/1/ - Account Creation

17 6 4
                                    

  Chapter 1 - Account Creation


***


Bumuntong-hininga ako habang nakatitig sa profile ng facebook account ng crush ko. Hanggang ngayon hindi pa din niya ina-accept yung friend request ko.


"Queenie?" Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang boses ni mama kasabay ng tatlong katok. Binalik ko muna sa homepage ang fb account ko bago ako tumayo. Baka isipin ni mama, stalker ako, which is true naman pero syempre dapat ako lang yung nakakaalam ng pagiging stalker ko diba.


Binuksan ko ang pinto ng kwarto at bumungad sakin si mama. "Sorry ma, na-lock ko po pala yung pinto. Bakit po?" Actually, ni-lock ko talaga yun pinto. Sabi nila loner daw ako. Pero ano bang magagawa ko, mas gusto kong mapag-isa kesa makisalamuha sa mga taong matataas ang tingin nila sa mga sarili nila. Yung mga taong walan ibang inisip kundi sarili lang nila. It's better to be aline because no one will judge you.


"Queenie anak, may ginagawa ka ba? May iuutos lang ako." Umiling lang ako kay mama sabay sabing,


"Wala naman po ma. Ano po ba yun?" May dinukot si mama sa bulsa niya.


"May ipapabili lang ako sa supermarket." Inabot niya sakin ang isang papel na naglalaman ng mga dapat bilhin. Inabot ko yun at tinignan. "May ginagawa kasi yung mga kasama natin sa bahay kaya sayo ko na lang isusuyo."


Tumango ako at ngumiti. My parents, they are my role model. I love and treasure them. Hindi kasi nila ako pinababayaan, they love me unconditionally. Pinakit nila sakin na kahit mataas ang antas namin sa buhay, hindi mo dapat gawing basehan yun para manliit ng kapwa.


"Sige anak, may gagawin pa ako. Mag-ingat ka ha?" She said at niyakap ako. I hugged her back at saka siya nagpaalam. Pumasok ako sa kwarto ko at dumiretso sa walk-in closet ko. Plain black shirt at jeans lang ang isusuot ko with sneakers. Hindi ko naman kailangang magpaganda dahil sino ba ang magkakamaling tumingin sakin diba?


Pagkatapos kong maligo ay saglit kon tinignan ang fb ko. Pinatay ko na din ang conputer pagkatapos kong makitang hindi pa rin ina-accept ni crush ang friend request ko. Imbis na magpahatid sa drier ay nag-commute ako. Actually, kahit sa pagpasok sa school nagko-commute ako. Wala lang, mas gusto ko kasi yung feeling na makipaghabulan sa jeep. Makipagsiksikan kapag pilit na pinupuno ng jeepney drier at barker ang jeep. Parang yun kasi ang basehan ko para hindi ako matawag na 'loner'.


Pagkapasok na pagkapasok ko ng mall ay agad kong tinungo ang supermarket. Nagmadali pa akong pumunta dun kaya hindi ko naiwasan ang taong makakabunggo ko. Humingi lang ako ng paumanhin sa kanya. Haay, i really hate big crowds.


Tapos ko ng mabili lahat ng nasa listahan at naghihintay na lang ako ng masasakyan. Habang naghihintay ay may napansin akong matanda na mukang nahihirapan sa dala niya. At isa pa sa napapansin ko ay hindi siya mapakali. Tinignan ko kung saan siya nakatingin at napagtantong kailangan niyang tumawid.


Binuhat ko ang dalawang eco-bag na naglalaman ng mga pinamili ko saka lumapit kay lola.

My Dream GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon