Mahirap din pala ang magtago,
Pigilan ang sariling makaramdam,
Parang isang laro,
Hindi mo malaman kung saan pupunta,
Hahabulin ka't hindi iiwan,
Hanggang sa isang sandali ng buhay,
Naroon ka na sa itaas,
Ako'y narito sa ibaba.
Nahulog na pala.