Chapter 7- Strange Feelings

9 1 0
                                    



Matapos akong gamutin ni Leonel. I mean itong mga sugat ko ay dumiretso ako dito sa guest room na ipinahiram ni Stefan. Malaki at maaliwalas. Puting puti at nakakasilaw ang kalinisan ng kwarto. Ang mga furnitures ay sadyang magagandang klase. Wala na akong masasabi pa sa sobrang ganda at karangyaang nakikita ko.

Hindi ako masyado nangarap na magkaroon ng ganito kagaganda at mamahaling mga gamit. Hindi ko rin gusto ang sobrang laking bahay.

Sapat na sa akin ang magkaroon ng masagana, masaya at simpleng buhay kasama ang pamilya ko. 'Yun lamang ang tanging pinangarap ko para sa aking pamilya at magiging pamilya. Basta magkakasama kami at walang maysakit ay ayos na sa akin ang ganun.

Sa probinsya na pinangggalingan ko ay payak na payak ang aming buhay. We eat three times a day. Maswerte pa rin paminsan minsan dahil may miryenda pa rin.

Pero naging masaya ako sa piling ng lolo't lola ko. Kaya lang namatay si lola nung isang taon. Ang tanging nakakasama ko na lamang ay ang lolo ko.

Naroon din ang kanyang mga anak at iba pang apo. Lahat sila ay naging mabait sa akin. Naging close ako sa karamihan sa kanila.

Alam ko din ang totoo na anak ako ng malayong kamag-anak nila. Nagka problema sa pamilya at inilayo ako doon pero makalipas ang maraming panahon ay hindi na ako binalikan pa.

Minsan iniisip ko na walang pakialam sa akin ng tunay kong pamilya. If they really love me, babalikan nila ako pero wala. Ayokong umasa sa wala kaya hinayaan ko na lang. Ayokong masaktan ng sobra dahil sa bitter ako sa nangyari sa buhay ko. Hindi ko na masyado inisip pa ang nangyari sa akin at kung ano man ang kakulangan nila sa akin. Wala akong galit at sama ng loob na naramdaman para sa kanila dahil nagkaroon naman ako ng mababait, mapagmahal at mapagarugang pamilya na ni minsan ay hindi nagparamdam na iba ako sa kanila. Hindi ko naramdaman na may kakulangan sa akin.

Naging sapat na din sa'kin ang pamilya na meron ako. Kaya lang hindi pala lahat ng bagay ay magiging ganoon para sa'kin dahil hindi ko inaasahan na magiging ibang iba ang takbo ng buhay ko sa mga susunod na buwan. Maraming nangyari mula ng umalis ako doon.

Tandang tanda ko pa kung paano ako pinagmadaling paalisin ni Lolo Julio pati ng mag-asawang Tiya Marina at Tiyo Canor. Sabi nila ay delikado ako doon sa lugar nila kaya kailangan kong umalis. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit. Nasasaktan ako dahil hindi man lang nila ipinaliwanag sa'kin. Nangangapa ako sa pagkatao ko. Naghahanap ako ng kasagutan. Gusto kong malaman ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko ngayon.

Ang sabi lang nila ay kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong lumaban at higit sa lahat dapat kung hanapin at puntahan ang address na nakalagay sa mapa na ibinigay nila sa'kin sa loob ng sobre.

Hindi masama ang loob ko kila lolo, tiya at tiyo dahil dapat lamang na umalis talaga ako doon. Ayoko na madamay sila sa kamalasan ng buhay ko. Ayokong mangyari sa kanila ang nangyari sa akin. Hindi ko din kakayanin na danasin nila ang paghihirap ko ngayon. Lalong lalo na ang pinakamamahal kong lolo. Matanda na siya at hindi dapat nila maranasan ang ganito ka miserableng buhay. Malaki ang utang na loob ko sa kanila.

Ang sobreng ibinigay nila sa akin ay hindi ko na nagawang tingnan. Ang kapirasong papel na inilagay ko noon sa jacket ko ay wala na. Walang wala. Paano ko pa ngayon magagawang hanapin ang tunay na ako? Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula.

Napahamak ako. Nasaktan ng pisikal sa kamay ng mga taong hindi ko man lang kilala. Inutusan sila ng isang tao na hindi ko alam kung bakit at ano ang intensyon niya sa akin para kitlin ang buhay ko. I don't want this fucking life. Mas gusto kong bumalik sa pinanggalingan ko pero ayoko silang ipahamak tulad ko.

When Revenge Turns to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon