Prologue

28 1 0
                                    


"Nakita mo na ba siya?"


Tanong sa kanya ng lalaking kaharap niya. Bumuga ito ng usok mula sa kanyang sigarilyo. Umayos ito ng tindig at tiningnan siyang mabuti.


"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? It's been ten years already. You should move on young man."


Pangangaral pa rin nito sa kanya. NO. Hindi siya magpapadala sa panahon. Sariwa pa sa kanyang alaala ang nakalipas na sampung taon. He can't bear the pain that's why he should avenged himself and his mother. His own mother whom he loved so much.


"No one can stop me on this. Not unless I see her suffer."


Matigas niyang turan. Pinaghandaan niya itong mabuti. Matagal na panahon. Ang makaharap ang nag-iisang anak ng dahilan ng pagkamatay ng mama niya.


"Your anger is too much. Nakakatakot. Hindi ko alam kung hanggang saan ka dadalhin niyan. Sana ay 'wag mo 'tong pagsisihan."


Sabay patay ng sigarilyo nito sa ash tray na nasa ibabaw ng mesa sa harap nito. Tumindig ulit ito ng ayos at tumingin sa kanya. Ngumiti ito pero hindi umabot sa mga mata nito. Nakikita niya ang lungkot sa mga mata at hindi niya alam kung para saan ang lungkot na iyon.


Huminga ito ng sobrang lalim at lumapit sa kanya.


"Mawawala ako ng higit isang buwan. I can't be with you all the time. I am worried about your plans son. Ayoko na lalong mapuno ng galit ang puso mo. All I want for you is happiness. I never imagine na aabot ka sa ganito. It is not you. Masyado ka ng nagpadala ng galit. Hindi yan makakabuti sa'yo."


Mahaba ulit nitong litanya sa kanya. Hindi niya ito halos maintindihan. Wala siyang pakialam ngayon. Puro sakit, galit at panibugho ang nararamdaman niya sa tuwing maaalala niya ang nakaraan. Hindi niya kaya. Hinding hindi pa niya kayang kalimutan na lang ang mga nangyari.


He will settle no less than revenge. They have to pay for his mother's death. She has to pay for the sin of his father. She is a collateral. No one can destroy his plan. Not even his father's words.


Halos hindi niya maramdaman ang kamay nitong tumapik sa balikat niya. Tanda ng pagpapaalam nito. He is a good son to his father. Ganun din ito sa kanya. He never fails him. He is more than good to be a good father and husband to his mother para makaramdam ng ganito katinding pangungulila.


Naaalala pa niya itong halos tulala ng mawala ang mama niya. Sobrang sakit ang naramdaman nilang dalawa. Madalas itong magkasakit noon. Akala niya ay iiwan na din siya nito hanggang isang araw ay puro poot na lang ang naramdaman niya.


Kinuha niya ang alak sa ibabaw ng mesa at nagsalin sa kopita na may yelo. Agad niya itong nilagok at napangiti.


It will be the start of your worst chapters lady.


I can't wait to see you cry.


I can't wait to see you in pain. Aching. Screaming silently in pain.


Your father should pay. You will portray his role now.


Mas lalo siyang napangiti at nilagok pa ulit ang pangalawa niyang salin.


Makikita mo din at mararamdaman kung gaano kasakit ang ipinaranas ng iyong ama sa amin.


It will be a good game for me. I'm sure of it.






********

All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by means, without the prior permission of the author.

Plagiarism is a crime.

When Revenge Turns to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon