit kong ikalas ang kamay sa kaniya. Hindi niya ako pinakawalan! Napakagat ako sa sariling labi dahil sa sakit. I turned myself to see him more. Kapit niya pa rin ako at hindi maipaliwanag ang kaniyang mukha.

“Oo, may problema ako! At paano kung sabihin kong ikaw 'yon, Cinwell?! Bibitawan mo na ba ako?” there, I said it.

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Lumuwag ang kapit niya at ramdam ko ang panginginig ng kaniyang kamay.

“Tell me.” lumambot ang mga ekspresyon niya.

Sa ekspresyon niyang iyon, mas lalo lang akong nasasaktan. Tumulo ang mga luha ko. Agaran ko iyong natakpan ng aking mga kamay.

“Gaeli…”

It took me minutes before I realized I need to be brave. I faced him, even though I'm full of pain and tears right now. “I like you…” naiiyak kong sagot.

Hindi siya nakapagsalita agad. He's stunned. Ambang lalapitan niya ako nang magsalita pa ako ulit.

“Gusto ka nito.” itinuro ko ang sarili. Cinwell is in deep shock. “Pero nasasaktan 'to kasi si Demi 'yung gusto mo. Si Demi 'yung kasama mo.”

Napahikbi pa ako nang masabi iyon. I'm crying. And my pain right now… is unbearable.

My heart feels like breaking. Tumulo ang mga luha ko. “Oo nga pala, fake girlfriend lang ako! Wala akong karapatang magalit sa'yo.”

Napapikit ako. Cinwell is stunned still. Ngunit hindi ko iyon pinansin. I'm breaking into pieces right now in front of him.

“Naiinis ako sa sarili ko, Cinwell. Because of all people, bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa na hindi kayang ibalik 'yung gusto ko!” hikbi ko.

In a swift moment, an unexpected warmth wrapped around me. He is… hugging me. Mahigpit iyon na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa. Mas lalo akong napahagulgol dahil roon.

“Why? Cinwell? Bakit mo ginagawa sa akin 'to?!” I bursted crying.

Pinilit kong tanggalin ang sarili sa kaniya. Ayoko nang mas lalong mahulog pa sa lahat nang ito! “You're just using me, Cinwell Keith! Itigil na natin 'to!”

I kept crying. Namumugto na ang mata ko kakaiyak sa dibdib niya. Nababasa na yata ang damit niya sa luha ko.

Sinubukan ko muling kumalas. Ngunit hindi ako nagtagumpay. Napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

“We won't stop…” bulong niya at napatigil ako sa paghikbi.

Ang lamig ng gabi ay walang kapantay rito sa Baguio. Dama kong mas madilim na ang kalangitan kumpara dati. At tulad ng mabilis na paglamig ng temperatura rito sa Baguio ay siya ring bilis ng silakbo ng aking damdamin.

“I like you too.” Cinwell said out of nowhere.

Natigilan ako roon. Mas humigpit ang yakap niya sa akin. His hug is so tight that I can't breathe. Itinulak ko siya nang buong lakas.

“Hindi 'yan totoo.”

“I like you too.” ulit niya.

I am full of shock, name it. Nakatulala lamang ako sa kaniya habang sinasabi ang mga ito. “But… how…”

“I'm with Demi all along because I thought, you like that Radbyrne more than me.”

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. He looks like a two-timer here. Pero bakit humuhupa ang galit ko? Bakit imbes na magalit ako ngayon ay bigla na lamang iyong naglaho?

Hinatak akong muli ni Cinwell upang mapalapit sa kaniya. Our distance was so close right now. His eyes intensified the moment they darted on me. Ikinulong niya ako sa kaniyang mga braso. “I'm sorry for hurting you. I was clueless.”

Humupa ang luha ko. Nakakagulat iyon. Pero ang mas nakakagulat pa… ay ang biglang pamamasa ng balikat ko. My eyes widened… the moment I heard him cry!

“I'm sorry, Gaeli! I'm sorry for being such a jerk!” he growled with a mourning voice.

Nanumbalik ang sakit sa akin. I'm hurt too much now because of his crying.

“I'm sorry…” ulit niya.

“Cinwell..”

“Let's fix this, all right?” he whispered, rinig ko ang paghikbi niya. “It's no joke. I like you too. I like you too... more than anything else. I know… apologies won't get everything back but I promise you…”

Kumalas siya at saka hinarap ako. Totoo nga! Tears are evident from his face!

“Hindi ko na uulitin 'yon, Gaeli. Not now that you're mine…” he planted a kiss on my lips. “…and I'm yours. I'm sorry.” inulanan niya naman ng halik ang noo ko.

The Bad Boy's Hidden Romance (Bad Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon