CHAPTER-1

8 0 1
                                    

"IKAW!?" Sabay naming sabi at gulat na gulat. Siya? Siya yung bago naming classmate aba great!

"Mr. Alcantara and Ms. Loyzaga magkakilala kayo?" Tanong ni ma'am na nagtataka.

"Ah Bb. Flore hindi po, hindi po kami mag kakilala" ani ko "Nagkita lang po kami kanina sa Rooftop" dugtong ko pa.

"Ok Mr. Alcantara doon ka na sa kaliwa ni Ms. Loyzaga umupo"
Sabi niya

"MA'AM!" Angal ko what?! 'Di ko kayang makatabi yang antipatikong lalaki na 'yan!

"Ms. Loyzaga may problema ba?"

"Ah eh ma'am wala po sabi ko dito po siya sa tabi ko uupo" Sabay irap ng mata ko

"Hi Ms. Loyzaga" Ani antipatiko aba't inaasar pa ata ako nitong lalaking 'to ah!

"Ah hello Mr. Alcantara." pinag diinan ko pa yung Alcantara para mainis siya haha.

Bigla niyang inilapit yung bibig niya sa tenga ko at sabay bulong "May utang ka pa sakin di ka pa nag-sosorry sa kasalanan mo" ani niya.

Laking pasasalamat ko na lang ng biglang nag bell at umalis na 'ko agad doon.

Dumiretso agad ako sa canteen ng bigla kong nakita si Eion. Mukhang masaya sila ni Angelica at nang tumingin siya sa'kin ay bigla akong nanigas pero nanlambot din ako ng 'di niya ko pinansin.

Ang sakit, ang sakit na makita silang masaya. Dire-diretso na lang ako sa canteen at pinunasan ang lumandas na luha galing sa 'king mata.

Bumili ako ng pagkain ko at dumiretso sa rooftop gaya ng nakasanayan.

Tahimik at payapa kasi dito at walang masyadong tao. Pero kapag dito ako kumakain naaalala ko kung gaano kami ka sweet DATI.

"Love kain ka pa damihan mo ang kain. Niluto ko 'yan para sayo". Malambing kong sabi.

"Thank you love buti na lang nakilala kita." sabi niya sabay halik sa'king noo.

"Salamat din dahil sa'yo nagbago ako" Sabi ko at pinunsan niya yung dumi sa gilid ng aking labi at dinilaan niya yung daliring ginamit niyang pamunas sa labi ko.

"Yuck! Love, kadiri ka talaga." Sabay palo ko sa braso niya

"Ano namang nakakadiri dun love? Kung ikaw rin naman mapapangasawa ko." Kumindat muna siya bagot sumubo ng chopsuey na niluto ko.

Natigil lang yung pag iisip ko ng naramdaman kong tumulo na naman yung luha ko. Pero 'di ko na kaya dahil sabay sabay na lumabas ang luha ko galing sa aking mga mata.

Bakit?! Bakit?! Kulang pa ba ako?kulang pa ba yung pagmamahal na binigay ko sakanya?? Huh?!

"Ang daya daya mo Eion Bautista! Sabi mo walang iwanan kahit na anong mangyari! Eh ano 'tong ginawa mo?! Iniwan mo ako't bumalik sa kaniya. You broke my heart unto pieces." sigaw ko kahit hinihingal.

Kailangan ko ng mag-move on sa kanya, iwan na ang nakaraan at gagawa ng panibagong buhay.

Maaga ang dismissal namin kaya wala tuloy akong mapuntahan wala din naman akong gagawin sa bahay.

"Hi!" bati ng babaeng bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Ang ganda niya nakaka-tibo.

"Ah hello? Sino ka?" Sabi ko, nag-aalinlangan

"I'm Mitch" Sabay lahad ng kamay niya sa'kin.

"Ako naman si Kim" At tinanggap ko yung kamay niya .

"Bat ka nag-iisa?" Tanong ni Mitch.

"Ah wala lang, wala kasi akong kaibigan." ani ko naman.

"Ah tayo na lang ang magkaibigan! Tutal wala rin akong kaibigan."

"Sure."

Buti na lang at meron si Mitch. Habang tumatagal ay nakikilala ko na siya. Isa siyang madaldal na may pagka-ewan.

