Chapter 2 : Buhay siya!

14 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa aking bintana. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kagabi mula sa pagkakaiyak. Naka tulala lamang ako sa kisame at inalala ang mga nangyari kahapon, simula ng mag-away kami ni Amiel, hanggang sa makita ko siyang nakahandusay at wala nang malay. Hindi ko pa din lubos na maisip na wala na siya. Nasasaktan ako at nalilito rin, sa kadahilanang hindi ko alam kung paano ko sasabihin at ipapaliwanag sa mga magulang ni Amiel na wala na ang kinilang anak.

Ilang minuto din akong nasa ganoong posisyon. Maya maya'y narinig ko ang boses ni mama.

" Jake! gisingin mo na nga yung ate mo! Anong oras na, baka ma late yun sa first subject niya! " sigaw ni mama

" Opo, Ma! don't shout at me, my ear hurts! im just here infront of you " reklamo ni jake, nakababata kong kapatid.

Ilang sigundo lang ay nasa pintuan na ng kwarto ko si Jake at kumakatok.

" ate, gumising ka na daw sabi ni mama, baka ma late ka sa first subject mo! " sigaw niya mula sa labas

Wala sa sariling bumangon ako mula sa pag kakahiga, at sa hindi inaasahan, may biglaang bumaksak na natipong luha sa mga mata ko na kanina pa palang nag babadya na tumulo. Tumungo ako sa banyo at saka humarap sa salamin. Bumungad sa akin ang namumugto kong mga mata.

Naisip ko nanaman ang mga nangyari kahapon. Pauilt ulit siyang nag re-reply sa utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin, parang sasabog na ang utak ko.

" That was not my fault, right? " tanong ko sa aking sarili sa salamin  " But, why I feel so.. Ugh guilty and frustrated and regretful and.. AARGGHHH!!! "

Tinabig ko ang lahat ng bagay na makita ko, hinagis ko at nag wala ako na parang bang isang baliw.  Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin.

" NO!! I didn't kill him! It was not me!!  or anyone's fault!! aarrghh!! no! "

Dahil sa sobrang pag wawala ko, nasuntok ko yung salamin. Kasabay iyon ng pagbukas ng pintuan, ay siya namang pag pasok ng mama ko at si jake. Bakas sa mukha nila ang pag aalala at pag papanic.

" Oh, Larra! What happened to you? " sigaw ni mama

" Ate, what are you doing? hala, your hands is bleeding! " sigaw din ni jake

" Don't mind it, hindi ako mamatay dahil dito. " mahinahon kong sabi sa kanilang dalawa.

" Bakit namamaga yung mga mata mo, ate? "

" Its nothing. Napuyat lang ako kagabi kakagawa ng homeworks, nakakaiyak kasi sa sobrang dami. "

" Anong nangyari dito? Are you really sure you alright, honey? " nag aalalang tanong sakin ni mama.

" I'm alright, ma. Huwag niyo na pong pansinin yan. Sige na, bumaba na po kayo, susunod na ako. " sabi ko habang tinutulak sila palabas ng banyo.

" Sigurado ka ha? Oh sige sige, dalian mo, ihahanda ko na ang breakfast mo sa baba. " at sinara ko na ang pintuan.

Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Hindi kagaya kanina, basag-basag na ito ngayon. Hindi na maaayos pa. Si amiel, hinding-hindi na mabubuhay pa. Wala na siya..

" At wala akong kasalanan. Tama. Wala akong kasalanan. I didn't kill him. " Nanginginig kong binuksan ang gripo at nag hilamos. Patuloy kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko kasalanan.

Pag katapos kong maligo at mag bihis ay bumaba na ako. Nasalubong ko si mama at si jake na paalis na. Base sa mga tingin sa akin ni mama, alam kong hanggang ngayon ay nagaalala parin siya sa akin.

" Lara, nakahain na yung pagkain mo dun. Kumain ka ng marami ha!, para pag dating mo sa school malakas ka at hindi ka lalamya-lamya. Oh siya, hahatid ko na si bunso. Mag-iingat ka. Bye! "

2nd Subject ko na ngayon. Nakatingin lang ako sa prof. ko. Nakikita ko siya'ng nag sasalita ngunit wala akong naririnig na boses, nagtatayuan na ang mga classmate ko pero hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa paligid ko. Ang tanging alam ko lang, ang tanging nasa isip ko lang, wala akong kasalanan.

" Its not my fault. I didn't kill him. It was an accident. " paulit-ulit kong sabi

" Lara, tara na. Kanina pa ata nag hihintay sayo yung boyfriend mo sa gate. Ayyiiee.. " Napalingon agad ako pagkasabi ni joan, classmate ko

Anu daw? Hinihintay ako ni amiel sa labas? Buhay siya? Hindi siya namatay? Ang lalaki'ng lubos kong minahal ay nasa labas at buhay na buhay!

Wala sa sariling niyakap ko si joan.

" Buhay siya, joan! Buhay siya!! " sinisigaw ko ito habang yakap yakap siya.

 " A-a-huh? bakit? sino? "

" You said, nasa labas siya at hinihintay ako, right? Ohh gosh.. sige, mauuna na ako! " iniwan ko siya doong nag tataka at timakbo palabas ng room hanggang sa gate ng school.

Hinanap ko siya. Mabilis ako na lumilingon at nag paikot ikot. Naiiyak na ako dahil hao halo na ang nararamdaman ko. Na e-excite, na kinakabahan, na natatakot. Dahil baka kasi galit siya sa akin, pero ayos lang sa akin kahit saktan niya pa ako, tatanggapin ko ang lahat, basta ang mahalaga sa akin ay buhay siya.

Napatigil ako sa paghahanap nang may makita akong pamilyar. Nakatalikod lang siya. Pero alam ko. Alam kong siya yun. Si Amiel.

Tuluyan na akong naiyak. Naglaho na lang ng parang bula ang lahat ng takot na nararamdaman ko nang makita ko siya at napalitan na lang bigla nang saya,pananabik na mayakap siya at makausap siya. At dahil doon, tumakbo na agad ako at niyakap siya mula sa likod..

The SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon