“Tic-tock, tic-tock…”
Tanging pagtunog ng orasan ang naririnig sa paligid. Pagpatak ng oras, at sa palagay ko’y nasasayang. Sa bawat segundo, maraming mga bagay ang pwedeng mangyari. Sa loob ng isang minuto, hindi mo alam kung anong susunod na kabanata. Natataandaan ko pa noon. Isang mapait na nakraang nais kong burahin, nais kong limutin, at dinarasal na hindi na lamang nangyari…
Alas-siyete ng umaga, papasok ako sa school. Mejo late na ako, pero ayos lang, wala naman kaming first and second subject. Naglalakad na ako no’n sa daan, nakikita ko rin ang ilang mga studyanteng katulad ko na papasok sa kani-kanilang paaralan, ilang mga nag-oopisina. Mga jeepney at tricycle sa daan.
“Lara!”
isang boses mula sa likod ko ang nagpalingon sa akin. Ah, si Amiel—boyfriend ko. Lumapit siya sa akin,
“Hi baby. Sabay na tayong pumasok? Ihahatid na kita”, ani Amiel.
“Hindi ba late ka na? 7:15 na oh.”
“Don’t worry. Wala naman kaming first and second subject e, kaya ok lang.” paliwanag ko sa kanya.
“Eh ano namang gagawin mo dun? Ang aga mo pa ah?”
“Hmm, baka magbasa-basa na lang muna? Sa room lang naman ako niyan panigurado. Oh ano, tara na?” tugon ko.
Naglakad kami hanggang sa sakayan ng jeep at doon naghintay. Pumara siya ng jeep, sumakay kami at dahil sa maaga pa iyon, puno ang jeep ng mga studyanteng nasa high school pa lamang. Nang huminto ang jeep sa tapat ng isang school, bumaba na ang mga studyanteng kasabay namin na sakay nito at kami na lang ni Amiel ang natirang pasahero. Hindi ako iniimik ni Amiel. Ni hindi ko maintindihan ang mga tingin sa mata niya.
“Amiel, may problema ba?” tanong ko sa kanya.
Yumuko sya, ngunit pilit kong tinitignan ang mga mata nya, kaya’t hinwakan ko siya sa mukha at pinatingin sa akin.
“Ano bang problema? Pwede mo naming sabihin sa akin e.”
“Hindi, wala ‘to,” sabi niya.
Pero sa mga mata niya, parang may mali. Ni hindi siya sa akin makatingin ng ayos.
“Baby, alam kong may problema ka, ano ba yon? Pwede mo namang sabihin sakin, makikinig ako.”
“Kasi Lara,” panimula niya,
“di ko lang alam. Bakit bakit ba ayaw mo pa rin akong ipakilala sa parents mo? Kinakahiya mo ba ako? Totoo bang mahal mo ko?” nagsisimula nang tumaas ang tono ng pananalita ni Amiel.
“Amiel, wag ka namang sumigaw”, pakiusap ko.
Inilayo niya ang mga tingin niya sa akin. Hindi ko ba alam, parang ngayon ko lang siya nakitang ganong kagalit.
“Manong para!” pagsigaw niya sa driver.
Huminto ang jeep na sinasakyan namen, hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay at hinatak pababa ng jeep.
“Ano ba?!” pagpiglas ko, "malayo pa yung bababaan natin ah? Ano bang problema mo?”
Hindi na ako makapagpigil sa inis. Napayuko na lang siya at napabitaw sa kamay ko.
“Sorry, Lara,” mga salitang tanging nasabi niya.
“Amiel, look, pwede mo namang sabihin sa akin ng maayos e. O kung anuman yung nararamdaman ko, handa akong making.”
BINABASA MO ANG
The Secret
Mystery / ThrillerDays and weeks had passed. Feeling ko, there is something that haunts me. My conscience haunts me. Pero hindi ko naman kasalanan yon e. Hindi ko kasalanang mamatay si Amiel, siya yung humabol sa akin. And I was actually the victim here, and not him...