"Kim dalian mo, nood tayo ng laban!" sabay hila niya sa kamay ko. Well, wala na 'kong nagawa kundi magpahila na lang.

Pagpasok namin sa Gym ang dami na kaagad ng tao, sari sariling pambato. May mga banner pa. Aba! Kala ko ba practice lang 'to?

"Kala ko ba practice lang to ba't may mga banner?" Tanong ko kay Mitch.

"Practice kasi ng dalawang sikat na school. Yung school dati ni Britz yung bagong transfer." sabi niya habang kinikilig.

Naghanap na kami ng pwesto,hindi madaling makahanap ng pwesto lalo na puno na ang gym buti na lang may nakita pa kaming bakante sa baba.

Dikit ang laban at parehong pagod na ang mga player. Nakita ko rin na nandoon si Eion at pinupunasan ni Angelica sa leeg.

Nakita ko rin si Britz na pagod na. Nakita kong nag angat siya ng tingin sa banda namin at napatinging siya sa gawi namin. Kinabahan ako lalo na nang ngumiti siya.

Ang cute niya pag ngumiti! Kaso nakaka inis yung pagiging mayabang niya!

Pritttt!

Pumito na, hudyat na magsisimula na ang second quarter. Hawak ni Eion yung bola at pinasa niya kay Britz.

Bago shinoot ni Britz yung bola sa basket tumingin muna siya sakin at kumindat.

"Kyaaaaaaa! Kinindatan ka niya Kim! Omg omg omg!" Tili ni Mitch sa'kin.

D ko matatago sa kalooblooban ko na kinilig ako doon. BDrinibol niya muna yung bola sabay shoot sa ring na pang three points at ayon! Shoot.

"Kyaaa!"

"Ang galing mo fafa Britz!"

"I love you Britzzzz!"

Tili ng mga kababaihan nang na shoot ni Britz yung bola. Pumalakpak din ako at nakisigaw.

Nag time out ang mga kalaban kaya bumalik sa kanikanilang coach. Nakita kung bumaling si Eion sa'kin at bumalik na kay Angelica.

'Di ko na mabilang yung pintig ng puso ko nang tumingin sa'kin si Eion.

Nang matapos ang practice nanalo ang kalaban nagkaroon kasi ng pag tatalo mula kay Britz at Eion. Kaya naka habol ang mga kalaban.

Nang naglalakad na kami papuntang classroom ay bigla na lang akong hinarangan ng mga alipores ni Clarissa.

"Nandito pala si malandi! Kapal din ng face mo ha? Una si Eion ngayon si Britz naman?" Mataray na sabi niya.

"Anong sinasabi mo?!" Pagalit na sabi ni Mitch.

"Mitch tama na halikana wag na lang natin sila patulan" Tumalikod na kami ni Mitch pero biglang niyang hinigit ang braso ko.

"Aray! Ano ba bitawan mo nga ako!"

"'Di pa tayo tapos mag usap kaya huwag mo kaming tatalikuran!" Sigaw niya

"Ano ba kasing pinagsasabi mo!wala akong alam sa mga sinasabi mo!" Sigaw ko rin sa kanya.

"Anong akala mo walang nakakita sa ginawa ni Britz huh!? Kinindatan ka niya! Ano ba kasing gingawa mo? Ano na naman bang pinainom mo sa kanya? ginayuma mo ba siya huh?!" Sabi niya.

"Wala akong alam!"

"Aba't sinisigawan mo na ko ngayon huh!" Sabi niya at sinabunutan niya na ang buhok ko.

"KIM!" sigaw ni Mitch pero 'di na siya nakasugod dahil hinawakan na siya ng mga galamay ni Clarissa.

Sinabunutan niya ako pero 'di aki makabawi dahil mas matangkad siya sa'kin kaya ang tanging nagawa ko na lang ay kalmutin siya.

Madami ng nanonood samin pero walang nagbalak tulungan kami dahil kilala ang grupo nila Clarissa.

"Tabi! Alis! Tumabi kayo sa dinaraanan ko!" Sigaw ng isang tinig kaso bago ko pa siya makita ay bigla na lamang naging itim ang paningin ko.

The Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon