×××
“Avrice.”
“Puntahan mo ako Avrice.”
“Puntahan mo ako at malalaman mo ang mga gusto mong malaman, Avrice.”
Napabalikwas ako at napahawak sa dibdib ko, tumingin ako sa orasan. 2:35 na ng madaling araw. Napakunot ang noo ko sa panaginip ko.
Anong ibig sabihin ng panaginip ko?
Bumangon ako sa kama ko at pumunta sa kusina para uminom, dala dala ang baso ng tubig ay pumunta ako sa sala at naupo sa couch. Napatingin ako sa isang malaking painting na kakaiba at pumukaw ng atensyon ko, inilapag ko ang baso ko sa center table at nilapitan ang painting nang hindi inaalis ang paningin ko.
Hinawakan ko ang paintining nang biglang umilaw ang parte na hinawakan ko, napaatras ako dahil doon. Nagulat ako nang unti unting bumukas ang painting at may lumitaw na hagdan pababa, ngayon ko lang nakita 'to.
Sumilip ako sa hagdan wala akong makita dahil napakadilim, pag pasok ko sa loob ay biglang sumara ang pintong pinasukan ko kaya kinabahan ako. Pero agad 'yon napawi nang mag liwanag ang daanan, napagdesisyunan kong sundan na lang ang hagdan at tingnan ang dulo nito dala na rin ng kuryusidad ko.
Habang nag lalakad ako ay napapatingin ako sa mga painting sa gilid ng pader, hindi ko maintindihan ang mga painting na iyon. Ni hindi ko nga napansin na naabot ko na pala ang dulo, hindi ko in-expect na napaka spacious nito. Nilibot ko ang painingin ko, may mga libro na nakalagay sa book shelf sa paligid, may couch din at center table.
Napako ang tingin ko sa double door na siyang unang bubungad sa paningin mo pag baba mo ng hagdan, nilapitan ko iyon. Hinawakan ko ang double door.. bukas. Pumasok ako sa loob no'n, napaka spacious din nito at nahagip ng paningin ko ang isang libro sa gitna ng buong silid. May iba pang mga gamit dito sa loob pero hindi ko na 'yon pinansin at dahan dahan akong lumapit sa libro na nasa gitna.
Napatingin ako sa book cover ng libro, may kung anong nakasulat doon na hindi ko maintindihan. Nagulat naman ako nang biglang may lumitaw na parang incantation sa isip ko.
“R-revelar.” pag chant ko ng incantation na nabuo sa isip ko nagulat naman ako nang biglang umangat ang libro, bumalik rin ito agad sa kinalalagyan nito.
“The Momentous Premier.” pagbabasa ko ng pamagat ng libro.Binuksan ko ito at tiningnan ang laman.
“5 years ago..” nagulat ako nang biglang gumalaw ang drawing ng isang pahina ng librong tinitingnan ko.
May tatlong grupo sa drawing, mga bampira, lobo at.. ano 'to? Katulad siya no'ng mga nilalang na ilang beses ko nang na-encounter, hindi ko lang alam kung anong tawag sakanila. Nakatingin lang ako sa drawing at hinihintay ang susunod na mangyayari.
“Anong ginagawa mo dito, Avrice?!” nagulat ako sa nag salita kaya napatingin ako sa pinto.
Biglang natigilan si aunt Trinity at parang nagulat pa nang bigla akong tumingin sakanya pero agad ring bumalik sa dati ang mukha niya.
“P-paano ka nakapasok dito?”
“A-aunt Trinity.. H-hindi ko po sinasadyang makapasok dito. Tinitingnan ko lang po 'yong painting sa sala, at no'ng hinawakan ko po 'yong painting ay biglang may bumukas na parang pinto papunta dito.” kinakabahang sabi ko, napabuntong hininga siya.
“I see.” tumango tango pa siya. “Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo.” sabi niya.
Dali dali akong nag lakad palabas, nagulat ako no'ng biglang hinawakan ni aunt Trinity ang braso ko nang magkapantay kami.
“borrar la mente.”
Tne next thing I knew, everything went black.
×××
Napasabunot ako sa sarili ko at pinigilan ang sariling sumigaw mula sa pagkainis. Tinanghali nanaman ako ng gising! Aishh!
Dali dali akong tumayo at pumasok sa cr, ni hindi ko na naayos 'yong hinigaan ko. Matapos mag ayos ng sarili at ng pinaghigaan ay bumaba na ako, nadatnan ko silang kumakain na.
“Oh Avrice, buti naman at gising ka na. Aba napapadalas ata na tanghali ka na nagigising. Ano bang pinagpupuyatan mo?” tanong ni Uncle Kye habang umiinom ng kape niya.
Bakit nga ba tinanghali na ako ng gising? Eh maaga naman akong natulog kagabi.
“Pagod lang po siguro ako.” sabi ko at naupo sa tabi ni Kennedy napansin ko namang wala pang pagkain ang plato niya kaya napakunot ang noo ko.
“Hihintayin ka raw niya para sabay na kayong kumain.” sabi naman ni aunt Cynthy.
Napatingin naman ako kay Kennedy at kinindatan niya pa talaga ako.
“Baliw! Gugutomin mo lang sarili mo, dapat kumain ka na't hindi mo na ako hinintay pa.”
“Sinabi ko na rin 'yan sakanya pero wala, hihintayin ka raw niya.” sabi naman ni aunt Charlotte na nandito pa rin pala hanggang ngayon.
“Sabihin mo lang kung ayaw mong sabayan kita, Avrice.” natawa naman ako.
“Hindi naman sa gano'n.”
Nag kwentuhan lang kami habang kumakain, nang hindi sinasadyang mapatingin ako kay aunt Trinity na nakatingin pala saakin. Nai-iwas niya ang tingin niya sa'kin.
Then it hit me. Bigla kong naalala ang nangyari kaninang madaling araw.
“borrar la mente.”
D-did she tried to erase my mind?
×××
BINABASA MO ANG
The Momentous Premier [𝘚𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘙𝘦𝘷𝘪𝘴𝘦]
FantasyNapagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing si Trinity matapos mamatay ang kanilang ina. Sa kanilang pagdating sa nasabing bayan ay agad na napansin ni Avrice ang mga kakaibang bagay...