Chapter 2

2.5K 170 7
                                    

CHAPTER 2

Pinayagan ng Ginoo si Erika na isama kasabay sa Palawan ang kanyang dalawang matalik na kaibigang sina Michelle at Georgina. Isang magandang sorpresa ito sa dalawa na nuo'y hindi pa nakakarating ng Palawan. Lunes ng umaga ang flight ng magkakaibigan. Sinamahan sila ni Filo upang ihatid sa Airport.

 "Hon I'll be missing you. Take care of yourself always okay?" di maipaliwanag ni Filo ang pag-aalala sa nobya dahil ilang araw din itong mawawala.

“I will!" matamis na tugon ni Erika.

“Promise me you behave ha?”

“Syempre naman!”

“Basta I'm just a call away if you miss me."

“ Ano ka ba ilang araw lang ako mawawala at pagbalik ko naman nakatali na ko sayo.”

"I really love you Erika. If you know how much I love you."

“O siya baka magkaiyakan pa kayo diyan. Erika! Let’s go," anyaya at putol ng kaibigang si Michelle.

“ Sige. Bye Hon,"  paalam ni Erika sa nobyo na nuo'y halos pilit ang ngiti sa mabilisang pag-alis niya.

“See you," ngiting sabi ni Filo at hinalikan ang nobya.

Sumakay na ng eroplano si Erika kasama ang mga kaibigang sina Michelle at Georgina. Tumagal lang ng halos isang oras ang biyahe papunta sa isa sa napakagandang bahagi ng Pilipinas.

“WOW! I’m feeling it. This is gonna be fun!” masayang sambit ni Georgina nang makatapak ang kanyang mga paa sa lupa ng isla ng Palawan.

“Di ka naman halatang excited no?” bulalas ni Michelle.

“Girls ayun yung mag hahatid satin , tara na!” masayang sabi ni Erika.

The Perfect Summer (An Unforgettable Love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon