×××
Humihingal kaming dumating sa dulo ng hagdan, kung malawak at nakakalula sa baba ay doble pala iyon dito sa pangalawang palapag. Mas malawak pala ito kesa sa baba.Sa unang tapak mo sa pangalawang palapag ay bubungad ang dalawang magkahiwalay at malaking hagdan na sa tingin ko ay papunta sa pangatlong palapag(mag mi-meet ang dalawang hagdan sa taas at dulo mismo ng hagdan), sa pagitan naman ng hagdan ay ang napakalaking litrato... or should I say painting —na sa palagay ko ay painting nila lolo, lola at silang apat na magkakapatid.
Napaka pormal nila sa painting at sa tingin ko rin ay matagal na itong ipininta dahil batang bata pa sila pero hindi halata kasi parang bago lang, sa left side at right side naman ay makikita mo ang napakaraming pintuan.
Ayon sa pagkakabilang ko ay may tag limang kwarto both sides, so bale sampo at 'yong ibang natitirang sampo naman ay nasa pangatlong palapag na siguro. Napalingon ako sa likod ko at nakita kong may napakalaking glass door doon na natatakpan rin ng makapal na kurtina, sa pagkakaalam ko ay veranda iyon 'gaya ng nakita ko kanina papasok.
Ayon sa nakikita ko, ang kulay na visible lang o makikita mo sa mansion ni Aunt Trinity ay brown(color of the varnish paint), gold, maroon, cream, and white or silver. Halos lahat rin ng kagamitan dito ay gawa sa kahoy, vintage but elegant ang theme at style ng mansion ni Aunt Trinity. Katunayan pwede nang maging venue ng debut ang bahay ni Aunt Trinity.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong second floor at natuon ang tingin ko sa pinto sa gitnang bahagi ng second floor, unang tingin pa lang ay halata nang kay Aunt Trinity iyon.
Magkasama kaming pumunta ni Amritta sa left side, dala dala ang mga bagahe ay inisa isa namin ang mga kwarto. Pwera na lang sa gitnang pinto at sa katabing pinto nito dahil alam kong kwarto at opisina iyon ni Aunt Trinity, may dalawang malalaki at malalawak na guest room dito sa second floor, matatagpuan ito sa right side sa tabi ng opisina ni Aunt Trinity.
Katabi naman ng dalawang guest room ay isang bakanteng kwarto. Sa left side naman, sa mismong katabi ng kwarto ni Aunt Trinity ay ang libray.Malawak rin ito at puno ng libro may mga mesa at upuan rin doon, mayroon ring mga apat o limang computer sa loob ng library, at ang natitirang apat na kwarto ay bakante. Napagdesisyunan namin ni Amritta na magkatabi na lang kwarto namin, syempre doon siya sa tabi ng library.
Pag pasok ko sa loob ng kwarto ko ay namangha ako sa nakita ko at the same time ay nanlamig, dahil ganitong ganito mismo ang mga gusto kong design at ang lakas ng hangin sa aircon. Light gray ang kulay ng pader, maganda sa mata ang kulay napaka-relaxing.
Puti naman ang kulay ng kisame, cream color marble style ang sahig ng kwarto. Ang mga kulay naman ng kagamitan ay either black, white or gray. Pero 'yong kama ay wala pang bed sheet, itatanong ko na lang mamaya kay Aunt Trinity kung saan makakakuha ng bed sheet pati na rin ng kumot at punda.
May sariling cr pala ang kwarto ko, mayroon ring TV, dvd player, aircon, study table, make up table, couch at.. WOAH. Walk in closet ba 'yon?
Pumunta ako room at tama nga ang hinala ko, walk in closet nga. Grabe napaka yaman pala talaga ni Aunt Trinity, hindi naman kalakihan ang walk in closet ko pero spacious pag pumasok ka sa pinaka loob talaga.
May couch sa gitna ng walk in closet at may malaking mirror naman na nakadikit sa pader at may mga ilaw na nakapalibot doon, dim light lang ang ilaw dito sa walk in closet ko. Pwede siyang palitan depende sa kung anong kulay ang gusto, kinuha ko ang mga damit ko pati na rin ang mga sapatos at tsinelas ko at inilapag ko muna sa couch sa loob ng WIC (Walk In Closet).
Nag silbing pader ng WIC ang mga cabinet na sa palagay ko ay lalagyan ng mga damit at iba pang kagamitan ko, binuksan ko ang cabinet sa kaliwa ko at nagulat ako dahil punong puno ito ng mga damit pang alis at may mga sapatos at sandal rin doon. Mula sa simpleng mga damit at sapatos hanggang sa bongga at pormal na damit at sandal, may mga bag rin doon.
Sa kanan naman, no'ng buksan ko iyon ay bumungad saakin ang isang walang lamang cabinet. Tsaka ko doon nilagay at inayos ang mga damit at gamit ko. Nang maayos ko na ang mga gamit ko sa WIC ay sakto namang may kumatok kaya napatingin ako sa pinto at may nag sabi na kakain na raw. Kaya naman ay lumabas na ako ng kwarto ko, halos kasabay ko lang si Amritta na lumabas ng kwarto. Tatawagin ko na sana si Aunt Trinity ngunit may lumabas na babae sa opisina niya. Sa tingin ko siya 'yong tumawag saamin, nginitian lang namin siya at nakipag batian.
Dumeritso kami sa dining table, magkaharapan kami ni Amritta. Hindi ko maiwasang pansinin ang mga nakalagay sa ibabaw ng mesa, may tatlong iba't ibang uri ng ulam doon at napaka-konti lang no'n, halatang kasyang kasya saaming tatlo ang mga pagkain. Patong patong rin itong mga plato ko, sa magkabilaang gilid at taas na parte naman ng plato ay iba't ibang uri ng kutsara, tinidor at kutsilyo. May dalawang baso rin doon.
Grabe. Hindi ko ine-expect na ganito ka-elegante si Aunt Trinity.
“Pasensya na sa paghihintay.” biglang sabi ni Aunt Trinity nang dumating siya at naupo naman siya sa dulo ng mesa.
Nag dasal muna kami sandali tsaka kami nag lagay ng pagkain, tahimik lang kami habang kumakain. Tanging tunog ng mga kutsara't tinidor at plato namin ang maririnig. In fairness masarap ang pagkakaluto.
“Bukas papaturuan ko kayo ng table manners.” biglang sabi nito.
Ang strikto niya talaga, bigla ko namang naalala 'yong mga damit sa Walk in closet ko.
“Ah.. aunt Trinity, kanino nga po pala 'yong mga damit doon sa walk in closet?”
“Ah 'yon ba? Regalo ko 'yon sainyo, sainyo 'yon.” napa-ah naman ako at the same time nag pasalamat, gano'n rin si Amritta.
“Saan nga po pala makakakuha ng bedsheet?”
“Nasa third floor, pakihanap na lang. Sinadya ko talagang hindi pinalagyan ng bed sheet 'yong kama niyo dahil kayo ang bahalang pumili sa gusto niyong design at kulay. Pati na rin 'yong kurtina niyo.”
Ano kayang trabaho ni Aunt Trinity?
Bakit ang yaman niya?
×××
A/N: Tinatamad akong mag edit so pasensiya na sa typos and grammatical error😅 si Amritta Freign nga pala ang nasa media. 😊
BINABASA MO ANG
The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]
FantasyNapagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing si Trinity matapos mamatay ang kanilang ina. Sa kanilang pagdating sa nasabing bayan ay agad na napansin ni Avrice ang mga kakaibang bagay...