CHAPTER 4
Kinaumagahan ay nagboluntaryong mamili si Erika sa palengke ng makakain dahil napansin nyang abala si Aling Vergie sa kanyang ginagawa. Di man masyadong sanay sa lugar ngunit hilig nitong mamili sa palengke. Maganda ang talipapa sa lugar na iyon, malinis at mapayapa. Sariwa ang mga paninda lalo na ng mga prutas at gulay kaya ganado itong mamili. Sa kanayang pamimili, tila may napansin syang kakaiba. Meron kanina pang sumusunod sa kanya. Nung una’y di niya ito alintana ngunit nang hindi na sya mapakali ay gumawa ito ng paraan.
Tumungo sa isang sulok si Erika at pilit siniyasat kung sino ang kanina pang sunod ng sunod sa kanya. Natuklasan niya na sa kanyang pagmamatyag na ang lalaking nakatagpo niya nuong isang araw sa bar na si Dennis ang kanina pa siya sinusundan.
Nabalisa si Dennis nang mawala sa paningin nito ang dalaga. Kung saan-saan tumungo upang mahanap ito ngunit di nya ito makita hanggang sa…..
“Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga ako tatantanan ng lalaking ito!" bulong ni Erika sa sarili.
Humugot sa dalang plastic bag ng kamatis si Erika at masidhing inihagis sa lalaki. Napisat ang kamatis sa ulo ng binata dahil sa sobrang lakas ng pwersa nang pagkakahagis ng dalaga.
“Arrraaaaayyyy! Ouch!!!” daing ni Dennis sabay kapa sa napisat na kamatis sa kanyang ulo. Medyo nahilo-hilo ito sa lakas ng pwersa na kanya namang banayad na ikinagalit. Lumapit si Erika at binantaan ang binata sa ginagawa nito.
“Hoy!!! Ang kapal ng mukha mo! Pag hindi mo pa ko nilubayan makakatikim ka na sakin!” Napalakas ng sigaw ang dalaga kaya't di maiwasan ng mga tao na mabaling ang tingin sa kanila.
“Anong problema mo ha?” galit na simangot ng binata.
“Bakit kanina mo pa ako sinusundan? Ikaw ha, hindi na maganda ang ginagawa mo sakin., punong puno na ako sayo!”
“Teka nga?! Bakit ba galit na galilt ka sakin? Ano bang nagawa ko sayo?”
“Ano bang sa tingin mong ginagawa mo? Binastos mo na ko dun sa bar, nagpapadala ka pa ng napakawalang kwenta mong rosas, ngayon naman you are trying to stalk me? Ang manyak mo hayop ka!” Halos umusok na sa galit si Erika sa mga kakatuwang ginagawa sa kanya ng binata.
“Teka lang ha! Sumusobra ka na! Baka hindi mo kilala kung sino ang kaharap mo! Mag-ingat ka sa pananalita mo!” pagduro nito nang kontroladong pagalit sa dalaga.
BINABASA MO ANG
The Perfect Summer (An Unforgettable Love story)
Short StoryWho makes our Destiny? God? People? Time or just You? Who is the real creator of Destiny? What if other people made it for you? What if your reality is your perfect destiny and another destiny came in by surprise? Is Destiny an invisible word that n...