"Eion ano ba!" sigaw ko kay Eion.
"Ano ba Kim! 'di mo ba naiintindihan ayaw ko na sayo! so please stop following me!" sigaw niya pabalik sa'kin.
Ang sakit 'di ko alam kung anong problema at bakit niya ko iiwan ng ganito lang. Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya at hindi ko alam ang dahilan kung bakit ginagawa niya ito ngayon.
Nakikipag break siya sa 'kin ng walang dahilan? Ano yun sasayangin niya yung five years namin? Shit.
"Eion please kung ano man nagawa ko wag naman ganito please?" pagsusumamo ko sakanya upang 'di niya lang ako iwan. Mukha na akong tanga, pero wala eh, mahal ko.
Ano bang nagawa ko? May nagawa ba kung mali naging mabait naman ako sakanya, lahat ng gusto niya ginawa ko naman pero bakit?! bakit wala lang para sa kan'ya yung five years namin?
"Please lang Kim tantanan mo na ko ayaw ko na sayo may mahal na akong iba! Frankly speaking, rebound lang kita bumalik na siya bumalik na si Angelica! Yung totoo kong mahal, kaya please lang Kim leave me alone" mahabang sabi niya at umalis na at iniwan akong mag-isa't tulala sa pasilyo ng aming paaralan.
So bumalik na si Angelica? Si Angelica na iniwan siya six years ago? Ang sakit. ba't ba kasi bumalik pa yang babaeng yan!
Umalis na 'ko sa pasilyo ng aming room at pumunta sa dati kung tambayan.
Isa lang akong tahimik na babae dati walang kaibigan, laging binubully at walang pake sa mundo pero ng dahil kay Eion nag bago ang lahat ng simula nang mahalin niya ko. Pero... rebound lang pala.
Kaya sobra na lang yung lungkot ko nang iniwan niya 'ko, iniwan ako ng nagiisa kong kaibigan at minahal ko ng lubusan.
Nag iisa lang ako dito sa rooftop ng may narinig akong nagdri-dribol ng bola kaya pinunasan ko agad yung luha ko at nagkunwari na wala akong paki sa mundo.
Habang palapit nang palapit yung tunog, bigla na lang nadapa sa harap ko yung lalaki. Hind ko alam na nakaharang pala ang paa ko sa dinaraanan niya.
"Shit!" mura niya habang pinapagpag yung pantalon niya, dooms day, nasugat pa ata.
"Mister, Ok ka lang?"
"Sa tingin mo ok lang ako? Huh? Malalagot ka talaga sakin!" sabi niya na may halong diin. Paano ba 'to anong gagawin ko, nag desisyon akong kausapin siya ng maayos.
"Ah eh mister, nag tatanong ako sayo ng maayos kung ok ka lang. Dami mong sinasabi, kasalanan ko ba kasing tatanga-tanga ka at 'di mo tinitignan yang dinaraanan mo" sabi ko ng pataray. Isa yan sa mga dahilan kung bakit wala akong kaibigan. Mataray kasi ako masyado aba kasalanan ko?
"Anong sabi mo?! Ako tanga tanga? 'di mo ba ko kilala? Huh?! Ikaw na nga 'tong may kasalan ikaw pa 'tong mataray! aba! mag-sorry ka sa'kin!"
Sabi niya pero ako dedma lang ako ba't naman ako mag so-sorry? kapal naman ng mukha niya buong buhay ko 'di pa 'ko nag-sorry 'no.
Nang tatalikod na sana ako ay biglang hinila nang hinayupak yung braso ko kaya nagkalapit ang mukha namin.
"Mag so-sorry ka o hindi?" Sabi niya sabay ngisi, aba pinag loloko ata ako nitong gag*ng 'to ah.
"Hoy lalaki na antipatikong tanga-tanga! hindi ako mag so-sorry sa'yo dahil alam kong wala akong kasalan sayo! Alam mo? Inuubos mo yung oras ko!" Sabi ko sabay hawi ng braso ko sakanya at umalis na ko nang walang paalam paalam.
Grrrr! Nakakagigil yung lalaking yun sino ba yun? Parang bago dahil ngayon ko lang nakita dito sa school ah. Tsk! kung sino man siya wala na akong kung paki! Grr! Nakakagigil.
"Aray!" Ang sakit parin ng braso ko dahil sa kanya, ang higpit kasi ng pagka hawak niya sa braso ko.
Pag pasok ko sa loob ng classroom as usual magulo, maingay, kumpul-kumpol yung mga babae sa gilid, yung iba nag lalandian, kalat kalat yung nakabilog na papel yung iba ng re-review.
Nag diretso na lang ako sa upuan ko, katabi ko pa rin si Eion pero wala siya. Siguro nasa Angelica pa rin niya siya.
Kaya siguro nagiging cold sakin si Eion nitong nakaraang linggo dahil nakabalik na pala ang the one and only niya. Napairap nalang ako.
"Hay nako! Umaasa na namang babalikan pa siya ni Eion." Parinig ni Clarissa.
"Oo nga girl! Kala mo kung sinong kagandahan eh! Kaya lang naman tumagal ng limang taon yung relasyon nila dahil panakip butas lang pala siya ni Eion! Para maka move on kay Angelica, simula't sapul mas bagay pa rin si Eion at Angelica!" sabi pa ng isa niya kasama.
'Di ko nalang pinansin dahil mas nakaka irita kung papatulan ko pa sila.
Buti na lang at dumating na si Binibing Flore kaya nag sitahimik na ang mga chismosa kong classmate.
"Magandang umaga!" ani niya.
"Magandang umaga rin binibining Flore." Sabay sabay naming sabi.
"Today is my bago kayong classmate kaya gusto ko kaibiganin niyo siya."
"Omg si Britz ba yun? Omg balita ko kasi mag tratransfer siya dito."
"Omg si Britz siguro."
"Britz? Yung basketball player ng XNHS? OMG!"
Bulungan ng mga classmate ko. Sino naman yung Britz na yun? Kala mo kung sinong artista ah.
"Please come in Mr. Alcantara."
Sab ni ma'am at pumasok ang isang..ANTIPATIKO! Langya, siya?! Siya yung bago naming classmate! My G 'di ko na ata kayang mag-aral dito sa school na 'to.
"IKAW!?" sabay naming sabi at gulat na gulat.
AN:
Hi! this is my first story so please vote and comment thank you.